•Moon walk

3.4K 97 4
                                    

Bakit ka nakatingin?

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Bakit ka nakatingin?

Ilang minuto na pala kaming nandito at wala akong ka alam alam kung naisipan ba nila kaming hanapin.

Wala lang. Natutuwa lang ako sa itsura mo.

Sabi ko sa kanya.
Lahat ata ng maliliit na tindahan dito ay nalakaran na namin para lang bumili.
Dala dala namin ang sari-sarili naming mga sapatos at komportableng nag lalakad sa kalsada.

Ang galing mo naman. Alam mo na may mga tindahan dito sa labas.

Sabi ko sa kanya sabay kagat sa egg sandwich na hawak ko.

Syempre! Dito ang comfort zone ko tuwing nandito ako sa RIS. Kaya kaylangan alam ko kung hanggang saan itong mga tindahan.

Saka nya tinuro ang kalsada sa aming harapan.
Mula sa kaliwa ay nakikita ko na ang pader ng RIS na nag liliwanag.
Siguro ay paikot na kami.

Gusto mo na bang bumalik?

Tanong nya sakin dahil napapansin namin ang pag dami ng tao at tingin ko ay malapit na kami sa entrance gate ng school.
Ang iba ay napapansin kami at wala kaming pakialam kahit makita nila kaming naka paa.

Umiling ako sa kanya saka hinawakan ang kanyang braso.

Ayoko pa, nakaupo lang naman ako sa loob. Wala naman kumakausap sakin.

Nakasimangot kong sagot sa kanya.
Natawa sya sa sinabi ko.

Ako rin eh. Walang kumakausap sakin.

Ngumiti ako sa sinabi nya, ang galing naman.
Kakaiba talaga syang lalaki sobrang simple.

Hindi ba tayo hahanapin?

Bigla akong nag alala dahil baka hanapin kami. Lalong lalo na nila Daemon.
Paano pag meron silang kaylangan at hindi kaagad nila ako nakita?
Kilala ko si Daemon pati na si Alexus.
Sila yung todo maka react kahit sa totoo wala naman talaga silang kaylangan at gusto lang nila akong mapag tripan.

Ibabalik ko sa'yo ang tanong.

Lumingon ako sa kanya saka sya uminom ng softdrinks.
Nag lakad kami pabalik at sa likod na gate kami papasok pabalik.

Hindi ka ba hahanapin ng mga alaga mo?

Para nyang nababasa ang isip ko.
Walang ginagawa ang lalaking ito kundi pamanghain ako.

Total, sabi naman ni Daemon icelebrate daw namin ang ika - isang linggo ko sa trabaho. Siguro naman pwede naman akong mag day off ngayong gabi.

Sagot ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bahagi ba ng pag cecelebrate ang paglabas sa RIS, o baka hindi lang nila ako uutusan pero dapat ay nasa paligid ako?

Don't worry. Aawayin ko sila pag hinanap ka. Sabihin mo "utos yun ng mahal na Prinsipe" Ha ha ha

Bakit ba nakakakilig ang lalaking ito?
Saka nya inilabas ang cellphone nya at may ipinakita sakin.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن