Chapter 6

47 1 1
                                    

Tulad ng sinabi ko heto na po un! Enjoy reading!!!!!
############

Pagkagaling nila ng binata sa ospital ay dinala siya ng binata sa isang restaurant at doon sila kumain.

Himala yata at sinamahan mo ko buong hapon? Di ka ba busy?

Gusto ko lang makasama ang bunso ng mga legaspi. Anito. Sasagot sana siya ng mamataan niya na may mga armadong lalaki ang bumaba sa kotse at may mga de baril ang mga ito.

Carlos miguel, dapa! Kayong lahat na naandito dapa. Sigaw niya at nagsisunudan naman ang mga tao sa restaurant bago pa makaputok ang mga armadong lalaki ay naunahan na niya ang mga ito pinaulanan na niya ito ng kanyang mga bala, natamaan niya ang isa kaya mabilis na nagsipagpasukan sa kotse ang mga ito at lumabas pa siya at hinabol pa ng kanyang bala ang papalayong kotse. Bumalik siya sa loob ng restaurant at itinaas niya ang kanyang chapa  upang ipakilala ang sarili sa mga taong nakasaksi sa naganap. Pasalamat na lang siya at wala namang napahamak na tao sa barilang iyun.

Okay ka lang ba Carlos Miguel? Halika na. Aniya at sinundan na siya ng binata sa kinapaparadahan ng kotse nito.

Ngayon ko lang naramdaman ito cecil, akala ko kung napaano ka na?

Ano ka ba, wag ka ngang ganyan! Para kang di lalaki atsaka matagal ko ng pinaghandaan ang bagay na ito, Simula ng pumasok ako sa NBI inihanda ko na ang sarili ko sa ganito.

Cecilia pinatigas na ba ang puso mo ng pagpupulis mo? Hindi na ikaw ang cecilia na kilala ko dati, na mahinhin at parang iiyak na lang sa isang tabi kapag inaaway ng kanyang mga kalaro, sa totoo lang parang di na kita kilala.

Tama ka, hindi na ako ang ceciliang dati ay kilala mo at iyun ay dahil sayo dahil manhid ka, Alam mo ba yun? Kaya kung ako sayo lumayo ka na sa akin dahil baka madamay ka pa sa gulong napasok ko. Panapos ng dalaga at sumakay na sa taxi na pinara niya.

Cecilia. Sambit na lang ng binata at sumakay na sa kanyang kotse at pinasibad na iyun. Bumaba ang dalaga sa park at doon ay napaluha na lang siya mabuti at walang tao ng mga sandaling iyun at walang makakakita sa pagsesenti niya.

Ano bang merun ka Carlos Miguel at palagi mo na lang sinasaktan ang puso ko bakit ba ang hirap mong kalimutan, marami na akong sinuong na panganib pero bakit ganun wala pa rin akong ka-effort effort, mahal na mahal kita pero kailangan ko itong gawin ayaw kitang madamay. Sabi ng dalaga at bumuntong hininga siya at pinunasan ang kanyang mga luha at umalis na sa lugar na iyun. Di niya alintana ang braso niya na kanina pa umaagos ang dugo dahil nadaplisan pala siya ng bala kanina sa restaurant. Dumeretso siya sa condo ng ate susie niya, nagpalinga-linga muna siya bago pumasok sa loob.

Cecil kapatid ko, ikaw ba iyan! Hindi na kasi ito kumatok kaya nagtaka si susie. Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanyang harapan ang nanghihinang kapatid.

Ate susie, ako ito! Pasensya ka na kung natakot kita. Natatawang turan ng dalaga at bigla na lang itong nawalan ng malay agad naman siyang dinaluhan ng kanyang ate at ginamot ang sugat nito sa braso.

Ouch! My head. Angal niya ng magising siya.

Oh, gising ka na pala cecil.

Ate susie ikaw ba ang nagbenda sa braso ko? Salamat ah.

Oo, ano bang nangyayari cecil ha? Sina daddy at mommy nag long distance sa akin at nagulat na lang ako nasa mexico sila, at ang sabi pa nasa panganib ka raw? Dahil sa pagiging NBI agent mo ay nalalagay ka sa kapahamakan, ano ba kasing pumasok dyan sa kukote mo at pinasok mo iyan, kapatid ko? Buti na lang daplis lang yan at kung nagkataon baka mapilitan akong dalhin ka na ng ospital.

Ate wag mo na akong sermunan, pero kailangang kong tapusin ang misyon ko, aalis na ako kasi baka matunugan pa nila ako dito at baka mapahamak ka pa, sige ate. Sabi niya pero paglabas niya ay nakita niya ang mga taong humahanting sa kanya kaya mabilis siyang bumalik sa condo ng ate niya at isinama na niya ito sa pag-alis ng condo, nagtataka naman si susie pero ng may marinig siyang putok ng baril ay natahimik siyang bigla. Nagpaputok na rin si cecilia habang papasakay sila ng kotse, patuloy pa rin silang hinahabol ng mga ito at patuloy pa rin silang pinapaulanan ng bala buti na lamang nailigaw ng dalaga ang mga kalaban. Tahimik lang si susie.

Ate Susie, I'm sorry pati ikaw ay nadamay sa gusot na napasok ko.

Hindi ka ba natatakot cecilia. Umiiyak na ito.

Natatakot! Takut na takot ako ate pero andito na ako at wala ng urungan ito.

Cecil. Napahagulhol na ang kanyang ate.

Ate wag kang mag alala sa akin kaya kung pwede sumunod ka na rin kina mommy at daddy sa states for your safety dahil Alam kong isusunod ka rin nila gaya kanina.

Sumama ka na rin sa akin.

No ate susie, isa akong alagad ng batas hindi ako tumatakas sa anumang laban, alam mo iyan ate. Aniya. Nagtungo muna sila kay luis daniel at sakto namang may business trip ito sa Japan kaya dumiretso na ang magkasintahan sa airport. Niyakap siya ng ate niya at umalis na ang mga ito.

Please po vote niyo po ito, at comment na rin po kayo if ano po ang masasabi niyo sa story ko.

        

Sinakop mo ng lahat ang puso koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon