Chapter 21

40 0 0
                                    

Carlos Miguel POV

Nang makaupo na kami ni loida sa aming nakatalagang upuan ay hindi ko inaasahan na makikita ko si Cecilia na dadalo ng aming engagement party. Patungo into ngayon sa stage na ng tumugtog na ang banda ay kumanta ito, dama ko sa kanta niya ang nais niyang iparating at di ko na maiwasan na alisin ang paningin ko sa kanya, di ko na rin namamalayan na kinakausap pala ako ng katabi kong si loida kaya ang nais ko lang gawin ngayon umalis kasama ang babaing mahal ko. Kaya walang anu-ano'y tumayo ako at hinila si Cecilia na halata ang pagkagulat sa ginawa ko, si loida na sinundan din ako at di ko na pinansin pa.

Carlos Miguel where are you going? Tanong nito sa kanyang fiance. Ang lahat ay nagulat dahil sa di inaasahan. Pati ang mga magulang at magulang ni loida ay nabigla rin, humingi ng pasensya ang mag-asawa sa lahat ng bisitang naroroon dahil sa hindi nila inaasahang gagawin ng kanilang bunso. Si loida naman ay tigmak na sa luha habang yakap-yakap ng mama nito. Ang dalaga ay tahimik lang habang ang binata naman ay nagmamaneho. Di na nakatiis ang dalaga kaya binasag na niya ang katahimikang namamayani sa kanilang dalawa sa loob ng kotse.

Ano bang gusto mong palabasin carlos miguel, bakit mo ako hinila at isinama? Hindi mo ba inisip ang kahihiyang ginawa mo, paano na si loida? Paano mo ipapaliwanag ito sa kanila ha? Galit na sabi ng dalaga.

Hindi ko naman pinagsisisihan ang ginawa ko Cecilia, hindi ko mahal si loida.

Ano?

Tama ang narinig mo, napilitan lang akong pakasalan si loida dahil nakataya ang pagsalba sa business namin sa japan at ng umalis ako noon ng walang paalam sayo ay labis ang naramdaman kong pangungulila sayo dahil di ko inaasahan na ganun na pala kalala ang problema ng pamilya ko pero ng makita ulit kita, hindi ko na ito kayang pigilan cecil, mahal kita cecilia, mahal na mahal kita at ikaw ang gusto kong makasama habang buhay., pagtawanan mo ako, sabihan mo ako ng baliw pero wala na akong pakialam basta ang alam ko masaya ako kapag nakikita kita at nakakasama. Pagbuburst out ng binata sa dalagang natigilan at all this years ay may katugon pala ang kanyang lihim na pagtatangi sa binata. Kaya naman napahagulhol na ng iyak ang dalaga at nabahala naman ang binata kaya naman inihinto na muna niya ang kotse sa gilid ng kalsada saka niya hinarapa ang umiiyak na dalaga.

Cecil, bakit ka umiiyak? May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan ha, cecil tahan na, alam mo namang mas nahihirapan ako kapag nakikita kitang ganyan eh! Tahan na ha?! Pag-aalo ng binata sa dalagang patuloy pa rin sa pag-iyak, di kasi ito nagsasalita at iyak lang into ng iyak kaya naman niyakap na lang niya ng mahigpit ang dalaga. Dahil sa hindi na niya nakayanan pa ay bigla na lang siyang nahimatay. Dahil na rin siguro sa pagod sa kakaiyak at di pagkakain ay bumigay ang katawan ng dalaga. Nabahala naman ang binata dahil kahit anong yugyog niya sa dalaga ay hindi man lang ito magising-gising kaya dinala na niya ito sa ospital. Nang mailagay na sa private room nito ang dalaga ay nasa tabi lang siya ng dalaga.

Babe, ano bang ginawa mo sa sarili mo at sobra ang pagka-depressed mo? Tanong niya sa natutulog na dalaga at pinagmamasdan niya lang ito. Bumukas ang pinto at pumasok si Susie na sobrang pag-aalala ang mababakas sa mukha into kasama nito ang kuya Luis Daniel niya na tinapik lamang siya sa balikat. Tinawagan niya kasi ang mga ito para ipaalam ang kondisyon ni Cecilia at naisip niya na karapatan ng pamilya nito na malaman ang nangyari sa dalaga.

Anong sabi ng doctor about sa kalagayan ng kapatid ko, okay lang ba siya carlos Miguel? Tanong nito sa binata habang ito ay umiiyak.

Pahinga lang daw at tamang kain at tulog para manumbalik ulit ang lakas niya. Tugon ng binata.

Kasalanan mo kasi ang lahat ng ito eh! Bakit ba kasi hindi mo kayang mahalin ang kapatid ko ha, Simula pa teenager niya mahal ka na niya, hanggang ngayon ikaw pa rin ang bukambibig niya!

Natitigilan naman ang binata at di niya lubos na mapaniwalaan ang sinabi ni Susie at napatingin siya sa natutulog na dalaga.

Alam mo ang dahilan ko Susie! Mahinang sabi ni carlos miguel at napatahimik naman si susie.

May dapat ba akong malaman.? Sabat naman ni Luis daniel dahil pakiramdam niya na may namumuong tensyon sa pagitan ng kanyang asawa at sa kapatid niya. Natahimik naman ang dalawa at kung maaari ay ayaw na sana nilang maungkat pa iyun o ipaalam pa kay luis daniel pero nagsalita ulit si carlos miguel.

Sobrang mahal ko ang asawa mo noon kuya at binalak ko pa ngang ligawan siya.

Carlos miguel. Gulat na sambit ni Susie pero nagtuloy-tuloy lang ito sa pagsasalita.

Continue. Ani Luis Daniel tiningnan naman ni Susie ang kanyang asawa.

Sobrang sakit ng malaman kong, ang mahal ng babaeng pinakamamahal ko ay mahal din pala ng kuya ko kaya hindi niyo ako masisisi kung hindi ko man lang napagtuunan ng pansin si cecil lalo pa at tanging nakababatang kapatid lang ang turing ko sa kanya dahil bulag ako sa pag-ibig ko kay Susie noon lalo pang tumindi ang sakit ng naramdaman ko ng malaman kong balak niyo ng magpakasal, doon pumasok sa buhay ko si cecil, ginawa ko siyang panakip butas pero di ko iyun sinasadya bigla na lang nangyari ang lahat., iniwan ko siya at sinunod si daddy pero alam ng diyos ayokong magpakasal kay loida kuya. Paliwanag ni carlos miguel habang nakakuyom ang kanyang kamao.

Totoo bang si ate Susie ang babaeng minamahal mo carlos miguel? Ani Cecilia at nagmulat ng mata. Gulat naman ang tatlo at wala sa kanila ang nakapagsalita.

Hayy, gising na ang ating bida at mukhang narinig niya ang lahat...
Subaybayan na lang po ito.
Salamat po ng marami sa nagbabasa.

Sinakop mo ng lahat ang puso koWhere stories live. Discover now