Wala ng tubig ang sinaing ko pero kailangan pa ng mahinang apoy kaya hinayaan ko muna pero yung hindi naman masunog ang sinaing ko.

Niluto ko muna ang frozen. Madami yun, mga ilang supot din kasi inubos ko na ang stock ko sa ref. Ang dami kasi nila kaya siguradong kulang kung iisang pack lang.

Nang maluto ko na. Ginamit ko na rin ang mantikang pinagprituhan ko sa sinangag. Pero naglagay ako ng repolyo at itlog para hindi sila matakaw sa ulam.

Maya pa ay tapos na ako, kasabay din noon ang pagyapos ng isang pares ng braso sa bewang ko.

"Gutom na ako." Sabi ni Mika habang hindi umaalis sa yakap niya sa akin kahit gumagalaw pa ako.

"Ano ba gusto mo?" At pinagpatuloy ko lang ang pagligpit ng kalat ko.

"Pancake. Pero kain parin ako rice mamaya." Sabi niya na kinalingon ko sa kanya. Pero sinagot lang ako ng matamis niyang ngiti. Paano pa ako hihindi nito eh dinaan na ako sa pacute niya?
Napailing na lang ako. Siya naman ay bumitaw na sa akin at naupo sa isang stool doon habang ako ay inaabot ang kailangan sa pancake.

Masarap naman yung ready to made na. Pero naghahalo parin ako ng ibang sangkap kasi nakukulangan ako sa lasa.

Nakatingin lang siya sa akin kahit di ko man nakikita o sabihin man ninyo. Napangiti na lang akong pinagpatuloy ang pagluto ko.

Ng matapos ako magluto ay kumain agad siya. Hinayaan ko na lang at natutuwa din ako sa kanya.

Nakaupo lang ako sa tabi niya at pinagmamasdan siyang kumain. Hindi na nga ata ako napapansin dahil sa kinakain niya eh.

Maya-maya pa isa-isa na silang nagsigisingan. Inaantok pa nga ang iba habang pababa ng hagdan pero wala silang magawa kasi lakas ng boses ni Kim.

Yung iba ay naupo muna, may sa sala, dito sa dinning at meron din sa stool. Yung iba ay naligo na, tatlo ang banyo ang meron sa bahay maliban sa baba kaya naman mabilis lang sila matatapos maliban lang kung matagal ang isa maligo.

Pero dahil sanay ang mga ito sa dorm nila, sigiradong mabilis lang to. May dala naman silang gamit kaya walang problema, lalo't balak talaga sana pala nilang mag sleep over daw. Pero hindi ineexpext ang bad news na dumating.

Tumayo na ako para maghanda ng makakain para makakain na ang wala pang ginagawa. Si Kim ay kumuha naman ng pinggan ay kubyertos at baso, katulong nito si Cyd.

"Diba bampira kana? Bakit ang takaw mo parin? Wala ka bang diet?" Rinig ko na sabi ni Ara. Paglingon ko ay nakaupo na ito sa kinauupuan ko kanina, bagong ligo na ito kaya pala ngayon lang bumaba.

Hindi naman siya inimik ni Mika at patuloy lang sa pagkain. Parang wala nga itong nakikita kundi ang pagkain lang.

Napailing naman ako ng ayaw talaga tigilan ni Ara si Mika, kinukulit niya parin ito. Lumapit na ako at nilagay ang mga niluto ko.

"Sige ka, pagtumaba ka. Naku, hahanap-" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil sinubo ni Mika ang huling maliit na piraso ng pancake sa bibig ni Ara. Napatawa na lang ako sa isip ko.

Tumayo na agad si Mika bitbit ang pinggan na pinagkainan at nilagay sa lababo. Habang si Ara ay nginuya ang pancake. Nanlaki pa ang mata nito.

Lumapit naman si Mika sa akin at yumakap. Siniksik pa niyo ang ulo niya sa leeg ko at inamoy-amoy ito. Alam ko hindi dahil berde ang iniisip niya, kundi dahil naaamoy niya ang dugo ng mga kasama namin. Hindi niya pa kontrolado tapos hindi pa pala ito uminom ng dugo.

"Mika." Sigaw ni Ara na nagpatakip kay babe sa tenga niya. "Sorry. Pero, saan mo yun binili. Gusto ko pa non." Sabi pa ni Ara na parang bata kaya nagtataka naman ang kasamahan niya. "Ang sarap. The best yun." Dugtong pa ni Ara.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon