Chapter 17

35 6 1
                                    

*Andrew's POV*

Minulat ko ang aking mga mata at nasa isang madilim na lugar ako, kinapa ko yung mga nasa paligid ko at may nahawakan akong malambot. Kinuha ko yun at yinakap, bakit ang bigat? Tinamad akong buksan ang aking mga mata dahil inaantok pa ako. Inaalala ko lahat ng nangyari nung nakaraan, sinusuntok ko daw ang leader ng TAENG VULTURE (RED V)

After daw ng school ay dumeretso kami nina Raf at Jake sa club at napagkalasing, bakit nga ba kami napagkalasing? Hmmm... Ah! Dahil nga pala kay babe. Pagkatapos namin mapagkalasing ay pumunta ako sa isang parking? Nakita ko dun si Ella at .... Si Ella....... SI ELLA?! "Wag ka magalala Andrew, sisiguraduhin kong marerelax ka mamaya..."

Agad agad ako napatayo sa aking higaan, nasa isang kwarto ako pero hindi sakin ito! pagtingin ko sa ilalim ng blanket ay f*ck! Bakit wala akong suot?! Tiningnan ko ang aking paligid parang nasa isang hotel ako. Agad agad ko hinanap ang mga damit ko pero wala bwiset na Ella na yun! Pinagsamantalahan ako! May nakita akong sticky note sa table "Feeling happy?" f*ck this! Meron nga nangyari samin, pero bakit wala akong maalala?!

*Knock Knock!*

Naghanap ako ng pambalot sa aking katawan muna at binuksan ang pinto. "Good morning sir! Here's your clothes" bigay sakin ng babae "Nasan ako?" derederetso kong tanong "Ah.sir! Nasa Flower hotel po kayo!" "Bakit ako napadpad dito?" bigla tumaas ang isa niyang kilay, "Sir naman eh! Sabi po kasi ni Ms Ella na pasayahin daw po namin kayo kaya ginawa po namin yan sa kama  ninyo dahil w--"    "WTF?! ANO GINAWA NIYO SAKIN?!!" nagulat siya sa pagsigaw ko kaya napayuko siya "S-sir inispa lang po kayo d-diyan sa k-kama niyo sir d-dahil wala na po kaming s-space dun sa baba" pakonti konti nagsink in sakin ang mga nangyari, nagpa spa lang pala kung ano ano kasi iniisip ng sarili ko eh -_- isa sa mga problema ng mga berdeng utak. Sh*t pahiya ako dun ah "Thanks" sabay sara ko ng pinto. Sinuot ko na ang aking mga damit at hinanap ko ang aking cellpone at susi ng kotse ko.

Nang nakababa na ako sa 1st floor tinawag ako ng counter girl, lumapit ako sakanya at tinanong kung bakit "Sir hindi pa po kayo nagbabayad"
-_- "Are you sure?" tumango siya at tinanong kung ano yung room number ko "169" chineck niya yung room "Sir hindi pa po binayaran ni Ms Ella yung stay niyo po dito pati na rin po yung spa kasi sabi niya po sakin na ikaw daw po ang magbabayad"

(-_-) SERYOSO KA BA ELLA?! DINALA DALA MO PA AKO DITO KUNG AKO RIN PALA MAGBABAYAD?! "How much?" tanong ko sakanya "Sir 5,500 po. 1,500 sa stay, 500 sa laundry, 2,500 sa spa at 500 po sa pagsusuka niyo sa paligid at pagbasag po sa iisang vase ng hotel po" nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya "Ako? Nagsuka at Nakabasag?!" bigla siya natawa na parang may naalala siya, pinakita niya sakin yung pictures ko na lasing na lasing at puro suka nga ang paligid, pinakita rin ang isang magandang vase na basag. Ganun ba talaga ako pag lasing?! Wala akong nagawa kaya binigay ko na sakanya yung bayad 6,000 "keep the change" sabay alis ko na sa hotel at hinanap ang aking kotse.

Pagkauwi ko sa ay sinalubong kaagad ako ng mga house maids at pinagtatanong nang kung ano ano "Sir? Where was you go?" nagaalalang tanong sakin nang isang maid, tanga lang eh... "Wrong grammar ka na nga, Nag english ka pa" bigla siya napahiya at umalis dahil sa sinabi ko. "Sr Andrew tawag po kayo ni Master sa loob" sabi sakin nang secretary ni Pops. Pumunta agad ako sa office niya at nakita ko na naman ang paper mountains niya. "Pops..." huminto siya sa ginagawa niya at tumayo sa pagkakaupo "Son where have you been?" ito na naman tayo sa question and answer portion "I didnt went home last night cuz Jake invited me in a sleepover" tumango tango siya "Go back to your room and get ready for school" knew it! Ganyan ako katalino magnigay nang excuse sa Pops ko. Naligo ako at nagpalit ng damit, habang inaayos ko ng buhok ay hindi ko namalayan ang oras 7:40am na. Binilisan ko ang paggayak at dumeretso sa kotse ko.

Falling for the BADBOY [ON-GOING]Where stories live. Discover now