2

3.5K 85 0
                                    

Salamat Talaga sa Bumasa ng Storya ko!!! :)


Bawat araw ay palaging binabantayan ng mga Encantado ang lugar. Parati na lamang umaasa ang mga tao sa kanilang tulong at tila nagiging tamad na sila.


POV ni Lina

Ano ba talaga ito? Palagi na lamang kami ang gumigising sa hatinggabi upang ipagtanggol ang kahariang ito. Gusto ko naman ng panibagong misyon sa buhay hindi yung kikitil ka ng buhay ng isang malaking demonyo na alam mo namang magagawa mo, na walang kahirap hirap.

Masaya naman ako sa tuwing nakikkita ko ang mga mamamayan dito na sinasamba kami. Yun na nga ang problema KAMI, ang sinasamba kaming apat ang pinapasalamatan at hindi ko naiibigan yun.

Kung tutuusin kaming dalawa lang naman ni Leah ang pinakamalakas sa buong kahariang walang pangalan na to ha! At isa pa, ano ba ang magagawa nina Arman at Athena na hindi ko kaya.

Nais kong bigyan ng pangalan ang kahariang ito at nais kong maging pinuno at ako lamang ang sasambahin nila. Ang hirap ba naman kasi, may kapareho ako ng mukha pero hindi ko pa nasusukat kung sino ang mas malakas sa amin ng kambal ko.

Hindi naman ako ganun ka sama na upang makapag-isa ako ay papaslangin ko na ang mga kasama ko pero, iniisip ko lamang kung gaano ka saya kapag ikaw ay magiging isang Reyna. O di kaya ay hindi ka na tatawaging Encantada at papalitan na ito bilang Diyosa o Bathala.

Reyna Lina! HAHAHAHAHa! Bibigyan ko ng pangalan ang kahariang ito at gagawin ko itong Kaharian  ko!

Dapat may gawin akong paraan upang mapa-alis ko ang tatlo at ako na lamang ang manatili bilang Reyna ng LAHAT ng tao dito!

Ang isa ko pang problema ay hindi ko alam kung papaano ko magagawa ang lahat ng ito, isipin mo magkatulad lamang ang kapangyarihan namin ni Leah at idagdag mo pa ang dalawang buysit! Tiyak na matataloo nila ako.

Kailangan ko ng karagdagang kapangyarihan at karagdagang lakas ng katawan  di kaya ay karagdagang  tulong upang maisakatuparan ko ang aking minimithi.

Wala pa din namang Reyna o Hari sa kahariang ito kaya walang batas o  prinsipyo ang makakapigil sa akin.

Habang malapit nang kumagat ang gabi, aalis muna ko upang maghanap ng tulong at bukas na lamang ako babalik upang hindi ako paghinalaan ng mga kasama kong Encantado.













Pls Vote and Comment Thanks!

Ang Makapangyarihang KaharianWhere stories live. Discover now