/23/ Looking Within

Magsimula sa umpisa
                                    

*****

MARAMING tao ngayong umaga ang naglilisawan sa plaza marahil araw ngayon ng Linggo. Naglalakad ako habang pinagmamasdan ang mga tao na abala sa kani-kanilang sariling buhay. I can't help it but to feel somehow envious to them, mabuti pa sila at namumuhay lang ng normal.

Tumakas lang ako sa HQ kanina dahil gusto ko lang maglakad para makapag-isip, paniguradong kapag nadiskubre nilang nawawala ako'y kaagad nila akong hahanapin. Isa kasi sa patakaran ng Memoire na hindi kami pwede basta-bastang umalis.

Walking somehow lightened my mood, pakiramdam ko'y nagkaroon ako ng panandaliang kalayaan mula sa aking kakaibang mundo. Walang kaalam-alam ang mga tao rito na totoo ang ilang mga bagay na inaakala nilang imposible, mga bagay na hindi pangkaraniwan.

Habang naglalakad ay nakikita ko ang mga namumukod tangi, nakikihalo sa mga normal na tao, katulad ni Zia ay may mga nilalang akong nakikita na nababalutan ng lila na aura. At katulad ni Zia, alam kong hindi sila pangkaraniwan, hindi lamang nila alam sa kanilang sarili o maaaring tinatago nila ito.

Ngayon ko lang din napagtanto na ang hinahanap naming mga Peculiar ay nasa paligid lang namin. Nagkamali kami noon dahil inakala namin sila na namumukod tangi pero ang totoo'y para lang din silang normal na tao na nakikihalubilo sa nakararami, we became blind because we don't know how to look—we don't have the right eye. Pero nagbago ang aking paningin simula nang mahawakan ng misteryosong batang babae ang aking noo.

Sino ako?

Bumalik ang tanong na 'yan sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin ang sagot sa tanong na 'yan at hindi ko sukat akalain na ang pagkilala sa aking sarili ang siyang pinakamahirap na gawin.

Pumasok ako sa loob ng lumang simbahan, kakatapos lamang ng huling misa para sa umagang 'to kaya kakaunti na lamang ang tao sa loob. Umupo ako at tumitig sa poon sa altar, isang mortal na pinako sa krus sapagkat siya ang anak ng diyos.

Naalala ko ang aking pamilya, pinalaki kaming relihiyoso at may takot sa Diyos. Natatandaan ko pa ang bawat aral na itinuturo sa amin noon. Subalit nang kapain ko sa aking sarili ay hindi ko na mahanap ang pundasyon ng aking paniniwala—hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.

"Ang tunay na kasagutan ay nasa iyong loob."

Napatingin ako sa aking katabi, ang misteryosong batang babae sa aking panaginip. Hindi ako nagulat nang makita ko siya na nakaupo, hindi katulad noon na nagliliwanag ang kanyang balat—para lang siyang normal na bata.

"Paano ko malalaman iyon? Hindi kita maintindihan." tanong ko sa kanya. Ngumiti ang bata sa akin dahil sa palagay ko'y hindi ako natakot sa kanya o dahil iyon ang unang pagkakataon na naging interesado ako na itanong sa kanya ang pagkilala sa aking sarili.

"Matagal mo ng alam ang kasagutan, subalit naghahanap ka sa labas ng iyong mundo. I-waksi mo ang takot at ang iyong pagdududa sa iyong puso, walang iba lamang kundi isang bukal na pananampalataya," sagot ng bata sa akin. "Ngunit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang taludtod na 'yon mula sa Bibliya. Dahil natatandaan ko pa noong bata ako at minsan naming pinag-aaralan ang mga salita ng Diyos ay tinanong ko 'yon sa aking ama, kung ano ang tunay nitong kahulugan.

"S-sinasabi mo bang hanapin ko ang kaharian ng Diyos para malaman ko ang mga kasagutan?" tanong ko ulit sa kanya. "S-saan ko mahahanap 'yon?"

Ngumiti muli ang bata bago ito sumagot, "Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka't narito, ang kaharian ng Diyos ay nasa loob ninyo."

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon