treinta y dos

4.4K 145 22
                                    

Maliwanag na nang makarating ng Manila ang dalaga. Magulo ang isipan. Walang Michelle na nagpakita. Bago siya umuwi sa kanilang bahay, sinauli ang nasabing sasakyan at kinuha ang sasakyan niya. Nilipat ang lahat ng mga gamit niya sa sasakyan at mabilis na umuwi sa kanila.

"Magandang umaga miss Clark.."

"Yeah good morning. Hindi ako papasok, masama ang pakiramdam ko ngayon." Turan sa bodyguard.

"Okay po miss Clark, pagaling po kayo."

"Salamat. Ayoko ng any phone calls."

"Makakaasa po kayo miss Clark."

Mabilis na naglakad paakyat sa second floor kung saan matatagouan ang kanyang silid. Pagkapasok, tinago niya muna ang mga gamit na nakuha nya sa lumang bahay at tinago niya ito ng maayos. She even locked her room for privacy. She quickly took off her clothes an jumped into the shower room. While taking a shower, many thoughts were getting into her minds.

"Bakit nasabi ni Black Lady na para sa itinadhana? Ako ba...? Nooo... I am not a murderer. No way in hell na kaya ko ang mga gawain ni Black Lady ang pumatay ng mga inosenteng mamamayan para gumanti."

Ito ang mga gumugulo sa kanyang isipan habang naliligo. Habang nagshashampoo, muli na naman pumasok sa isip niya ang tungkol kay Michelle.

"Fuck! Saan kita hahanapin Michelle? Sinong lintik ang may kagagawan nito sayo?" muling bumuhos ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan ngunit hindi maalis alis sa utak niya ang mga nalalaman.

"At ang tauhan ni Madame Lailah. Anong dahilan at pumunta sila dito sa bahay kanina? Sino ang kailangan nila dahil ang alam ko, alam ng mga tauhan niya ang kanyang pag uwi. Teka, si Angel nga pala, ilang araw ko nang hindi nakikita ah. Bakit ibang tao na naman ang kasama namin sa bahay? God, ano bang meron sa bahay na ito? Mukhang may hindi din ako alam sa loob ng pamamahay na ito ah. Hindi kaya may nagaganap sa loob ng pamamahay sa tuwing umaalis ako ng bahay?. Sana naman, safe pa ako sa lugar na ito. Kinakailangan ko mag-ingat dahil baka bigla na lang sila aatake ng hindi ko nalalaman. Yun ang kailangan kong pag ingatan. Bukas na bukas din maghahanap ako ng ibang rest house na ako lang ang may alam."

Matapos niya ang kanyang shower, mabilis niyang pinatuyo ang katawan gamit ang towel at pinatuyo ang buhok using her blow dryer. Nakaupo na ito sa harap ng dresser na may mirror at sinusuklay ang buhok. Matagal niyang tinitingnan ang sarili sa harap ng salamin. Simula sa ulo at hanggang sa paa. Sinuri niya ang kanyang sarili.

Then muling naalala ang nasabing diary. She put away the hair brush and turned off the hair dryer. Went to her walk-in closet and searched for the diary.

"Nasaan na ba iyon?" Napahawak sa bewang at pilit inaalala ang pinaglagyan. "Shit! Oo nga pala, nilagay ko sa isa sa mga collection ko na bags. Ugh! Getting old huh." Saka binuksan ang isang bag at kinuha ang diary, ang damit at ang kwentas. Dinala ang mga ito sa kanyang kama. Hinanap ang pages na hindi pa niya nabasa.

Umakyat sa kama and leaned her back to the headboard and read the other pages of the diary. Kakaibang kaba ang kanyang nararamdaman habang binabasa ang nasabing diary.

"Ang kwentas na tanging ang nakatadhana lamang ang maaring magsuot at magbibigay sa kanya ng kakaibang lakas. At ang tanging makakapigil sa kanya para siya ay maging mahina ay KAMATAYAN at ito ay magagawa lamang ng isang taong may wagas na pagmamahal."

Kumunot ang kanyang noo dahil sa kanyang nabasa. Tiningnan niya ng maigi ang kwentas.

"Anong meron sayo huh?"tanong sa isipan. Urong sulong ito sa pagsuot. Nanginginig ang kamay niya at titig na titig sa nasabing kwentas. "Kung ikaw ang makapag dala sa akin sa kinaroroonan ni Michelle, hinding hindi kita aalisin sa aking leeg masiguro ko lang na ligtas ang mahal ko."

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon