Obvious ba siya para mapansin nitong may iba pang dahilan? Kontrolado niya ang sarili. Hindi siya dapat madarang sa nakakahibang na amoy ng binata.

Umurong siya palayo kay Spencer. "Ayoko ngang umalis. Mahal ko ang villa. Mahal ko ang manukan. Hindi ko kabisado ang Davao at iyong property niya doon."

Humarap sa kanya si Spencer mula sa pagkakatagilid. "Pinsan," panimula nito na ikinairita niya kaagad. Gusto niyang kontrahin ito sa sinabi nito pero baka kung ano na lamang ang isipin ni Spencer sa kanya. They were not cousins at siya lamang at ang mag-asawang Eros at Hyacinth at si lolo Fortun ang nakakaalam niyon. Bukod sa kanila ay wala pa.

"Kaya mo iyan, ikaw pa." Nasa himig nito ang pagpapalakas-loob sa kanya.

"Salamat sa pagtitiwala pero mas gusto ko kasi dito."

Marahan na hinawakan siya ni Spencer sa ulo at sinadyang pinahilig siya sa dibdib nito. Hindi siya tumutol. Ang makulong sa mga bisig nito ay katumbas ang langit.

Nagsalita ito. "Then kausapin mo si grandpa. At sabihin mo ang saloobin mo, ipaglaban mo ang side mo."

"Hindi ko na mababago ang isip niya." Nilubos na niya ang pagsisinungaling dito.

Langhap niya ang magkahalong pabango at amoy ng alak sa katawan nito. Napasinghap si Jasmine nang humigpit pa ang yakap sa kanya ni Spencer.

Biglang lumukob sa dalaga ang kakaibang init sa kalamnan at dahil sa tulak ng nainom niyang vodka na talaga namang tinamaan siya nito ay kusang umangat ang kanyang mukha paharap kay Spencer. Sandali silang nagkatinginan. Kusa rin ang paglakbay ng palad niya sa mukha ni Spencer. Hindi na niya inabala ang sarili na bigyan-pansin pa ang hindi pagtutol ni Spencer sa ginagawa niya. Kumalas siya dito at walang alinlangan niya itong sinunggaban ng halik sa labi- marahan ngunit mapusok.

Ikinawit pa nito nang mahigpit ang isang kamay sa batok ng binata at saka pinagapang ang isang palad sa malapad at matipuno nitong dibdib pababa sa tiyan; humahaplos, pumipisil, nangangapa ang kanyang palad.

Napaungol si Jasmine nang madama niya ang tila umuusok na rin sa init na palad ni Spencer sa kanyang magkabilang tagiliran, mahigpit na ikinawit ang isa nitong kamay sa baywang at ang isa ay naglakbay paitaas sa likod. Sandaling magkahinang ang kanilang mga labi nang marahan siyang hatakin ni Spencer patayo. Binitiwan siya nito sa labi ngunit sinadya naman nitong paglakbayin ang mga labi sa leeg ni Jasmine na nagpapakawala sa makasarili niyang mga ungol.

"Take me to heaven Spencer." Pabulong niyang wika sa pagitan ng paghabol sa hininga.

Umaayon sa kagustuhan niya ang mga galaw ni Spencer. He held her hips so tightly and pulled her up. Mabilis na ikinawit ni Jasmine ang mga paa sa baywang ng binata at walang alinlangan na sinalubong muli ang halik nito.

Walang pagtutol mula sa kanya lalo na sa binatang kasanib pwersa, marahil ay ramdam na rin nito ang pagrerespond ng init mula sa kapwa nila bumibigay ng katawan.

Mula nang magkahinang ang kanilang mga labi ay doon mas napagtanto ni Jasmine ang damdamin para sa kinikilalang pinsan, pag-ibig na sa ngayon ay wala pang kasiguraduhan at tanging panahon lang ang nakakaalam ng patutunguhan.

Bahagya ang pagdilat ni Spencer habang si Jasmine ay nanatiling nakapikit kung saan pansamantala rin niyang ninanamnam sa loob ng bibig ang alak na kanina'y langhap niya lang mula sa binata.

"God! This is a sin." Natauhang ani Spencer na mabilis siyang ibinaba at matamang tinitigan. Marahas itong napalunok. Pinamulaan si Jasmine na nahimasmasan na rin.

"Mali 'to, magkadugo tayo at may nobya na ako." Nasapo nito ang mukha. "This was all my fault," napailing ito at umurong.

Deretso lamang ang tingin ni Jasmine. "M-mahal kita Spencer." Pag-amin niya.

SA BAWAT INIT NG GABI (BOOK 2: SAVING THE LAST KISS) NI: RAIN SEVILLAWhere stories live. Discover now