Chapter 20

34 7 1
                                    


Binuklat ko isa-isa yung mga pages ng kanyang notebook, puro notes yun tungkol sa Biology. Tiningnan ko naman yung likuran ng notebook, sa pinakahuling page nakafold yun sa kalahati. Liningon ko muna ang paligid ko bago ko yun binuksan para safe at walang makakita hehe...

Dear Babe,

Happy 2'nd Anniversary!! Kamusta na diyan sa US? Pasalubong naman oh? ^_^  hehe... Sana nandito ka ngayon sa tabi ko at magdadate tayo sa favorite restaurant natin kung saan ioorder kita ng favorite mong steak, maraming petals ang paligid at nakikinig tayo sa love song natin. I love you! Sana magkita tayo ulit R

Hindi na niya tinuloy pagdating sa R, siguro scratch niya lang siguro ito nung gumagawa siya ng letter para kay babe (-_-)

Kaswerte siguro ng R na yun... Kasi pag magdadate pala sila ay napagka effort ni Bulag sakanya, ano kaya ang dahilan kung bakit sila nagbreak?

Pagiisipin ko na naka date ko si Bulag ay ganun rin kaya yung mangyayari sa date namin? Yuck! Bakit ko ba yun naisip? Kaloko--

"Kaelyn Tuazon!" gulat ako napalingon sa likod ko, nandun si Theo at Ella "Bakit kayo nandito sa loob ng room?" takang tanong ko sakanila, napatingin sila sa isa't isa at napa iling "Ms Tuazon, kanina pa po namin ikaw tinatawag sa labas ng room. So pumasok kami ni Mr Handsome sa loob para tingnan kung ano ginagawa mo pero mukang busy ka diyan kababasa sa love letter mo" panimula ni Ella. Napatayo ako sa upuan ko at inaya sila papunta sa canteen, ibabalik ko kay Bulag ang notebook niya at wala siyang karapatan utusan ako. "Uhm... Theo samahan mo muna si Ella sa pila at may iaabot lang ako kay Andrew" tumango siya at dumeretso ako sa pwesto ng Y8, pagdating ko dun ay nandun silang lahat, nakita kaagad ako ni Raf kaya nilapitan niya ako "Kaelyn babess!! Nandito ka!" hawak pa niya sa magkabila kong balikat BABES KO MUKHA MO!!

Inis kong tinanggal ang mga kamay niya sa balikat ko "Uhm Guyssss... I would like you to meet Kaelyn Tuazon" pakilala sakin ni Raf sa apat na iba pa nilang kasamahan "Ako nga pala si Robert, Robert Will" pakilala sakin ng isang matangkad na gwapo rin "Lance Ward" pakilala sakin sa pinakamaliit sakanila "Jay Watsons" isang pinaka maputi at gwapong lalaki "Paul Stewart" siya ang may pinaka malaking katawan sakanilang lahat.

"Kaelyn wag ka na magtanong kung bakit pang foreigner ang mga surnames nila, wag mo na tanungin yun baka maguluhan ka lang. Basta silang lahat ay pure Filipino na may halong Korean blood hehe..." hindi ko pinakinggan si Raf dahil masyado ako naiilang sa mga ngiti at titig nila except sa isang nakasimangot na nasa dulo ng lamesa itago na natin sa pangalang Andrew Garcia. "What are you doing here?" nabigla ang lahat nang tumayo si Bulag at lalapit sakin,

Agad ko binato yung notebook niya sa mukha niya st sakto sa ilong niya tumama 3 points! "Bakit mo binato sakin ito?!" galit niyang tanong "Binatuhan mo rin ako kanina, so I guess kwits na tayo?" kinindatan ko siya at napanga-nga lahat ng tao dun kaya umalis narin ako.

Naabutan ko sina Theo at Ella nagkwekwentuhan habang kumakain na, umupo ako sa tabi ni Ella "Ang tagal mo naman dun?" tanong sakin ni Theo habang nakanguso dun sa pwesto ng Y8 "Pinakilala pa kasi ako ni Raf sa buong Y8" nanlaki ang mga mata nila pagkatapos ko sabihin yun "Huy!! Bakit ba kayo tulala?" napailing naman silang dalawa sa tanong ko. "Ano pala ang result Ella?" natigilan si Ella at humaba ang nguso niya "Wala pa nga... Mamayang hapon daw before Dismissal" tumango kami ni Theo at pinagpatuloy ang pagkain...

NABOBORED AKOOO (T_T)

"Oo nga pala, ano yung ipapakita niyong talent para sa student's week?" pagbasag ni Theo sa katahimikan "Ewan ko..." walang gana kong sabi habang pinaglalaruan ang spoon ko "Maybe I will do dancing or acting, how about you Theo?" tanong ni Ella kay Theo "Maybe I'll do dancing... Want to join? Pwede daw by group" namula naman si Ella sa sinabi ni Theo.

Kinikilig naman siya oh... Sino ba kasi hindi kikiligin kung niyaya ka ng crush mo diba?

"Kaelyn wanna join?" tanong naman sakin ni Theo "uh... Ok" napangiti naman silang dalawa sa sagot ko "So dapat magplano na tayo ng dance step at music" pagpaplano ni Theo sa harapan namin ni Ella pero hindi ako masyado nakinig

Ano kaya sasayawin namin? Halos matagal tagal na rin ako hindi sumasayaw ehh... Eh si Bulag kaya ano gagawin niya? Tskk baka pangbully ang ipakita niyang talent hahaha!!

"Hoyyyy!!!" nagulat ako ng sigawan ako ni Theo at parehas silang nakataas ang kilay st dun ako nagising sa reality"Why are you even smiling?" takang tanong ni Ella sakin "h-huh? U-Uh... W-wala naiisip ko lang yung s-steps sa d-dance natin" pagsisinungaling kong sagot. Tumango tango pa si Theo at tumaas pa lalo ang kilay ni Ella "Whatever you say" maarteng sabi sakin ni Ella.

Niyaya na kami ni Theo na bumalik na sa classroom kasi malapit na yung next class niya. "Kaelyn, Ella pwede ko ba kayo yayain magdinner mamaya? Pangbawi ko na rin sa mga araw na wala ako kaya panigurado nalungkot kayo hehe" nahihiya niyamg sabi. "Talaga? Sige! Basta libre mo ah?" excited na sabi ni Ella at tumango naman si Theo sakanya "Ikaw Kaelyn?" tanong niya sakin "Sige" tipid kong sabi sakanila at pumasok na ako sa loob ng room ko at hinintay ang prof namin.

*Ella's POV*

"Sige" maikling sabi ni Kaelyn at pumasok na sa loob ng room nila, sabay naman kami ni Theo pumunta sa room namin kasi same class lang kami. "Napapansin mo ba si Kaelyn?" tanong sakin ni Theo kaya agad ako lumingon sakanya "Why?" I also ask him "Hindi mo ba siya napapansin? Lagi na lang siya wala sa sarili" nagaalala niyang sabi. "Why do you always focus on Kaelyn?" nagtatampo kong tanong sakanya, minsan feeling ko third wheel na lang ako lagi sakanila (T_T)   "Ella, she's our friend at normal naman siguro magalala sa bestfriend niya?" sabi niya deretso sa mga mata ko "Kung siya bestfriend mo, Eh ano ako?" turo ko sa sarili ko kaya napabuntong hininga naman siya "Ano pa ba? Edi girlfriend!" natigilan ako sa sinabi niya.

Totoo ba ang narinig ko?? Girlfriend?! Yieeeeeee!!!  Oh my gahddd!!! Kelan pa naging tayo Theo?! Ikaw ah! Jinojowa mo ako ng hindi nagpapaalam sakin...

"Hoyy!! Ano yung nginingiti mo diyan??" tanong niya "Ikaw ah, you didn't told me that you like me ah? Yieee" kinikilig kong sabi kaya lalo tumaas ang kilay niya "What?!" nagulat siya sa sinabi ko "Sabi mo     g-girlfriend mo a-ako" napapahiya kong sabi "Girlfriend! Gosh Ella! Girl bestfriend! Hindi yung pagbibigyan mo ng malisya" galit niyang sabi kaya napayuko ako sa kahihiyan. Agad ako tumakbo papunta sa classroom at hinanap ang seat ko, umupo ako dun at hindi ko na pinansin ang presence niya.

NAKAKAHIYA...

"Theo!! Si Kaelyn tingnan mo!" napatingin ako sa nagsalita na yun, member siya sa Y8. Kinabahan ako sa sinabi niya... Ano nangyari??

*Andrew's POV*

Sumugod ako papunta sa classroom ko, bwisit na yan (-_-) binigay bigay sakin yung notebook ko ng walang laman na pinapasulat ko?! Pagpasok ko ay nakita ko siya na nakaupo sa pwesto niya at payapang nagbabasa ng libro. "Tuazon!!" tawag kong malakas sakanya kaya natahimik lahat ng students sa loob at dahan dahang lumingon sakin si Kaelyn "Bakit wala dito yung pinapasulat ko sayo?" nangigil kong tanong, ngumiti siya bahagya "Sino ka ba para utusan ako?" mayabang na sabi niya, lalo uminit ang ulo ko sa sinabi niya "Ako? Ako ang magpapaalis sayo dito!" sabay bato ko sakanya ng notebook sa mukha niya. Nagulat lahay ng students sa paligid namin, napahawak siya sa mukha niya at napapikit na parang nasasaktan siya. Pagalis niya ng kamay niya sa mukha niya ay nagulat ako ng makakita ng konting dugo sa gawing ibaba ng mata niya.

"OMG! Look!"

"Luh?? Dalin na siya sa clinic!"

"Buti nga sakanya!!"

"She deserved it!"

Nakarinig ako ng matinding bulungan, hinawakan niya ang parte na may dugo na yun at napapikit siya sa sakit. Pinunasan niya yun na parang wala siyang pakialam kaya lumapit ako sa pwesto ko pero nang paupo sana ako ay bigla siya tumayo at sinampal ako sa kanan ko ng napagkalakas! "Para yan sa pangbabastos sakin!" sinampal na naman niya ako sa kabila "Para yan sa sugat ko!" napahawak ako sa magkabila kong pisnge pero hindi nawala ang masasamang tingin ko sakanya.

"Kaelyn?!" ...

Falling for the BADBOY [ON-GOING]Where stories live. Discover now