Four

21.4K 359 10
                                    

Dark Seduction Series #1- Possessive
©ElleNerdGirl 2021

Chapter Four

••••••••••••••


Alyanna's POV


"Sinong nagsabi na pupunta ka 'dun? " agad na sabi ng boss ko na si Marvin na kompanteng nakaupo sa kanyang swivel chair. Umagang-umaga ay pinatawag niya kami ng manager ko tungkol sa client namin.

Pinag-aawayan namin kasi kung pupunta kami sa kompanya ng mga Mullegan pero hindi kami pinayagan ng boss.

Bumuntong-hinga ako at tumingin sa manager ko na para ng papatay ng tao sa tingin nito.

"Eh paano ko siya kakausapin na hindi ako papayag sa gusto niya? " tanong ko habang nilagay ang kamay ko sa aking bewang.

"You two already know na illegal ang pagnenegosyo nila and that's the number one rule of this company. Also, number two sa rules ang hindi pagpunta sa location ng lugar. " sabi niya. Alam na kasi niya kung sino ang client na pinamigay niya sa amin. Siya kasi ang nagsabi na magaling ako sa lahat. Talk about "being humble".

"Eh paano ko siya kukumbinsihin kung hindi kami pwede pumunta sa kompanya niya? " tanong ko. He smiled.

"It's for you to know and for me to find out. "

Tsk. Makag-bar na nga lang.

Nandito ako sa bar stool ng Sander's O Bar. Isang sikat na bar dito sa bansa na kailangan isang golden card lang ang makakapasok sa'yo.

"Eh paano ito? Kailangan may tao tayong kilala para makapasok dun. " sabi ng Manager Kim. Yeah, nandito siya. Gusto niya kasi magrelax dito.

"Sino naman kaya ang tao na'yun? " tanong ko. She shrugged and took a sip of her vodka.

"Yan ang dapat nating planuhin. " sabi niya at tumango ako. We decided to set that aside and party all tonight.

Gusto kong sumayaw dun sa mga taong nagkukumpulan sa sentro ng bar kaya tumayo ako lumakad patungo doon pero may biglang may aksidente na hindi ko inakala.

Someone spilled a fvcking wine in my dress.

"Shit. " sabi ko at tumingin sa taong nambuhos sa'kin nito.

"Oh my, I'm so sorry, girl. " sabi niya. I looked at her appearance, and I want to say, this girl is hot and a bit classy.

"Ah, okay lang. " sabi ko pero sa kaloob-looban ko ay parang sasabog na ang nasa katawan ko. She just ruined my favorite dress.

"Since I owe you come with me, I have some extra dress in my car. Leggo. " sabi niya at hinila ako palabas ng bar. Naku, nandun pa naman yung card ko kay Manager Kim. Paano ako papasok nito mamaya?

Habang papunta kami sa parking lot ay may nakita akong limousine sa tapat nito at dun kami patungo.

"Wow. " I muttered under my breath. I have never seen that car in my life. I only saw it only on t.v.

"I know right. " rinig kong sabi ng babae tapos may inabot sa akin na dress. It was an above the knee lace red dress. It has a heart-shape top kaya makikita ang cleavage ko.

"Sexy naman ito. " sabi ko pero tumawa lang siya.

"Fit yan sa'yo. Don't worry. Okay, I gotta go na. " sabi niya pero bago pa ako nakapagsalita ay nawala na siya sa paningin ko.

Dark Seduction Series#1: Possessive(COMPLETED)Where stories live. Discover now