"Awat na Laxy." Matigas nitong sabi. Minsan lang ito gumamit ng ganung boses kaya alam mo seryoso na siya.

"Sorry ate Ly. Sorry ate Mika. Sorry sa may gusto kay ate Mika. Sorry din sa mahal ng may gusto kay ate Mika. Sorry sa inyong lahat." Seryosong sabi nito na akala mo maamong tuta. Lumapit pa ito kay Sky at yumakap doon. "Sorry din love. Sorry Maxz. Hindi ko na papahamak sino man."

"Siguradohin mo lang Laxy. Ikukulong kita pag ginawa mo na naman ng wala naman palang dahilan." Sabi ni Maxz sa kakambal. Kahit naman kasi baldado ito, malakas din ito.

Pagkatapos mag sorry ng pasaway na alien ay may kanya-kanya na silang usapan.

Ang kambal at si Sky ay tungkol sa training nila. Habang ang ka teammates namin ay tinutukso si Ara. Ang lover ay busy din sa gilid.

Habang si Mika ay niligpit ang gamot at bumalik sa pagkakaupo sa lap ko pagkatapos. Alam kong gutom na naman ito. Pero kailangan niya rin ng dugo ng creator niya.

"Sky." Tawag ko dito lumingon naman agad ito. Tiningnan ko lang si Mika at alam na ni Sky ang kailangan ko.

Ngumiti ito at tumango bago umalis muna.

"Babe, pwede ba kitang yayain mamaya?" Bulong ko sa kanya. Hindi naman kailangang lakasan kasi dinig niya ako agad at halos hindi iyon marinig ng tao.

"Saan?" Sagot niya habang nakasandal sa dibdib ko habang nakayakap naman sa bewang niya ang braso ko.

"Just a simple date." Sagot ko naman.

"But, gusto ko mag practice pa tulad ng ginawa natin kanina kahit sandali lang. I already know how to use guns, but I want to master it." Sabi niya habang nakanguso.

Yeah. We miss each other. But we don't do extracurricular activities. We go home to train.

Magaling siya gumamit ng baril at bullseye palagi. Pero paggumalaw na ay nahirapan siya.

Pero dahil bampira na siya. Sandaling paliwanag lang ay kuha niya na. May iba't ibang pakikipaglaban pa kaming pinag-aralan pero kuha niya agad kahit sabihin nating hindi naman magaling agad. Hindi ko nga naisip na kaya niya rin palang lumaban.

Nagtetraing kami ng dumating si Laxy at nakisabay pa sa kunting training namin. Bigla na lang itong sumulpot. Kaya naman kilala na ito ni Mika kaya hindi na rin siya nagselos dito.

Cause Laxy is Cloud and Sky's mate.

May dalawang mate ang alien na yun kaya wala siyang dapat ikaselos lalo na't pag-aari niya na ako dahil sa markang binigay niya. Na kahit minsan ay hindi ko pinagsisihan.

Nagising ako sa malalim kong pag-iisip ng dumating at lumapit si Sky sa amin na may dalang flask na alam ko dugo ang laman. Inabot naman agad iyon ni Mika at sinimulang inumin.

Habang uminom siya, ramdam kong may tao sa labas. At siguradong sila lolo iyon. Hindi lang naman siya ang nandoon, at sa front door talaga nila naisip na dumaan lahat.

Inalalayan naman ni Laxy si Maxz pagilid habang si Sky ang nagbukas ng pintuan.

At tama nga ako. Ang dami nila.

Si Lolo at ang dalawang hunter na palagi niyang kasama, si tita Sarah at Cloud, at ang parents ni Laxy at Maxz. Ang iba pang nilalang kasama noon ni Sid. Pero may isa silang kasama na hindi ko kilala at kakaiba ang lakas na nagmumula dito, na yung kailangan mong lumuhod sa paanan niya.

"Princess, maawa ka naman sa mga tao." Sabi ni tita Cassy sa babae. Tumawa naman itong parang tuwang-tuwa sa kalokohan niya.

Sumunod naman ito. Pero ang ka team namin ay nakayuko. Habang si Mika na umalis na pala sa pagkakaupo sa hita ko, ay naka luhod ang isang paa, nakahawak ang kanang kamay sa dibdib at nagbibigay galang. Para siyang warrior kung mag bigay galang.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Where stories live. Discover now