Kabanata 37

13.1K 274 7
                                    

HAILEY POV

FOUR YEARS LATER....

Nagmamadali ako sa ng mga gamit ko. Sige lang ang pagdampot ko sa mga nagkalamat na damit sa kama at isinuksok iyon sa traveling bag ko. Pagkatapos ay inihilig ko naman ang suot kong bagpack sa aking likuran at ang maleta sa isa kong kamay. Halos nahulog na nga ako sa hagdanan nang halos takbuhin ko iyon pababa.

Matapos ang napakahabang byahe muling umapak ang aking mga paa sa NAIA. Nilingon ko pa ang mga luggage ko. Nilinga-linga ko ang paligid ng airport upang hagilapin si Light.

Tsaka kasama ko siya kanina tapos ngayon bigla siyang nawala. Saan na naman kaya nagsuot ang lalaking iyon?

Hinatak ko na lamang ang luggage ko ng nagdesisyon akong lumabas na ng NAIA. Walang nakakaalam sa pamilya namin ang biglaan naming pag-uwi matapos ang apat na taong paninirahan sa France. Gusto ko na sanang pumara ng taxi subalit naalala kong wala pa pala si Light.

Dammit Light, where the hell are you?

At dahil nasa labas na ako ng NAIA, halos gawin ko ng pamaypay ang kamay ko sa aking mukha ng batiin ako ng mainit na panahon ng Pilipinas. Wala pa ngang kalahating oras ngunit heto't pinagpawisan na ako.

Nagtext si Trisha. Siya lang ang bukod tangi kong pinagsabihan ng aming pag-uwi.

Trisha: Gusto mo bang sunduin kita?

Ako: Huwag na. Magkita na lang tayo sa venue bukas. Congratulations Trisha ikakasal ka na kay Cyborg.

Trisha: Naman. Magiging Mrs. Sylverio na rin ako.

Nahinto ang pagta-type sa cellphone ko nang mabasa ang mensahe ni Trisha na biglang nag-pop sa screen.

Mrs. Sylverio. I am before and now it was my friend's turn to be a wife of a Sylverio.

I couldn't believe I was seeing Hunter Louis Sylverio again after four long years though it felt like forever.

He may hate me now, but how could I face him tomorrow? He'd always be that guy that I love the most. He's the missing piece of my heart.

Isang malamig na bagay ang dumampi sa aking pisngi dahilan upang mahawi ang aking paningin sa aking gilid. Dinikit pala ni Light ang isang botelya ng gatorade sa pisngi ko. Nginitian niya ako saka inabot ang gatorade sa akin. Ginantihan ko din siya ng ngiti ng abutin ko rin yung gatorade saka iyon binuksan at ininom.

Milya-milya ang layo namin dati sa isa't-isa, ngayon muli kaming makikita dahil sa engagement ni Trisha at Lennox. Hindi ko alam kung mag mukha pa akong ihaharap kay Hunter matapos ko siyang iwan na warak na warak ang puso ko.

"It's been years, Lei. Siya pa rin ba?"

Halos maibuga ko na nga ang iniinom ko sa bigla niyang pagtatanong ni Light.

Umuubo pa ako ng bumaling sa kanya.

"W-What?"

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "It's always him, right? Nagsisisi ka ba dahil iniwan mo siya at ngayong makikita kayo after uli after four years. Are you ready to face him? No regrets?"

Napalunok ako. Parang may ipo-ipong umiihip sa utak ko. Bakit parang na-glue ang lips ko kaya hindi ko iyon magawang ibuka?

"L, S-Stop interrogating me.", Ngumisi si Light nang mapagtagumpayan kong magsalita.

"Hmmm.", Inagaw niya ang luggage ko mula sa kaliwang kamay ko saka niya ako inakbayan.

Tinaasan ko lang siya ng kilay sa ginawa niya. Although his nature is being a sweet guy at kahit alam kong close kami ay hindi ko parin maiwasang mailang everytime he was doing sweetstuff on me. I feel awkward and unease.

So I Married The Mafia BossOù les histoires vivent. Découvrez maintenant