Chapter 8

49 7 0
                                    

Kaelyn watch out for your words and action

I AM DOOMED!



Bakit ko ba kasi siya sinampal? Pwede ko rin naman siya sigawan na lang? Hindi! Hindi pwede! Ayoko mabully ni Bulag!

"Hoy!" sigaw ni Theo. "Ano ba?!" sigaw ko pabalik. "I was calling you for about the 5th time" sarcastic niyang sinabi, "Edi sorry po!" sabay bow ko at hawak sa magkabila kong palda yung Chichay style! "Hehe! You're not chichay! You're Kaelyn... The most pretty girl I have ever seen"

"Ano?!" sigaw ko, hindi ko siya masyado narinig kasi ang lalakas ng bulungan sa paligid "Wala!" sigaw niya. Ano ba problema nun? Eh yung narinig ko You're not Chichay, you're Kaelyn the mst pweety yirl dai iihabb ebweerr sinnn... Yun yung pagkakarinig ko...

"Yahh!! Bakit niya kasama si Timothy?"

"Huwattt?? Bakit sila magkasama?!"

"After fafa Andrew si fafa Timothy na?"

"Yieee! Bagay sila pareho! .... Parehong nerd! Bwahaha!"

"Si Theo ayan na siya!"

Nagbubulungan ba sila?! Or
NAGPA PASHOUT OUT?!

Tiningnan ko si Theo at walang expression yung mukha niya

bagay na bagay talaga yung salamin sakanya, yung mahahaba niyang pilik mata, mala dark tsokolate niyang mata, matangos na ilong, mapupulang labi... Hayyyy bakit ang gwapo niya?
Siya ang tinatawag nating pinaka gwapong nerd ng school...

*CLICK!*

"Ms. KAEYLN TUAZON! ARE YOU STILL ALIVE?!"

ANO DAW?

"MRS. KAELYN BUENAVENTURA!"

"Anong Buenaventura?!" sigaw ko sakanya.

"Oh diba! Sabi ko na nga ba ako yung gigising diyan sa puso mo ehh" nakangiti niyang sabi. "Bakit? Sino ba si Buenaventura?!" tanong ko. "Ako! Timothy Buenaventura!"
Sigaw niya pabalik. " Eh bakit Mrs. Kaelyn Buenaventura?!" tanong ko. "Bagay sayo eh, gusto mo sayo na lang?" sabay kindat sakin "Yah! Baliw ka talaga!" sigaw ko

"Oo Ms. Tuazon baliw ka na yata"

"Ako?! Sino yung sinasabihan mong bal- sorry Ms. A" nakatayo sa harapan namin si Ms. A at mukhang kanina pa siya dito, SHOCKS!.NAKAKHIYA TALAGA!

"You two can have your conversation silently but not in a shouting way!" Damn! Hindi ko na napansin yung lakas ng boses ko ..

"Sorry miss A" sabay namin pareho ni Theo... "good. The both of you can now go back to your respective classes" sabay walk out. "pshhh... Ikaw kasi eh kalaki ng bibig mo ayan tuloy dada ng dada"  Wow?! So ako pa ngayon may kasalanan. "Ewan ko sayo" at umalis ako dun, "Huy! Hintayin mo ako!" habol niya sakin "Hatid na kita sa classroom niyo para masaya" No way! Ayoko! Baka kung ano pa isipin ng mga kaklase ko! Wait.... Ok lang! Baka kasi ibully ako ni Andrew pagkatapos ko siya awayin? Tama ba? Nagaway nga ba kami? O nagkasagutan lang? "Ok" yun na lang lumabas sa aking bibig.

Habang naglalakad kami papunta sa classroom ko, nagchikahan muna kami about life, business, studies pero ayaw niya pagusapan tungkol sa family life niya kasi daw masyado na daw personal, I FELT HIYA BESS..

Pagdating ko sa classroom ko ay nagthank you rin ako kay Theo at pumasok sa loob, dumeretso ako sa seat ko at yumuko. Feeling ko kasi matutunaw na lang ako sa mga titig nila na papatay na lalo na yung mga babae. Buti na lang at dumating na prof. namin kaya umiwas narin sila ng tingin...



*AFTER 40 MINS*





"Class dismissed!" sigaw ni Sr. J dumeretso agad ako sa labas papunta sa parking lot. Crowded ang students malapit sa car ko, nakaramdam ako bigla ng kaba, siguro susugurin na nila ako. Hindi ko na sila pinansin at dumeretso sa harapan ng kotse ko, pumasok ako sa loob kasi baka mamatay na naman yung mga titig nila, whooo! Buti na lang at hindi ako napano kaya pinaandar ko na ang sasakyan ko at umalis na pauwi sa bahay.

Yung nasa harapan na ako ng gate ng school bigla may bumato ng flour or powder sa likod ng sasakyan ko at binasa ito kaya ang parang nagluto tuloy yung kotse ko, huhu! Lagot ako niyan kay Dad...


Hindi ko na ito pinansin at dumeretso sa bahay...

Pagdating ko dun sa harapan ng gate namin "Ms! Your car is so messy!" sigaw ng guard. "Kuya can you please clean my car, so that it wont smell that bad tomorrow" sabay deretso ko sa loob. Pagbaba ko pa lang ng kotse natigilan ako... Oo nga pala, maya ay makakasalubong ko na naman sina mom and dad... Napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa loob ng bahay namin.

"Oh mah gahd! Kaelyn!" salubong sakin ni Yaya Linda. "Ikinwento sakin ng mommy mo kanina yung ngyari sainyo kagabi... Ok ka lang?" madaldal rin pala si mom -_- "ok lang ako yaya at hayaan mo na yung ngyari kagabi, kalimutan na natin yun" sabi ko sakanya. Umakyat na ako sa taas bago pa ako lunurin ng tanong ni yaya. Bago ako dumeretso sa kwarto ko, tiningnan ko muna yung kwarto nina mom ewan ko ba kung ano pumasok sa isip ko at ginagawa ko ito...

Pagbukas ko ng pinto, unang una nakita ko yung desk nila na punong puno ng papel, tinry ko hanapin sina mom pero parang wala naman sila dito...  Pumunta ako sa desk nila at tiningnan yung mga papel, puro tungkol lang lahat ito sa work nina mom... Aalis na sana ako ng may nahagip ang aking mata

Isa siyang red envelope na nakapatong sa kama nina mom ANO ITO BLIND AUDITION PARA SA THE VOICE?! Pagbukas ko isa siyang BIO form tungkol kay Cedric Garcia, 43 yrs. old at yung itsura niya ay parang mayaman siya... Ano naman kinalaman nina mom kay Mr. Garcia?
Siguro new worker lang ito sa company nila... Pero bakit nasa red envelope?! Diba dapat brown hindi red?! Wait... Baka uso na red at hindi na brown envelope

"Kaelyn?" nabitawan ko yung hawak ko'ng envelope, si mom pala "Mom..."
Parang may gusto ako sabihin sakanya pero hindi ko ito magawa.
"Kaelyn what brings you here?" habang papalapit sakin. "I was looking for.... For y-you" napangiti si mom sa sinabi ko kaya niyakap niya ako, syempre niyakap ko siya pabalik
"I'm so sorry daughter for what happened last night" wait... Is mom crying?? "It's ok mom, and stop crying! You will look older niyan!" panglalambing ko sakanya. "nakoo! Ngbola pa si Damulag" kinurot pa niya yung magkabila kong pisnge "Ouchhh!! Mommmy!!" sigaw ko sa sobrang sakit. "Bwahaha!" tawa ni mommy "Mom! Kung tumawa ka parang sinapian!" sigaw ko "Hahaha hayaan mo, ganito talaga tawa ko yung dalaga pa ako. Walang pakialamanan!" at sumabog kami sa tawa.

Falling for the BADBOY [ON-GOING]Where stories live. Discover now