Chapter 11: Lyra Denaia

Start from the beginning
                                    

"Dahil walang nangahas..." Isang boses mula sa labas ng aming classroom ang gumulat sa amin. Isang matinis na boses ngunit nakakatakot ang tono nito. Masasabi kong isa siyang babae. "Walang naglakas ng loob na pumunta dito sa floor ng mga demonyo. Iniisip nila sa oras na humakbang sila dito sa floor na'to, kapag Slaughter Party na, para kana ding pumasok sa pintuan papunta sa impyerno. May mangilan-ngilan naman pero sila 'yong mga taong mas nakakapangilabot pa sa demonyo." Pagpapatuloy pa nito.

Kami? Demonyo? Maaaring tama nga sila pero sino ba sila para tawagin kaming mga gano'n.

"Mga duwag sila. Parang mga aso na nakabahag ang buntot." Muli niyang sabi sa amin.

"At sino ka naman?" Tanong si Scarlette

"I'm Lyra, Lyra Denaia from class 3-A section. Kamusta kayo guys!"

Lyra's P.O.V.

Hindi ko mapigilang matawa kapag naaalala ko ang mga sinabi ng mga kaklase ko kanina. Takot na takot silang pumunta dito sa top floor kapag Slaughter Party na. Well, natakot rin naman ako noong una. Nasa elevator pa lamang ako, ramdam ko na ang kakaibang aura na nakapaligid sa floor na ito. Nakakatakot, nakapangingilabot. Pakiramdam ko na parang papasok ako sa kwarto ni kamatayan. Hindi ako makagalaw noong mga oras na'yon. Ni hindi ko maihakbang ang aking mga paa dahil sa takot. Hanggang sa naglakas na ako ng loob para maglakad patunta sa classroom nila. Malayo pa ako sa classroom nila but I can already feel the chill running throught my spine at nagtatayuan na ang mga balahibo ko pero ng makarating ako, nakita ko sila at pinagmasdang mabuti ang bawat isa sa kanila at...

Di ko mapigilang matawa dahil sa mga itsura nila. Eto na 'yon? Ito na ba ang sinasabi nilang mga demonyo? Don't make me laugh! Just look at their pathetic faces. Hindi ganito ang ineexpect ko. Haha.

"You're just a bunch of clowns!" Sabi ko sa kanila habang di parin matanggal ang ngiti sa aking labi.

"Mag-ingat ka sa mga pinagsasasabi mo. Hindi mo pa kami kilala." Sambit ng isang babae sa akin na medyo ikinatakot ko. Ang alam ko Scarlette ang pangalan niya. Maganda, Sexy at Feminine na feminine.

"Eh ako? Kilala niyo ba ako? Hindi right? So its a tie!" Sabi ko sa kanila sa nang-iinis na tono. Hindi rin nila ako kilala at di rin nila alam kung ano ang kaya kong gawin. Oo, matatakutin ako pero hindi ibigsabihin nito na mahina rin ako. Muli kong pinagmasdan ang mga muka nila at... isang familiar na itsura ang aking napansin. Siya nga!

"Wait, Zac?" Tanong ko.

"What? You know me? I'm sorry but do I know you?" Wow! Tinanong ko siya pero puro tanong din ang sinagot niya. Hindi naman ako nag-expect na maaalala niya ako because he just played with me. Okay, Im his ex and I still love him.

"Come here with me." Sabi ko sa kanya na sinang-ayunan naman niya. Pumunta kami palabas ng classroom nila at naglakad papalayo. "Hindi mo ba talaga ako nakikilala? Im Lyra, your ex. Ako lang naman 'yong pinaglaruan, sinaktan, at iniwan mo."

"What?! Ginawa ko ba talaga 'yon?! Sorry, sorry."

"It's fine. Total, mahal parin naman kita Zac." Sabi ko sa kanya dahilan para mamula ang muka niya. "I don't need you to love me, just let me love you one last time." Muli kong sabi sa kanya. It's impossible na may feelings siya sa'kin. Nakalimutan niya nga ako diba?

"Ok." Sabi niya.

"Anyway, anong ginagawa mo dito? Hindi ba nagtransfer ka na sa ibang school?" Tanong ko sa kanya habang patuloy parin kaming naglalakad. Bakit kapag siya ang kausap ko. Nawawala ang mala demonyo kong boses at ugali? Napatigil nalang siya sa paglalakad.

"Mahabang kwento." Sagot niya sa akin at ipinagpatuloy na niya muli ang paglalakad. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Sa abandoned room." Nasa may dulo ito ng corridors pero di naman ganon kalayo mula sa classroom nila Zac."Don't get me wrong. May sasabihin ako sayo dahil mukang wala kapang masyadong alam tungkol sa school na'to. Hindi na ito katulad ng dati, parang ginawa na itong tirahan ng mga demonyo. Mag ingat ka, my loves."

"My loves? Anyway, bakit kaylangan sa abandoned room tagala?" Tanong niya sa akin. Nag-iba na ang tono ng pananalita niya pati ang ugali niya, nag-iba nadin. What happened? Asan na ang masama at bully na Zac? Ang bait na niya. Nagbago na talaga siya pero mas gusto ko parin ang dating masama, bully, playboy, at mala demonyong Zac.

"Para walang makarinig sa'tin. Papatayin nila tayo sa oras na may makarinig." Sagot ko sa kanya na alam kong ikinatakot niya. What? Si Zac, natatakot? Nababaguhan ako sa ugali niya.

Nang makarating kami sa may abandunadong room. Agad kong isinarado ang pinto at nagmasid kung may tao sa paligid. Mukang kami lang dalawa. Madilim pero di naman masyado. Sinubukan kong buksan ang ilaw pero hindi na'to gumagana.

"So hot..." Sambit ko.

Mukang matagal nang hindi nagagamit ang room na'to. Ang init, at nagsisimula na agad akong pagpawisan. Kinuha ko ang pampuyod sa bulsa ko at ipinuyod ko ang aking buhok para mabawasan ang init na aking nadarama. Medyo malayo si Zac sa akin at di ko siya masyadong makita kaya lumapit ako sa kanya at...

"Zac..." Tawag ko sa pangalan niya.

What the heck! Pinagpapawisan na siya ng todo dahilan para magmuka talaga siyang HOT. Gosh! Namumula ako. Hinuban nito ang kanyang vest at natira ang polo nito. Dumadakat na ang kanyang katawan sa polo niya. Hindi ko maiwasang kapatingin sa may bandang tiyan niya. May abs talaga siya. Napalunok nalang ako dahil sa nakikita ko. What the heck! Anong nangyayare sakin?!

"Are you okay?" Nagulat nalang ako ng bigla siyang umimik sa'kin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya. Ramdam ko ang init ng mga labi niya. Di nagtagal, lumayo ako mula sa kanya at nanaig ang katahimikan.

"Are you satisfied now?" Bigla nalang nag-iba ang tono ng pananalita niya. Bumabalik ang dating Zac. "Anong mga nalalaman mo Lyra?" Pagpapatuloy niya.

"Zac, hindi na'to ang dating school na alam mo. Masyado ng maraming seckreto ang nabunyag kaya naman... napagdisisyonan nila gawin ang Slaughter Party. Ano bang alam mo sa Slaughter Party?"

"Ang Slaugter Party? Isa 'tong party kung saan pwede kang pumatay." Sagot niya sa akin.

"At sino namang nagsabi sa'yo niyan?" Muli kong tanong sa kanya.

"Si Scarlette."

"At 'yon lang ang sinabi niya? Ang uto-uto mo talaga Zac. Paniwalang-paniwala ka naman?

"Anong ibigmong sabihin?" Tanong niya sa akin sa nakakatakot na tono. I like the tone of it.

"Kung sa tingin mo na ang purpose lang ng Slaughter Party ay para mabawasan ang mga kaguluhan tuwing umaga, your wrong because THIS PARTY is the key to get out at lahat sila gustong-gustong makalabas na dito. It gives us chances to kill para makalabas o mas kilala sa tawag na maka-GRADUATE." Paliwanag ko sa kanya. "The only way to get OUT is to KILL each other." Hindi ko inaasahan ang reaksyon ng muka niya. Stupid. Gulat na gulat siya dahil sa mga sinabi ko dahilan para mapahakbang siya palayo sa akin.

"We have to... kill each other?"

.......

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now