Nilinga niya ito. "Saan mo naman natutunan iyang red flag na iyan?"

"Mahal naman ang dami mong napapansin. Narinig ko lang iyon."Tumatawang sagot ni Spencer.

Tinalikuran niya ang mga ito. Nakaplaster ang ngiting mula nang nagkasama sila ay kay Spencer lamang niya naibabahagi iyon. Wala na siyang nais pang hilingin kundi ang ipadama ang kanyang kalinga sa kanyang mag-ama.

Pagbalik niya mula sa paglilibot sa buong bahay ay nakasandal na ang ulo ni Spencer sa throw pillow na sinadya pa yatang ilagay sa likuran ng ulo nito habang prenteng nakaupo. Nasa harap lamang niya ang crib ng anak nila, pero ang ikinatawa niya ay nakahawak pa si Spencer sa crib ng anak. Nang mag-angat ito ng ulo ay nahuli siya nitong nakangiti habang nakatunghay sa kanila.

"Bakit nakangisi ka?Pinagpapantasiyahan mo pa rin ako kahit tulog?"

Natikom ni Jasmine ang nakaawang na bibig. "Hindi ah!" mabilis na tanggi niya.

Umusog si Spencer sa dulong bahagi ng couch. "Halika nga dito sa tabi ko mahal. Na-mimiss kita."

Hindi malaman ni Jasmine kung susunod ba siya sa gusto ni Spencer o kung maghahanap siya ng alibi para makaiwas dito.

"H-hindi naman kita lalamunin ng buo mahal. Halika dito," wika nitong pinagpag pa ang pinauupuan nito sa kanya. Kakabog-kabog ang dibdib ni Jasmine habang papalapit sa kinaroroonan ng binata. Habol niya ang hininga. Aaminin niyang nauunahan siya ng hiya.

Naglalaro din ang ideya na paano kung umabot sila sa kasulok-sulukan ng paradise? Baka masundan agad-agad ang baby nila. Kumurap siya nang hindi mapansin ni Spencer na labis na siyang na-tetense.

"B-bakit?" kandautal niyang tanong. Iisang salita nga lamang ay parang nahihirapan pa siyang bigkasin iyon. Lalo lamang nadagdagan ang tensiyon na nararamdaman niya nang makaupo na siya sa tabi nito.

Hinila siya ni Spencer palapit dito. Itinukod nito ang isang palad sa likurang bahagi ng couch sa mismong likuran ni Jasmine. "Did I told you that you are so lovely in my eyes?" pagkasabi niyon ay hinawakan ni Spencer ang baba niya.

Yeah, only in your eyes. Sang-ayon ng isip ni Jasmine.

"Napakaganda mo," hindi nito ibinababa ang tingin mula sa pagkakatitig sa mukha ni Jasmine.

And he is going to kiss her.

Pagkalapat ng mga labi nito sa mga labi niya ay tila kumidlat at kumulog sa kinauupuan nilang dalawa. Naging malikot ang labi ni Spencer na hindi lang ginagalugad ang kaloob-looban ng bibig niya kundi gumapang ito sa buong mukha ni Jasmine.

Napaungol siya nang lumipat sa leeg niya ang mga mainit na labi ng binata. Parang ang Spencer na kasama niya ngayon ay napakalayo sa binatang walang ginawa kundi insultuhin siya noon. Maingat ang bawat dantay ng palad nito sa kanyang balat.

Pero doon pa niya naalala ang isang bagay. "Wait!" pigil niya sa ulo ng binata.

Napaangat nang mukha si Spencer at nagtatanong ang mga tinging ipinukol nito sa dalaga.

Kiyemeng ngumiti si Jasmine. "K-kasi-"

"Kasi ano?"

"Mayroon pa ako." Niyuko niya ang kandungan. "I'm sorry," hinging paumanhin niya.

Hindi niya naramdaman kay Spencer ang pagkadismaya. Marahan siya nitong niyakap.

Matagal bago ito magsalita. "I'm sorry din,"

Nakokonsensiya siya sa hindi agad pagpapaalam dito ng kondisyon niya. O marahil ay hindi talaga ito aware sa bagong panganak na babae.

"Ok lang na magalit ka." Guilty pa rin niyang wika.

SA BAWAT INIT NG GABI (BOOK 2: SAVING THE LAST KISS) NI: RAIN SEVILLAWhere stories live. Discover now