Natigilan naman si Malik sa kanyang sinabi. Kaya naman nagpatuloy siya sa sasabihin niya.

"Umalis ako noong dahil sa babae, bumalik ako may babae pa din involve, pano ako maniniwala Malik sa mga sasabihin mo"dagdag niya pa.

"Issay"

"Let me finish Malik"

Tumango lang naman ito sa kanya.

"Alam mo bang pagkadating na pagkadating ko pa lang galing Paris ikaw agad ang pinuntahan ko, pero ano Malik. Pano ako maniniwala na gusto mo pa din ako kung may babae ng pumalit sakin sa condo mo. "

"She's nothing Issay"nanghihinang sagot nito.

"Nothing, nakatapis lang ng twelya at mukhang kakagaling lang sa banyo. Nice one Mr. Malik Perez, pero alam ko kung ano ka noon"mapangtuya na tanong niya dito.

Yumuko lang ito at hindi sumagot sa sinabi niya. Kaya lalo naman siyang nainis sa binata.

"Alam mo okay na, nagkausap na tayo. Hindi na ako galit sayo..."hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng mapansin niyang yumuyugyog ang balikat ni Malik.

Shit ano napaiyak ko si Malik?nag-aalalang niyang nilapitan si Malik.

"Hey, Malik"tinapik niya pa ito sa balikat nito.

Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-iyak na nakayuko.

"Malik, bakit ka..."hindi na naman niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla itong tumingin sa kanya.

Nanlaki ang mata niya ng makita niyang hindi naman pala ito umiiyak, kundi tumatawa ito.

Nakakunot noo niya itong tinitigan.

"What's wrong with you"galit na tanong niya.

Kung kanina nag-aalala siyang baka napaiyak niya ito sa mga sinabi niya. ngayon naiinis na siya, seryoso silang nag-uusap na dalawa tapos tatawa-tawa pa ito.

Tapos ngayon mukha siyang tanga na nakatayo sa tabi nito par asana aluin ito dahil akala niya umiiyak ito. yun naman pala tumatawa lang ito.

"Ano ba Malik? ano ba tinatawa tawa mo"naiinis na hinampass niya ito sa balikat.

"Masaya lang ako"tumatawa pa din ito habang iniilagan ang mga hampas niya.

"Ano?!!!"inis niyang tanong ulit.

Tumayo na ito at niyakap siya ng tuluyan nito. pinamulahan naman siya ng pisngi niya. Nahihiya siya sa dami ng tao sa paligid nila. Hindi man lang nito naisip na nasa public place silang dalawa. Kung makayap ito sobrang higpit pa.

"Malik, ano ba nakakahiya ka."saway niya ditto.

Mahina niyang tinutulak ito para pakawalan siya pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap nito sa kanya.

"Masaya lang ako Issay. Sobrang saya ko ngayon nandito ka na."bulong nito sa kanya.

"Malik ano k aba pwede mo naman sabihin yan ng hindi mo kailangan na yakapin ako"pagalit niyang saway ditto.

"Mas ramdam kong nandito ka na kapag yakap kita. I love you Issay"bulong nito.

Nanigas naman siya sa sinabi nitong huli.

Ang tagal niyang hindi narinig ang mga salitang ito.

Ang tagal niyang inasam n asana walang nagbago sa kanila ni Malik.

Sana mahal talaga siya ni Malik.

Ngayon ito na naririnig na niya. Pero bakit parang takot naman ang nararamdaman niya kaysa sa matuwa siya.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now