Napabuntong hininga ako at lakas loob na nagsalita.

"Hoy! Kung sino ka mang nilalang ka, pwede ba? Tigil-tigilan mo ako! Akala mo ba nakakatuwa na 'tong ginagawa mo?! Kung gusto mong mang-trip o mang-asar, 'wag mo akong idamay diyan sa kabaliwan mo! Siraulo ka! G*go!"

Wala. Wala akong narinig na nagsalita. Para bang nag e-echo lang 'yung boses ko rito sa malaking banyo na 'to. Para tuloy akong baliw.

Sinubukan ko ulit buksan 'yung pinto kaso bigla na lang bumalik 'yung ilaw. Napahinga ako nang maluwag kaso may napansin akong kakaiba. 'Yung salamin kanina na sobrang linis, ngayo'y nasulatan gamit ang pulang likido.

Hindi na ako nagulat. Kaya ayokong sumasapit ang alas-dose ng gabi, may mga bagay na lalong nagpapatayo ng mga balahibo ko tulad na lang ngayon. Mas lalo akong nanlamig nang tuluyan kong mabasa kung anong nakasulat sa salamin.

Bad kitty, please don't remove your ring. I'm watching you.

-H

Kumuha ako ng maraming napkin at spray bottle sa maintenance cabinet at mabilis na binura ang nakalagay sa salamin. Sakto namang bumukas 'yung pinto at may babaeng mukhang lasing na lasing. Buti na lang nabura ko agad.

"Excuse b*tch. Haharang-harang sa salamin, ugh!" 

Tumabi naman agad ako. Lasing lang 'tong babae kaya hinayaan ko lang.

"Ang sakit ng ulo k— Ano 'to papel?"

Aalis sana ako kaso napatigil ako.

"Bwisit ba't ba ang labo ng mata ko?" Mabilis kong kinuha sa kamay ng babae yung hawak hawak niya.

"Miss, kalat lang po 'to. Pasensya na."

"Whatever."

Ikinuyom ko 'yung polaroid sa kamay ko. Bumalik ako sa counter at tiningnan 'yun ng palihim.

Litrato ko 'yung nakalagay doon habang kausap ko 'yung lalaki kanina na umorder. Binaliktad ko 'yun at hindi ako nagkakamali, may nakasulat doon.

Kitty, very bad kitty. I'm not happy with what I'm seeing.
-H

Itinapon ko 'yun agad at bumalik sa trabaho. Kailan pa ako naging pusa? Lakas ng amats ng H na 'to, ah.

"Uy, babae! Tagal mong nag-C.R., ha? Na-constipate ka ba? Putla-putla mo, oh."

"Wala, biglang nawalan ng ilaw sa banyo e." Huli na nang napagtanto ko ang sinabi ko.

"Ha? Hindi naman nag-brown out kanina at isa pa hindi naman sira 'yung light bulb sa C.R?"

"Hindi ko rin alam, e. Bigla na lang nawala. Hayaan mo na, pinatawag ko na 'yung maintenance team doon," pagsisinungaling ko.

Nagkibit-balikat na lang siya at kumuha ng order sa table 4.

Napalingon ulit ako sa paligid, hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin na may pares ng mga mata na nagmamasid sa bawat galaw ko. Muling bumalik sa 'kin 'yung nangyari noon kung saan nagsimula ang lahat.

Flashback (4 months ago)

"Mama, ikaw ba 'yung pumasok sa kwarto ko kagabi?" 

Napakunot noo si mama sa sinabi ko. "Anong pumasok? 'Di ba nagpaalam ako sa'yo kahapon na mag o-overtime ako sa trabaho? Gemma, baka guni-guni mo lang 'yan."

Napatigil ako. Alam ko sa sarili ko na hindi 'yun panaginip. Kitang kita ko mismo na nagbukas 'yung pinto ng kwarto ko kaso wala akong nakita na pumasok.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now