*47*

1K 24 4
                                    

BEAUTY

"I want an abortion." She said in the middle of crying. Kaagad naman akong nagpanic sa sinabi niya. 

"WHAT?!" Malakas na sigaw ko. Nakita ko sa peripheral view ko na napatingin sa akin si Keya. "Hello Daphne?! Wait! No! Hello?" Tinignan ko ang phone ko, wala na pala siya. 

"I need to go now." I said and grabbed my bag. 

"Wait, what? Why? Who was that?" 

"It was Daphne! She wants an abortion!" 

Nanlaki ang mata niya at napatayo. "WHAT?! Wait, wait for me! I'll go with you!" 

Hinintay ko siya at hindi rin naman siya nagtagal dahil mukhang mas OA pa nga yung reaction niya dahil sa akin. We used her car papunta sa unit namin. Habang nasa biyahe kami ay paulit-ulit kong tinawagan si Daphne pero hindi siya sumasagot na lalo naming ipinag-alala.

Habang nakasakay kami sa elevator ay pinagpapawisan ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pagdating sa harap ng unit ay mabilis pa sa alas kwatro kong binuksan ang pinto at saka nagmamadaling tumakbo. 

Naabutan namin si Daphne sa sala, nasa sulok siya at umiiyak. Papatakbo kaming lumapit sa kanya.

"Daphne! What's wrong?!" 

Napatingin siya sa amin. Mugtong mugto yung mata niya at mukhang kanina pa siya umiiyak. 

"Are you okay?" Tanong ni Keya.

"I... I don't... know what to do..." She said habang hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

"Daphne, stop crying. It's not good for the baby." Nag-aalala kong wika. Napatingin siya sa akin at napakunot ang kilay niya na ipinagtaka ko. Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw.

"Don't you get it?! I don't want this baby!" 

"Daphne, don't say that." Sambit ni Keya at napahawak sa kamay niya.

"My parents are going back here." 

Nagkatinginan kami ni Keya nang sabihin iyon ni Daphne. Malaking problema 'to.

"And.... and what if they find out about me being pregnant?! I'm scared." 

"Daphne. Don't be scared. Wait, get up." Inalalayan namin siya ni Keya at inupo sa sofa. Kumuha ako ng tubig sa ref at pinainom siya ng tubig para kumalma siya.

"Guys... help me. Please." Wika niya pagkatapos uminom ng tubig.

"Just don't be scared, I'm sure matatanggap naman nila. Kahit anong mangyari, anak ka pa din nila. Wag kang matakot sa magiging reaksyon nila dahil kung magalit man sila, dahil lang yon mahal ka nila. Ayun lang yon. Don't be scared. We're here."  Pagpapakalma ko sa kanya habang hinihimas ang likod niya.

"She's right. You're lucky you still have your parents..." Dagdag ni Keya. Napatingin ako sa kanya, nakita kong lumungkot yung mukha niya kaya hinawakan ko yung kamay niya. Napatingin siya at saka ko siya nginitian.

"No. You don't know them. Kahit minsan hindi ko naramdaman na magulang ko sila. At alam kong hindi sila matutuwa kapag nalaman nilang buntis ako. Hindi dahil mahal nila ako... kundi dahil iisipin nila yung sasabihin ng ibang tao." 

Naawa ako kay Daphne sa puntong yon nang sabihin niya iyon. Ganon ba talaga kahirap maging mayaman? Ay ewan, hindi ko naman kasi naranasan. Pero masaya ako. Dahil hindi man kami mayaman, mayaman naman kami sa pagmamahal. Kaya ako, kung mabibigyan man ako ng pagkakataong piliin ang pamilya ko, sila at sila pa din ang pipiliin ko. 

...but this is not really about me. It's about Daphne. I need to help her, she's in a really tough situation. 

"So what do you want to do?" Tanong ni Keya sa kanya.

Beauty and the Bad BoyWhere stories live. Discover now