"Okay what was that? Kailan pa kayo naging close ni Sofia?" Usisa ni Denisse sa akin.

"Yeah. Ang alam ko aside sa president sya ng student council ay napa kumplikado ng babeng yun." Sabi ni Cloe.

Napabutong hininga ako. Sinabi ko sa kanila na para makabawi ako sa requirements kay maam Sanches, kailangan akong tumulong sa Student council kung saan si Maam Sanches lang naman ang adviser. Dahil sa close lang naman sila sa matandang yun so I ask her a favor.

"Ohh." Sabay sabi ng dalawa.

Pagdating ko ng Student council room ni walang anino ni Sofia akong nadatnan.

Saan naman kaya yun? Ang ayoko talaga yung pinaghihintay ako.

Hanggang sa may mapansin akong pirasong papel sa lamesa at may nakasulat dito.

Yung mga box na nasa lamesa pakilagay sa storage room at yung box na minamarkahan ko wag mong galawin. –Sofia

What the! Ginawa ba akong kargador. Argh!

Hindi ako makapaniwala na gagawin ko ito at utos-utos lang kung sino-sino. Pagkatapos talaga nito I will sure na pagbabayaran ng nerd na yun ang lahat. Makikita niya.

Sinimulan kung buhatin ang isang box sa tapat ko.

Damnit ang bigat naman nito.

Matapos kung buhatin ang iilang box, isa nalang at matatapos narin ako. Pero sa hindi inaasahan nang inayos ko na ito sa lagayan niya biglang bumigay ang kamay ko kaya nahulog ko ito. Dahil dun nagsilapana ang mga alikabog sa paligid nito at may kung anong pumasok sa mata ko. Ubo-ubo akong lumabas ng Storage room.

"Ahhh.....Ang mata ko."

Ang sakit ng mata ko! Oh my god mabubulag na ata ako!

Sa gitna ng pagkataranta ko naramdam ko ang dalawang kamay sa pinge ko at sunod nun ay ang pagbuga ng hangin sa mata ko. Mabuti naman naiwala din ang kung ano sa mata ko dahil my god ayokong mabulag ng maaga.

Dahil sa hindi na ito masakit at mukhang nawala na yung sakit nito at kaya ko nang imulat ang mata ko- Thanks to this person.

Pagdilat ko dalawang pares ng mata ang nakatingin sa akin.

Hazel eyes. Ang ganda at napaka-mesmerizing nito. Pero bakit may kung ano ito na hindi ko ma-pinpoint and I think I've seen it before.

Sa tagal ng pagtitigan namin narealized ko nalang kung sino ang tao ang katitigan ko kaya bigla ko siyang tinulak.

"Aray."

Hindi ko alam pero biglang tumibok nang mabilis ang puso ko. Parang sumali ata ng marathon ang puso ko dahil walang tigil ito sa pagtibok ng mabilis at parang hindi na normal.

Napahawak ako sa dibdib.

Ano to? At bakit parang may kung ano sa sikmura ko na hindi ko maipaliwanag? And when she touches me I felt something inside me that I can't explain. Why is it my heart is racing nonstop? I hate this feeling but I admit that some part of it I kinda like it.

Am I sick?

"You're WELCOME HUH." Sarcastikong sabi niya.

Hindi ko sya masisi. Kasi naman hindi ko gusto tong nararamdan ko ngayon. May sakit ata ako sa puso. Tsk. Ang nakakainis ang nerd pa ang dahilan.

"Anong nangyayari dito?" Napatingin kami sa magaling na president ng student council.

Saan ba to nagsusuot at bakit ang daming dalang box na naman. Ano to donation box?

My Love Scarlet (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon