veinticuatro

5.8K 189 39
                                    

Kalat na sa buong department ang nangyaring pagkalubog sa utang ng Makati Sun at ito ay nabili na ng may ari ng Empire Estate. Naging bulung bulungan na rin ang kung sino ang magpapatakbo ng nasabing kumpanya.

Ang lahat kinakabahan na baka tanggalin sila ng bagong nagmamay-ari. Maging ang magpinsan ay nababahala na rin dahil sa pangyayari. Lahat sila nasa conference room at pinag usapan ang nasabing issue.

"Sa ngayon Wala pa kaming natanggap na balita mula sa bagong may-ari. Kaya ang magagawa na lang natin ay gawin pa rin ang ating trabaho at saka makikiusap ako sa kanila na e keep kayong lahat. It was tested and proven how you guys worked in this company. Kung gaano kayo ka dedicated sa inyong mga tungkulin. Pakiusap ko lang na sana ibigay niyo pa rin sa new boss yung respect and loyalty that you are given us for the past decades." Litanya ni Michelle. "I heard na nasa bansa na ang new owner maging ang anak nito na siyang mag mamanage ng Makati Sun. So we'll see what will happen next."

"At saka ibibigay pa rin namin ang inyong mga Christmas bonus." Sambit naman ni Kyle kaya makikita ang saya sa mga mukha ng mga employees.

"Yes matatanggap niyo ito. Cuz make sure before  Christmas Eve na release na yan ha." Pakiusap ni Michelle sa pinsan.

"Yeah. Ako na ang gagawa nito since Sharon is still sick kaya Ito ang aasikasuhin ko." Tumango tango lang si Michelle then tinapos nila ang kanilang meeting.  Ang iba naman ay nagsibalikan na sa kanilang pwesto matapos magsikuhaan ng coffee at cookies.

10am Makati Sun / Garcia Towers

Halos hindi na magkandaugaga ang lahat sa kanilang mga ginagawa ng may dumating na panauhin. Napapatigil ang lahat at napalingon sa likuran kung anong nangyari dahil may mga nagbubulungan.

"Anong meron?" Staff 1.

"Ewan ko. Baka dumating ang new boss." Staff 2.

"Hala. Sana hindi tayo paalisin dito." Staff 1.

Then bumungad Ang babaeng nasa middle age at parang may binubulong sa kasamang lalaki. She walked with her head held high. Body guards everywhere and even the assistant. Then dumating sina Michelle and Kyle.

"Everyone please proceed to the conference room for a quick meeting." Pakiusap ni Kyle. Nagsitayuan ang lahat upang pumunta sa nasabing silid.

Then nag uusap ang nasabing babae at ang mag pinsan habang naglalakad papasok sa loob ng room.

"Everyone kagaya ng kapag usapan natin na nasa bansa na ang new owner so this morning I would like you to meet the new owner and boss of Makati Sun Mrs. Lailah Clark." Pakilala ni Kyle.

"Good morning ma'am." Staff.

"Good morning. Supposed to be ang anak ko ang papuntahin ko dito but she refused dahil pagod daw siya sa byahe. So hindi ko na siya pinilit. Maybe one of this days she'll come by and meet each one of you. Don't worry, kagaya ng pinangako ko sa mga Garcia, I'll keep all the staff. Kesa naman maghanap pa ako eh andiyan na kayo and nakita ko naman kung gaano kayo ka dedicated and loyal sa company." Nakangiti nitong sabi. "I'll ask my daughter if meron ba siyang babaguhin dito like patakaran, I don't know since Hindi ko pa ito nababanggit sa kanya. Ang alam niya Lang ang empire states ang patakbuhin niya pero she's smarter than me so I know for sure she can handle two big companies. Anyway, I hope na magkaron tayo ng good working relationship. Yung parang pamilya na ang samahan. So I'll see you all next time."

Makikita ang kasiyahan sa mukha ng bawat isa. At madami pa silang napag usapan. Matapos ang nasabing meeting, nag ikot ikot pa si Lailah sa buong department.

"Michelle nabanggit ko sa Tito mo na may party sa bahay. I hope na makakarating kayo. Para naman makilala niyo ang anak ko. Oh wait a minute, you're Kyle, hahaha. Nagkabiruan kasi kami ng iyong AMA na ang mga anak namin eh e pag match. Well yung biro na uwi sa totohanan. It's better na dumalo ka para makilala mo ang anak ko and soon to be your fiancée. For sure magustuhan mo ang anak ko."litanya nito at napangiti. Hindi nagtagal at nagpaalam na din siya. Naiwan naman ang dalawa na halos hindi nakakibo.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon