Kabanata 48

15.7K 271 8
                                    


HAILEY POV

TINANGHALI AKO NG GISING. Pag gising ko kinabukasan Wala na si Hunter sa tabi ko. Grabe, matapos ang nangyari iniwan niya na lang akong mag-isa. Ni hindi nakuhang mag-iwan ng note o kaya'y mag-text man lang. Nag-ala superman na nga ako sa bilis kong maligo at magbihis. At gahol na ako sa oras para sa agahan.

Ngunit nang makababa na ako sa kusina'y nadatnan kong may nakaluto ng pagkain at nakahain pa sa mesa. Nang lingunin ko ang wall clock, it's already 8:45 quarter to nine! Mag-iisang oras na akong late. Tutal naman late na ako mainam na malagyan muna ng pagkain ang tiyan ko. Nilantakan ko agad and tocino and sunny side up. Pagkatapos nag-toothbrush na ako.

Kahit puno na ang jeep, nagawa ko paring makipasiksikan. Ang hirap din kasing pumara ng taxi. Ilang beses pa nga akong napatingin sa wrist watch ko ng maipit pa ako sa trapiko.

Tulad ng dati, nakipagsiksikan din ako sa elevator ng makarating ako sa kumpanya nang mag-vibrate ang cellphone ko. Halos tumaas na nga ang sulok ng labi ko ng makita ang pangalan ni Hunter. Paanong hindi ako maiinis eh hindi niya ako ginising. Kaya heto late ako.

Bayolente akong napabuga ng hangin ng marating ko ang departamento namin. Dire-diretso ang lakad ko patungko sa desk ko at garagal na umupo sa swivel chair. Laking pasalamat ko na nga lang ng abutan ako ni Nicole ng malamig na tubig na agad ko namang ininom.

Si GM naman ay nakaupo sa swivel chair niya na pinaandar palapit sa akin. "Wow, himala ngayon ka lang na-late. May nangyari ba?"

Halos maibuga ko na yung tubig sa tanong niyang iyon.

"Late lang ako nagising Ma'am Syl.", Sagot ko kay GM.

Tatlo kaming napalingon sa aming likuran nang marinig namin ang pagbukas ng pintuan ng opisina ni Hunter. Halos pagtaasan ko na nga siya ng kilay ng ngumiti siya sa amin ng ubod ng tamis.

"Coffee please.", Utos niya ng lumapit sa amin na nakapamulsa.

Tumayo na lang ako saka dumiretso sa dispenser upang kumuha ng mainit na tubig at maipagtimpla siya ng kape.

"Don't add too much sugar.", Bulong niya.

Hindi ko akalain na susunod siya at ngayon ay nasa aking likuran.

"Sir, you're just trying to get on my good side by disturbing me.", Bulong ko sa kanya pabalik, breathlessly.

"Nah, were working."

Dahil nasa likuran ko naman siya ay inabot ko na sa kanya yung kape. "Ikaw na maglagay ng creamer."

"Ang sungit mo.", Sabi niya.

Nagtanong pa talaga siya? Bumalik na ako sa mesa ko. At gustung-gusto ko siyang pingutin sa tainga dahil nakabuntot pa rin pala siya sa likuran ko kaya yung mga kapitbahay ng table ko ay biglang napapa-angat ang mga ulo.

"Hailey, can you cancel my appointment for the rest of the day. I need to go to Knoxx. Before I leave, I also need the reports if you've finished them."

"Yes, Sir. Ipupunta ko na lang yung mga reports na kailangan mo dun sa office mo."

Hinigop muna ni Hunter yung kape bago nagpasyang tumalikod na upang bumalik sa kanyang opisina.

"Hey, good mood si Boss ah!", Sipol nung isang empleyado na si Gino.

"Baka may inspirasyon.", Halakhak naman ng isa pa.

"Umamin ka nga, dine-date ka ba ni Boss?", Siniko ako ni Nicole. Dahil sa diretsahan niyang tanong, lahat ng mga mata nila'y nakasentro na sa akin.

So I Married The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon