Ahahaha san galing yan?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ahahaha san galing yan?

Ang cute cute ng itsura nya sa picture at para syang KPOP idol.

Diba nga hindi ako dito sa bansa nakatira?

Nasabi nya nga ba? O wala lang akong narinig?
Kahit nga ang pangalan nya hindi ko matandaan kahit alam ko ay sinabi na kanina.

Saan ka ba?

Lalong bumagal ang aking lakad dahil sa sobrang pag kaamaze sa mga nalalaman ko sa kanya.

Artista lang naman ako sa Korea.

Pa humble nyang sabi sakin saka ako tinulak na para bang babae na nag sasabing "naku maliit na bagay."
Halos mapanganga ako sa sinabi nya.

Totoo?!

Gulat na gulat ako.
Meron akong katabing sikat na lalaki sa tabi ko at nag lalakad kami ng naka paa sa gitna ng kalsada.
Natulak ko sya ng hindi sinasadya.
Naku Riley napalakas ata.
Naitulak ko sya at mejo malayo ang narating nya dahil sa pag kakatulak ko.
Tapos tinignan nya ako ng masama at dali daling lumakad palapit sakin at kinurot ang pisngi ko.

Aaarrgg nang gigigil ako sayo! Ang cute cute mo talaga!

Ramdam ko nga ang pang gigigil nya dahil sa higpit ng kanyang pag kakakurot sakin.
Saka kami muling lumakad.

Pakiramdam ko nakakilala ako ng lalaking version ko.

Sabi ko sa kanya.
Parang ayaw ko ng umuwi at manatili nalang ako dito kasama sya.

Ako rin eh. Parang nakakilala ako ng girl version ko.
Imagine! Parehong pareho tayo.
Palatawa, makwento, simple at nakapaa. Ha Ha Ha.
Pag kakaiba lang natin ay naka gown ka.

Saka sya umakbay sakin.
Steady Riley.
Baka pag nag likot ka mailang sya sa'yo.
Palapit na kami muli sa gate kung saan kami lumabas kanina.
Pero bago kami pumasok ay naupo kami sa lumang bench sa gilid.

Ako na mag susuot sayo ng high heels mo.

Saka nya pilit na inaagaw sakin ang hawak kong pares ng heels.

Ako na. Kaya ko naman eh.

Pero hindi sya nag pumigil at talagang hinila ang heels sa mga kamay ko.
Saka sya lumuhod sa harap ko.

Utos ito ng hari.

Sabi nya pa saka sya kumindat sakin at isinuot ang heels ko sakin.
Pinipilit kong wag tumingin sa kanya dahil hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko sa kanya.

Teka, wag ka munang kiligin. Unang gabi palang ito na mag kasama ta'yo. Marami pang araw ang dadating.

Sabi nya sakin saka inilahad ang palad nya para alalayan akong tumayo.

Dahan dahan kaming lumakad sa garden nang may narinig kaming nag tatawanan likod ng halamanan.
Dahan dahan ay sumilip kami at hindi naman ako nagulat.

Kahit kaylan talaga, hindi na mag babago si Zac.

Oo, si Zac nanaman at ibang babae nanaman ang katawanan nya sa likod ng mga halaman.

Hayaan mo na sila. May mga tao talagang sa ganyan masaya.

Sabi nya sakin kaya tumayo na kami at nag patuloy sa pag lakad.

Tama, iba iba ang kasayahan ng tao at hindi mo sila pwedeng pilitin sa mga bagay na nag papasaya sa'yo.
Pumasok kami sa loob ng main hall.
Nag sasayawan ang mga tao habang sila Galen ay umiinom ng wine kasama ang iba pang eatudyante.

Ang galing naman dito. Parang softdrinks lang ang wine.

Nga pala.

Lumingon ako kay... Kay sino nga sya ulit?
Inilabas nya ang cellphone nya sa kanyang bulsa at iniabot sakin.

Ibigay mo sakin ang number mo.

Ngumiti lang ako sa kanya at wala ng ibang sinabi, saka ko nilagay ang number ko at ibinalik ko sa kanya.

May tanong ako.

Dagdag nya pa matapos ilagay ang cellphone sa kanyang bulsa.

Ano yun?

Panay ang bati sa kanya ng mga istudyante habang nakagitna kami at tinitignan ng mga taong nasa paligid namin.
Maingay din dahil sa tugtog nilang pang party talaga.

Kung yayayain kitang lumabas bukas? Sasama ka ba?

Pasigaw nyang tanong sakin.
Agad agad ay ngumiti ako.
Pero papayagan kaya ako ng mag kakapatid?
Ano nalang ang sasabihin nila pag nalaman nila ito.

Hindi ko sigurado kung papayagan ako.

Nakasimangot kong sagot sa kanya.

Wag ka mag alala, hindi sila pwedeng humindi pag anak ng ng president ang nag salita.

Sagot nya na nag pangiti sakin.

Susunduin naman kita kaya wala na silang magagawa!

Lalong lumakas ang tugtugan at natutulak na kami sa sikip at dami ng tao.

Basta ittext kita okey?

Muling sabi nya sakin hanggang sa nag hiwalay na kami ng direksyon at hindi ko na sya nakita.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Where stories live. Discover now