Twenty-five

154K 2.5K 13
                                    

"See"pinanlakihan pa niya ito ng mata.

Tatayo na siya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Buti hindi naisipan ni Malik na ilock ang pinto ng kwarto.

Pumasok ang mga anak nila na umiiyak.

"Mommy!!!"tumakbo ang mga ito at patalon na sumampa sa kama nila.

Nag-unahan pa ang mga ito na yumakap sa kanya. Sanay kasi ang mga ito na pagmulat ng mata siya agad ang makikita ng mga ito.

"Mommy, why did we wake up at the other room. Why you're not in our side?"umiiyak na tanong sa kanya ni Duke.

"I'm sorry buddy. Its daddy's fault"si Malik ang simagot sa kanya.

Inirapan niya ito, dapat lang na ito ang magpaliwanag sa mga bata. Kasi ito naman talaga ang may kasalanan sa mga anak nila.

"Why did you bring us there daddy?"tanong naman ni King sa ama nito.

"Well, mommy and daddy needs a quality time alone buddy. Remember your wish last night?"paliwanag ni Malik.

Napakunot ang noo niya sa tanong ni Malik sa mga anak nila. Anong wish ang pinagsasabi nito sa mga bata. Wala naman siyang matandaan na may hiniling ang mga anak nila kagabi.

Namang ha pa siya ng makitang tumigil na ang mga anak nila sa pag-iyak at parang nakakita ng clown na biglang nagliwanag ang mga mukha ng mga ito.

"Really daddy, we have a baby sister now?"manghang tanong ni King kay Malik.

Nanlalaki ang kanyang mata sa tanong kanyang anak.

anon g baby sister?

Binalingan niya si Malik nakatingin sa mga anak nila na tumatawa.

"No, but if tonight the two of you will be ang good boy and sleep at the other room, and give daddy and mommy a time to sleep alone here, maybe tomorrow you will have a little sister"tumatawang sagot ni Malik sa mga anak nila.

Pinagsasabi nito.

"Hey Malik, kung anu-ano sinasabi mo sa mga bata"sermon niya dito.

"Why honey, you will refuse their wish?"nakapout na tanong sa kanya nito.

At talagang iningles pa niya ng maintindihan ng mga bata. Gigil na kausap niya sa sarili niya.

"Mommy, we want a baby sister please...."pagmamakaawa ng mga anak niya sa kanya.

Naku naman parang ang dali naman ng hinihingi ng mga batang ito. para lang silang humiling na bumili ng bagong toys sa mall. O di kaya naman bibili ng candy sa tindahan kung makahiling ng kapatid.

Ang hirap kayang magbuntis, lalo na ang manganak. Hindi biro ang hinihiling ng mga anak niya.

At ito namang si Malik pahamak.

"Honey, let give what they want huh, pumayag na nga silang sa kabilang kwarto ulit matulog mamayang gabi"paglalambing sa kanya ni Malik.

"tse, hindi madaling magbuntis Malik, lalo na ang manganak. Muntik na akong mamatay nong pinanganak ang mga ito noh."pagtataray niya.

Bigla namang natahimik ang mga kasama niya. nang tingnan niya isa isa ang mga ito nakatitig lang ang mga ito sa kanya. Ang mga anak niya na parang naintidihan ang mga sinabi niya na mukhang naiiyak na, at si Malik naman at parang nagi-guilty ang itsura niya.

May mali ba sa sinabi niya, sinabi lang naman niya ang totoo.

"What's with the face?"nagtataka na niyang tanong sa mag-aama niya.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now