Chapter 9: Girl on the Rooftop

Start from the beginning
                                    

"Are you Ok Ms. Scarlette?" Tanong sa'kin habang naglalakad palapit ang aming guro. Such a freak. Kelangan talaga lumapit sa'kin?!

"Im fine." Sabi ko sabay upo.

Who the hell wrote this?! Kapag nalaman-laman ko lang kung sino ka, sigurado akong mamaya sa Party ay putol na 'yang kamay mo. Muli kong binuklat ang aking kwederno hanggang sa napansin ko na sa likod nito ay may nakasulat pa.

Go at the roof top and find the red paper. If you don't, you'll die. This isn't a kind of a prank. If you still loves your fucking life then go now!
- The Puppeteer

Noong una ay nag-alinlangan pa ako ngunit wala na akong choice kundi sundin ang nakasulat dito dahil ang alam ko, si Haize, sa oras na sumuway ka sa utos niya bago pa magsimula ang party ay patay kana. Tumayo ako at naglakad palabas ng classroom.

"Ms. Scarlette, where are you going?" Tanong sa akin ni teacher.

"You don't care." Sabi ko sa kanya sabay irap.



Nakarating na ako sa rooftop at mukang ako lang ang tao dito. Ang hangin dito at ang sarap sa pakiramdam. Tumingin ako sa paligid at napaganda nito. Matagal-tagal naring hindi ako nakakalabas sa impyernong school na'to. Hindi naman talaga ako masama di gaya ng mga pinag-iiisip nila. Of course, ayaw ko rin sa school na'to but I will not leave until my mission is done. Ayokong ipakita ang mga kahinaan ko kaya nagtatapangtapangan ako. Palagi nalang. Pinagmasdan ko ang paligid ng school at kapansin-pansin sa may field ang mga studyanteng nagpupush-ups. PE siguro nila ngayon. Pwede lang kaming maka labas ng school building kapag PE or may something na about sports pero sa piligid ng campus ay merong mga pader na higly secured kaya it's really impossible to get out. Naalala ko na naman..

"Mom, Dad, ayos lang po ako dito. It's so much fun here, I guess. Hindi ko pa po kayo naipaghihiganti." Bulong ko sa hangin.

Nakatulala ako sa kawalan nang isang pulang papel ang tumama sa aking muka. Mukhang nalipad ito ng malakas na hangin. Kinuha ko ito at agad na tiningnan.

May sikreto akong sasabihin sayo, gusto mo bang malaman kapalit ng buhay mo?

Isa na namang sulat ang nabasa ko. Ano na naman ito?! Hindi parin malawa ang takot na aking nararamdaman. Napansin ko ang isang babae na nakaupo sa may bench sa aking tabi. Kilala ko siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka ba nagbabasa?" Sagot niya sa'kin. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong ito.

"Sino ka ba talaga?" Natatakot kong tanong sa kanya.

"Haize R. Perez is my real name at Oo, ako nga ang Puppeteer of Death." Sagot niya sa akin. Hindi ako makapaniwala.

So siya si Haize? Hindi siya mukhang nakakatakot pero alam ko ang mata ng mga demonyo... nagliliyab katulad ng sa kanya.

"Anong kailangan mo sa'kin? Freak!" Matapang kong tanong.

"Muli kitang tatanungin, May sikreto akong sasabihin sayo, gusto mo bang malaman kapalit ng buhay mo?" Tanong niya sa akin.

"Oo." Sagot ko sa kanya kahit na natatakot ako.

"Pumayag kana kaya wala nang atrasan 'to. Are you ready? If yes then shut up and listen."

Anong sikreto ang ibubunyag niya?

"Bumalik muna tayo noong hindi pa ganito ang Secret High, noong isa pa lamang itong maayos na school. Sino nga ba si ______ Hindi ba familiar ang apelyido niyang ________ sayo?"

"Paanong..."

Tama siya. Familiar ako sa apelyidong iyon na talaga namang kinamumuhian ko. Maaaring nagkataon lang naman iyon pero maaari ring hindi.

"Wag ka na ngang magpaligoy-ligoy pa, sabihin mo na ang dapat mong sabihin!"

.................

Zac's P.O.V.

Mukang wala parin si Scarlette. It's already lunchbreak. I wonder what happened. It's like that she's not herself today.

"Hey Zac. Didn't you said that you wanted to talked to me? Now is the time." Sabi ni Scarlette sa akin.

What the heck! Bigla nalang siyang lumitaw out of nowhere!

"Ok, but if you're busy you don't really have to listen to me. Maybe, you'll think that this is just nonsense." Sabi ko sa kanya sabay tayo.

"Don't worry. Makikinig ako sa'yo."

Pumunta kami kung saan wala masyadong tao dahil ayokong may makakaistorbo sa'min.

"Scarlette, please! Kailangan kong malaman kung paano kami makakalabas dito." Pagmamakaawa ko sa kanya. "Please."

"Sinabi ko nang wala ngang daan palabas diba?!"

"Pero ikaw din ang nagsabi na merong paraan para makalabas kami dito sa impyernong 'to, for us to survive this damn Slaughter Party!" Sigaw ko sa kanya.

"Gosh! You're so deaf!" Sabi niya na para bang nang-iinis. "Hindi ko alam ang daan palabas at sa tingin ko ay wala naman talaga..." Bitin niyang sabi.

"So..." Magsasalita pa lamang ako ng bigla naman niyang itinuloy ang kanyang sinasabi.

"But... Yes, I did say that there is no way out pero merong paraan para matigil ang Slaughter Party na'to."

"Then tell it to me!"

"This is not the right time, nararamdaman kong maraming nagmamasid sa atin ngayon... at sa oras na sabihin ko sa'yo, tiyak na papatayin nila tayo. Ikaw ang dapat na makahanap ng paraan." Nakangiti niyang sabi sa akin ngunit alam kong natatakit rin siya. "Mukang patapos na ang lunch break. I need to go now. Bye." Sabi pa niya sa akin.

Ano bang itinago mo Scarlette?

Mukang marami siyang nalalaman na di'ko dapat malaman.

Killer's P.O.V.

Ang gustong-gusto ko talaga sa Slaughter Party na'to ay wala itong exact time kung kelan ito magsisimula so being alert anytime and anywhere is necessary. There is no place to hide. No one will help you. Wala ditong pakialaman.

Dapat na siyang maghanda dahil babalatan ko siya ng buhay. Ang ginawa niyang pagkakamali ang papatay sa kanya. Hindi niya ako kilala peri siya, kilalang kilala ko. Oo, nakipagkasundo ako kay Haize kapalit ng buhay ko. She made a perfect plan just for me. Haha.

The Party of Terror is just about to start.

It's payback time!

........

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now