"Kung hindi ka sasama sa'kin, mag-isa akong uuwi." Pag-iiba niya aa usapan.

Padabog itong tumalikod at tinungo ang pinto palabas ng silid nila. "Hindi ako sasama sa'yo."

"Georgia-"

"Go home alone!" pasigaw nito na binagsakan ng pinto ang nobyo.

Napahilamos si Spencer sa mukha. Alin ngayon ang uunahin niya, si Georgia na kapiling niya at nakatakda na ang kasal nila o si Jasmine at ang anak nila na iniwan niya at nasaktan? Dapat ba talaga siyang mamili? Napabulong siya sa kawalan. 'God! Lead me to right way.'

~~~

NAISIN man ni Jasmine na ilipat ang paningin, pero halos hindi niya kayang igalaw ang leeg.

Tahimik siyang nagdasal dahil iyon lamang ang solusyon na alam niyang hindi siya mabibigo. "Lord, huwag mo naman sana siyang kunin mula sa'kin. Kinuha mo na po ang mga magulang ko, malayo na sa'kin ang lalaking mahal na mahal ko. Ipaubaya mo na lang po sa'kin ang anak ko. Ipinapangakao ko po na magiging isang mabuting ina ako sa kanya." Napaiyak siya, habang nakatitig sa sanggol na nasa loob ng incubator ay para bang dibdib niya ang mas sumisikip.

Marahan niyang hinaplos ang maliit nitong kamay. Masakit para sa kanya ang makita ito sa ganoong kalagayan.

"I love you baby." Bulong niya sa sanggol.

Mula sa pagkakatitig sa anak ay napalingon siya kay Eros nang magsalita ito. Nasa likuran niya lang ito, nakatayong nakatitig lamang sa kanya.

"May naisip ka na ba na ipapangalan sa kanya?"

Marahan siya nitong inalalayan pabalik sa pagkakaupo sa wheelchair. Sumandal siya. Sandaling sumilay ang isang magandang ngiti sa mga labi niya.

"Gusto ko sana na magmumula kay Spencer ang ipapangalan sa anak namin, posible kaya iyon?"

"Sure, why not? Tatawagan ko na ba siya ngayon?"

"P-pero huwag mo na lang akong babanggitin sa kanya."

"Bakit mo siya iniiwasan?"

"Dahil ayoko na mas kamuhian niya ako."

"Kahit iwasan at takasan mo man siya, paglalapitin pa rin kayo dahil sa anak ninyo."

Ayaw niyang aminin sa sarili ang katotohanan na iyon dahil mas lalo lamang na mahihirapan siyang tanggapin na si Spencer ay hindi niya kailanman magiging pag-aari.

"Magiging masaya naman ako kahit si baby lang ang makakasama ko."

Tinapik-tapik ni Eros ang kanyang balikat. "Naiintindihan kita. Makinig ka, kung mahal mo talaga siya, ipaglaban mo. Alam ko na may itinatago ring pagmamahal sa'yo si Spencer."

Inangat niya ulo sa kapatid. "Paano mo nasabi iyan gayong kung pagsalitaan niya ako noon halos tila sukang-suka siya sa'kin?"

Kung sabagay, inasam niya rin naman iyon noon pa man at napatunayan niya noong magkasama sila. Nawala man ang alaala nito, pero tila isang bahagi lamang ng pagkatao ng binata ang kanyang nakita mula rito.

Iyong mga haplos niya, yakap at halik ay totoo. Walang halong pagpapanggap.

"May mga pruweba ako dahil madalas ko siyang nahuli na nakatitig sa'yo. Posible rin na alam na niyang hindi talaga kayo magkadugo. Jas, iniingatan naming mga kalalakihan ang aming mga ego, kaya sa tingin ko iyon ang malalim na dahilan niya, natatakot siya na hindi kayo magkatugma ng nararamdaman." Sinsero ito sa mga sinabi, na para bang gusto na niyang maniwala rito. Pero, paano? Paano kung may isang Georgia na nakahanda na nitong pakasalan? Wala siyang laban, doon pa lamang sa bagay na iyon ay talong-talo na siya.

SA BAWAT INIT NG GABI (BOOK 2: SAVING THE LAST KISS) NI: RAIN SEVILLAWhere stories live. Discover now