“Hey, are you alright? Jessie, are you with us?” tinampal pa niya pisngi ko. Inulit pa niya iyon.

Hinawakan ko 'yung pisngi ko na 'di pa rin nilulubayan ng palad niya, “tama na, okay? I’m fine... may---ano---may ahm, naalala lang ako...”

“Bakit mo nahahawakan 'yung manika? Akala ko ba, tumatagos lang sa 'yo ang lahat?” tanong uli niya.

“Eh, kasi nga, pinapahalagahan ni Eunice yung doll... kaya ganun,” maikling explanation ko.

“Hmmm,” nag-isip pa siya kunwari kahit wala naman siyang isip, “so, dapat ko palang pahalagahan 'yung mga pinto ko sa bahay para naman 'di ka na tumagus-tagos 'dun?”

“Ulol!”

“Saan ka naman papunta? Akala ko ba, 'di mo pa nga naaalala kung saan ka iniluwal ng nanay mo?”

Gago talaga 'tong lalakeng 'to. “Maglalakad-lakad lang, ano ba? Bantayan mo 'yang si Eunice. Basta! Babalik din naman ako." 'Yun lang at lumabas na ako ng opisina. Naglakad-lakad nga lang ako sa loob ng gusali, para lang akong normal na tao kasi para na rin akong nakikihalubilo sa mga nagtatrabaho 'dun. “Ang boring naman! 'Di naman siguro ako mawawala kung lalabas ako, 'di ba? At 'di naman ako lalayo, eh, may simbahan naman sa labas, 'dun lang ang punta ko, malapit lang 'yun," kausap ko sa sarili ko.

Lumabas nga ako. Nagtungo sa simbahan at naupo ako sa pinakalikod na pew. Taimtim lang akong nakatingin sa may altar ng biglang may magsalita sa tabi ko.

“Ineng, kung may hinahanap ka o may kailangan ka, dapat hanapin mo na.” Eh? May sinasabi ka ba si lola? Wala namang masyadong tao doon kaya sino ang kausap ng matandang ito? “'Wag kang mag-alala, kausapin mo lang ako, wala ng bago, akala nila, baliw ako kasi nakikita ko ang mga ligaw na kaluluwa na dapat ay buhay pa. 'Di kasi sila naniniwala sa akin, eh... pero nakikita kita... kayo. May problema ka ba?”

“Eh? Lola?” parang ako pa ang nahiya, mukhang nasisiraan na nga ng bait si lola pero 'di naman siya mukhang madungis. Malinis pa nga siya, eh, parang bagong ligo.

Umiling-iling sya. “'Di ka naniniwala, 'no? Sige na, hawakan mo ako para maniwala ka.” Unti-unti kong nilapit sa kanya hintuturo ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi nga nagbibiro si lola!  Nahawakan ko siya! Sumilay agad ang ngiti ko sa kanya. “Ang misyon mo, ineng, 'wag mong kalilimutan. Ang misyong binigay sa iyo ng anghel ay hindi ganun kadali gaya ng nandiyan sa ulo mo”

Wow! Mind reader din pala si lola? “Lola, paano ko po gagawin 'yun, eh, 'yung unang taong nakakita sa 'kin, walang kwenta?”

“Walang kwenta ba kamo? 'Di lang natin alam kung ang sinasabi mong walang kwenta ay ang taong pinakaimportante sa oras na ito. Bakit 'di mo dinggin ang binubulong niyan...” itinuro niya ang ulo ko, “at ihalo mo ang binubulong niyan...” itinuro naman niya ang kaliwang parte ng dibdib ko, “pero 'wag mo ring kalilimutan ang binubulong Niya...” ngayon naman ay itinuro niya ang itaas, “o siya, uuwi muna ako, ha? Pananghalian na, eh, ikaw naman, bumalik ka na at nang iyo ng maumpisahan ang misyon mo. Ingat ka, ineng.”

Napatangu-tango ako. May point naman si lola.

Makabalik na nga kina Geoff at Eunice. Pagbalik ko doon...

“Kain na kasi, Eunice. Hayst! Nakita mo, natapon tuloy 'yung kanin! Ugh! Eunice! 'Wag mong galawin yang papers ni tito! 'Yung ballpen ko! Nahulog! Kain na kasi, Eunice!”

Nasa labas pa lang ako ng opisina ay dinig ko na 'yung sunud-sunod na sigaw ni Geoff, nakakatawa pala siya pag nag-aalaga ng bata. Nilusot ko 'yung ulo ko sa pader sa paraang 'di nila ako mapapansin. Nakita kong patakbu-takbo sina Eunice at Geoff habang buhat ng huli ang plato ng bata.

“Hihi! Habol, tito! Don’t want to eat! Haha! Tito talaga! Ang bagal! Hihi!”

Exhausted na naupo sa swivel chair si Geoff. Kawawa naman. Kay Eunice lang pala tataob ang kasungitan niya.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko. “Poof!”

Napamura siya. "Bakit ka ba nanggugulat?!” bumalik na naman kasungitan niya. Para nag-'poof' lang naman sa tapat ng tenga niya, eh!

“Bad words ka talaga!  Musta ang life mo rito? Mukhang pahirapan ka sa pagkuha kay Eunice, ah?Yuhoo! Eunice, baby girl, come here!”

“Tita Jessie! Yippee!” lumapit siya sakin at nagpakanlong, “okay na, I’m goin' to eat my lunch na po. Ah, tito!”

Nag-big mouth siya. Sinubuan naman siya ng lulugu-lugong si Geoff. Paano na lang kaya ang buhay nitong si Geoff kung wala ako?

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon