Epilogue

32.7K 577 52
                                    

Hailey POV

What is love?

Ilang beses mo na bang nasagot ang tanong na yan sa slam notes noong high school? Ang sagot mo pa nga ay base na rin sa mga quoted na nababasa mo sa isang libro o kaya'y nakukuha mo rin base sa iyong napanood na pelikula. Minsan nga ang sagot mo ay sinearch mo pa sa site ng google.

According to some sources, of all forms of caution, caution in love is perhaps the most fatal to true happiness.

Ang pagmamahal ay hindi magsisimula at magtatapos sa paraang gusto natin. Kung nagmamahal ka, para ka na ring sumasabak sa giyera. Love is a war, a never ending war of complications. Even war of your own emotions. A temporary madness, bigla ka na lang sasabog sa iba't-ibang emosyong iyon at magsa-subside. And when it subsides, you have to make a decision.

But can you really define love?

Eto ba yung better half mo, soul mates, destiny, prince charming and knight in shining armour?

But for me, love isn't a fairytale na mag aala Cinderella ka na nawalan ng sapatos eh may kaforever na. O kaya naman ay nakahalik ng palaka with true love kiss ay babalik na ito sa pagiging prinsipe.

Fairytale is just a fantasy, it doesn't exist. Dahil ikaw mismo ang gagawa ng sarili mong kwento. At ang tanging makakapagpasya ng ending ay kayo ring dalawa. Either it a sad or a happy ending.

Wala naman talaga kasing perpektong relasyon. Nasa sayo na lang kung paaano mo ito aalagaan. Dahil kung nagmahal ka, mararanasan mo ang pinakamasasakit at pinakamagandang damdamin.

Ipinikit ko ang mga mata ko nang maalala ang araw na naglakad ako sa aisle patungo sa kanya. Ang daming nangyari but here we are having our new chapter as a man and wife.

At ang bagong paghina ay nabuksan...

"Okay, Mrs. Sylverio, it's time for another big push."

"Ahhhhhh!!!", Matindi ang pagkakahawak ko sa kamay ni Hunter and pushed as hard as I could.

Ramdam ko na ang malalamig na pawis na nagsisipagbuo sa aking noo. At halos gusto ko ng pasisisgawan si Hunter ng bitawan niya ang kamay ko at ibaling ang atensyon niya sa video recorder na hawak ng isang kamay niya. Wala ring magawa ang isang nurse roon ng pagbawalan siya nung nurse sa pagkukuha ng video sa mukha niya patungo sa akin.

"Today, my wife will deliver our babies! I'm so excited! Hindi na ako nakapaghintay na marinig ang unang pag-iyak nila. I'm too excited to welcome them into this world. God, Hailey pushed more. Our babies coming!"

Nang ang mismong doctor na ang nagbawal at sumita sa kanya ay saka lamang nito itinigil ang pagvivideo. Kinuha nung isang nurse yung camcorder niya at inilabas.

He patted my head. "Wifey, it's okay... Inhale, exhale...", Excited man ay halatang kinakabahan at nag-aalala si Hunter sa kalagayan ko habang pinapaalala sa akin ang proper breathing. Kulang na nga lang ay siya na ang pumalit doon sa doktora at nurses na nag-aasikaso sa aking panganganak.

Nag inhale, exhale ako. Napapikit kapag nararamdaman ang sakit ng paghilab ng tiyan ko. Pinagpapawisan na rin ang mukha ko. "Arghhh! Hunter!", Nahihirapang sigaw ko. Mariin kong hinawakan ang kamay niya upang kumuha ng lakas.

Habol-habol ko ang aking hininga nang muli akong magsalita. "Hindi ka na makakaulit sa aking lalaki ka, tandaan mo yan!"

Napahagikhik naman ang doktora at nurses sa narinig habang napapakamot naman sa ulo ang asawa ko. "Di ba basketball team ang plano natin?"

"Manganak kang mag-isa!", Sigaw ko ng muling humilab ang sakit ng tiyan ko. Muli akong napasigaw ng malakas.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now