Ah! Ewan! Ayoko nang mag-isip! Sumasakit lang ang ulo ko. Saka ko na iisipin iyon. For now, kailangan ko muna siyang pakitunguhan ng normal. I don't want to be awkward around him.

Pagkatapos kong maligo nang mabilis at mag-ayos, bumaba na ako dala ang laptop ko. Naabutan ko si Hero na nanonood ng TV habang nakapangalumbaba sa sofa. Nang makita niya akong pababa ay pinatay niya ang TV saka siya tumayo. I apologetically smiled.

"Sorry. Nakalimutan kong manonood nga pala tayo ngayon. Medyo napuyat din kasi ako kagabi kaya late na akong nagising," sabi ko habang inilalapag ang laptop ko sa ibabaw ng maliit na mesa.

"It's okay. Kararating ko lang naman noong nagising ka," aniya. "By the way, I brought pizza. Dinala ng Mommy mo sa kusina."

"Okay. I'll just get it. Okay lang ba kung dito na tayo manood?"

"Yeah, sure."

Pumunta na muna ako sa kusina para kunin ang pizza na dala niya. Nagulat pa ako nang makitang dalawang boxes iyon. Ang dami, ha? Maubos kaya namin iyon?

Kinuha ko na lang iyon saka ako bumalik sa sala. Naabutan ko si Hero doon na nakaupo sa sahig habang tinitingnan ang laptop kong nasa ibabaw ng mesa. Tinitingnan niya ang folder ko kung saan nakalagay lahat ng movies na mayroon ako. Inilapag ko ang pizza sa ibabaw ng sofa na nasa likod niya pagkatapos ay bumalik ulit ako sa kusina para kumuha ng maiinom.

Nang makuha ko na lahat ng kailangan namin, tumabi na ako sa kanya sa sahig. Sumandal ako sa upuan ng sofa na nasa likod namin at saka ko tiningnan ang ginagawa niya.

"You have a lot of movies," he said. "So, what should we watch first?"

Bago pa ako makasagot ay biglang dumaan si Mommy sa gilid namin na may dalang bag at nakaayos. Napakunot-noo ako. May pupuntahan ba siya?

"Kids, aalis lang ako. Makikipagkita lang ako sa mga kaibigan ko. Kayo na ang bahala rito, ha? Aalis ba kayo mamaya?" tanong niya.

"No, Mom. Magmo-movie marathon lang po kami," sagot ko.

"Okay. Just call me if something happened. Nandiyan naman si Manang. Aalis na ako," aniya bago bumaling kay Hero. "Hero, feel at home. Ilang beses ka nang nakapunta rito kaya huwag ka nang mahiya."

"Sige po, Tita. Thank you po. Ingat po kayo," paalala naman ni Hero.

"Bye, Mom," paalam ko naman. Pagkatapos no'n ay umalis na nga si Mommy. Bumaling ako kay Hero. "Anong gusto mong unahin?"

"You choose. Okay naman sa akin ang kahit ano," aniya.

Tumango ako at pumili na lang ng kahit anong Disney movie. I chose The Lion King first. Mga ilang sandali lang ay tahimik na kaming nanonood.

Tahimik lang kaming nanonood habang kumakain ng pizza. Paminsan-minsan ay pasimple kong tinitingnan si Hero para makita kung nabo-bored na ba siya o hindi. At hindi ko maiwasang mapangiti dahil nakikita kong naka-focus siya sa pinapanood niya. Ni hindi siya mukhang inaantok.

Of course! Sino ba naman ang aantukin kapag Disney movie ang pinapanood? Well, maliban na lang kung puyat na puyat siya nang nagdaang gabi, maiintindihan ko pa. But no. He's really focused. He doesn't look bored and he doesn't look sleepy.

Nakakatatlong movie na kami nang maisipan naming tumigil na muna para mag-lunch. Nalipasan na naman kasi kami ng gutom dahil sa panonood namin. Kung hindi pa ipinaalala ng katulong namin kung anong oras na ay hindi pa kami kakain.

Nagpunta kami sa dining room para kumain. Nakahanda na roon ang mga pagkaing niluto ng katulong namin kanina. Kasalukuyan kaming kumakain nang bigla kong maisipang tanungin siya tungkol sa tatlong movie na pinanood namin.

Dating My Sister's Idol (The Neighbors Series #3)Where stories live. Discover now