Chapter 14

38 0 0
                                    

Sabado na nang bumiyahe na ang dalaga patungong san bartolome sakay siya ng kotse niya at nagsa-sound trip pa siya habang nasa biyahe siya. Tatlong oras rin ang lumipas bago niya narating ang bungad papasok ng bayan ng san bartolome, dumaan muna siya ng sementeryo kung saan doon nakalibing ang best friend niyang si mabel. Ipinasok na niya ang kotse at ipinark sa may lapit ng puno at bumaba na siya sa kotse niya dala ang pumpon ng bulaklak at inilapag niya sa nitso at nagsindi siya ng kandila., pagkatapos ay nagdasal siya ng taimtim bago niya kinausap ang best friend niya.

Kamusta ka na dyan sis, sensya ka na kung now lang ako nakadalaw sayo ah! Medyo naging busy ako sa work eh, pero dont worry im here na naman saka alam mo ba nagfile ako ng vacation leave, yan ah! Madadalaw na rin kita ng madalas kasi magstay muna ako dito sa atin ng one month! Hayy, miss na kita best friend. Sabi niya habang nakatingin sa nitso ni mabel, napangiti naman siya ng maramdaman niyang humangin pero di naman siya natakot.

Oo naramdaman kita sis! Atleast kahit papaano nagparamdam ka, ahm! Sige sis alis na ko, pasyalan nalang ulit kita dito ha! Bye sis! Paalam niya at umalis na siya doon at sumakay na siya ulit sa kanyang kotse. Bago niya pinasibad ang kanyang kotse ay ngumiti ulit siya at napailing na lamang. Samantala, sa mansyon ng mga legaspi ay naghahanda ang lahat sa pagdating ni cecilia, sa mansyon na rin kasi ng mga legaspi napiling tumira nina susie at luis daniel dahil iyun ang gusto ni susie atsaka si luis daniel na rin ang namamahala sa mga negosyo ng mga legaspi ng mag-migrate kasi ang mga magulang nila Susie at sa kanila na ipinagkatiwala ang lahat ng negosyo ng mga legaspi sa pilipinas. Nakarating na rin ang dalaga sa mansyon nila at napalingon siya sa malaking gate ng mga sanvictores at agad na rin naman niyang ibinalik ang tingin niya sa ate niyang nakangiti habang sinasalubong siya. Nagyakapan silang dalawa ng makababa na siya sa kanyang kotse.

I miss you so much lil sister. Nakangiti ito habang yakap siya nito.
  
I miss you too ate Susie.

Let's go inside and I'm sure na pagod ka sa biyahe mo at ng makapagpahinga ka na muna.

Okay ate!

Dumiretso muna siya sa room niya dahil pagod nga siya. Nang makahiga na siya sa kama ay agad siyang nakatulog. Naalimpungatan siya ng tumunog ang cellphone niya kaya naman sinagot niya iyun.

Hello.

Ate cecil, kamusta ka andyan ka na ba sa San bartolome?
   
Yah, kanina pa ako nakarating dito totoy. Ani cecilia at marami pa silang pinag-usapan bago natapos niya tinapos ang tawag. Bumangon na siya at nagtungo muna siya sa banyo para mag-refreshen up bago siya lumabas ng kanyang kuwarto. Nakita niya sa sa ang kanyang bayaw at malugod naman siya nitong binati.

Oh cecil gising ka na pala, musta ang tulog ng bunso?

Great ate. Nakangiting tugon niya at umupo sa sofa. Napalingon siya ng marinig niya ang matinis na boses ng kanyang pamangkin na si susane na dalawang taon na rin, bibo kasi kay ganun akala mo matanda na.
Lumapit siya sa ate Susie niya at binuhat niya ang kanyang pamangkin na tuwang-tuwa sa kanya. Si Luis Daniel naman ay nagpaalam sa kanila dahil may gagawin pa ito sa library doon kasi ito gumagawa ng paper works nito kapag di nito natatapos ang trabaho sa opisina.

How are you cecil?

I'm always fine ate Susie, why?

Eh bakit wala ka pa yatang pinapakilalang boy friend mo sa akin?

Ate, oa mo ah? Natatawang tugon ni cecilia.

What's so funny, I'm serious!

You know wala pa akong nakikitang lalaking mas deserving sa aking pagmamahal.

Aba't talagang may ganun ha?! Si Carlos Miguel wala pa ring girl friend you know!

Inirereto mo ba ako sa brother in law mo ate Susie?

Eh kung gusto mo lang naman noh?

Di naman ako gusto nun eh, saka nasa Japan na iyun for sure di na uuwi yun! Ani cecilia at pilit niyang itinatago sa ate niya ang totoong nararamdaman niya.

Malay natin, baka umuwi na yun dito diba?!

Hay naku ate ko, ayoko ng umasa kasi matagal na akong umasa na magustuhan niya ako pero wala eh, useless ang beauty ko sa kanya?

Sinong tinutukoy mo cecil?

Ha, wala ate!

Ah, okay! Let's go kain muna tayo. Yaya na nito at sumunod na siya sa ate niya sa komedor habang buhat niya pa rin si susane. Ibinigay niya na ang pamangkin sa yaya nito ng umupo na ako sa silya at nag-umpisa na kaming kumain ng dumulog na rin ang asawa ng ate niya sa hapag kainan.

              
Hindi ko pa alam kung paano ko ito tatapusin hahahaha joke lang po!!!

Vote and comments po kayo..

  

          

            
           

Sinakop mo ng lahat ang puso koWhere stories live. Discover now