Chapter 2

69 0 1
                                    

Nasa ikatlong taon na sa kolehiyo si Cecilia sa kursong business administration at hanggang ngayon ay lihim pa rin niyang inaasam na mapansin din siya ng kanyang mahal. Si Carlos Miguel ay  presidente na sa isa sa mga businesses ng pamilya Sanvictores at ang ate Susie naman niya ay may sarili ng boutique at may sarili na rin itong condo unit sa makati dahil gusto na nitong maging independent kaya bibihira na lang silang magkitang magkapatid. Araw ng sabado at naisipan ng dalaga na magroller blade, nakita niya si Carlos Miguel na naglilinis ng kotse nito sa garahe atsaka nakabukas ng todo ang malaking gate ng mga ito. nakabakasyon kasi ito, nilapitan niya ang binata at binati.

Hi Carlos Miguel good morning! Nakangiting sabi ng dalaga.

Oh, ikaw pala Cecil! Good morning din sayo. Magiliw na tugon ng binata at nginitian din siya.

Sige, Carlos Miguel! Paalam na ng dalaga, sinundan na lang ng tanaw ng binata ang dalagang papalayo at ipinagpatuloy na ang ginagawa dahil makikipagkita pa siya kay susie dahil ngayon lang uli sila magkikita simula kasi ng magtapat siya dito ay nagbago ang friendship nila, naging aware na ito sa kanya lalo pa ng mag-aral na sila ng kolehiyo, ngayon nga lang na napapayag niyang magkita sila ng kababata kaya naman ganun na lang ang saya niya ng pumayag ito. Excited ang binata habang papunta sa condo ni susie pero ng makarating na siya dun ay lumipat na pala ito ng bagong tirahan, kinokontak niya ang numero ng kababata pero out of coverage ito. Nanlulumo siyang nilisan ang lugar na iyun. Samantala, pinasyalan naman ni Cecilia ang ate susie niya sa bago nitong condominium, mas maganda ito kesa sa dati at maaliwalas. Habang nanonood siya ng TV ay panay rin ang kain niya ng pizza, di niya napansin na pinagmamasdan na pala siya ng kanyang ate.

Napapasarap ang kain ng bunso ah? Natatawang puna nito sa kapatid.

Ate talaga! ako na naman ang napansin. Naiiling na tugon niya at isunubo ang malaki pang pizza, sukat nun nagkatawanan sila.

Kumusta pala sa atin? Tanong pa ni susie at uminom ng juice.

Ayus lang naman ate susie, why do you ask?

Wala lang naman. Ani susie at tumingin sa TV screen.

Ah, syangapala ate madalas kang tanungin sa akin ni Carlos Miguel. Sabi ni Cecilia at di na niya napansin ang kakaibang reaksyon ng kanyang ate at nagpaalam na din ito sa kapatid dahil kailangan niya pang pumasok sa boutique. Naiwan namang mag-isa ang dalaga sa condo. Habang nasa sariling opisina si susie ay naisip niya si Carlos Miguel at siya'y napapangiti dahil di niya akalaing head over hills pa rin itong inlove sa kanya saka naisip din niyang panahon na rin siguro na kalimutan na niya si Luis daniel dahil mukhang nakalimutan na siya nito at ang pangako nitong babalikan siya kapag nakagraduate na ito ng pag-aaral pero hanggang ngayon ay di pa rin ito umuuwi ng pilipinas kaya susubukan niyang mahalin si Carlos Miguel dahil mukhang mas deserving itong mahalin kaysa sa kuya nito. Naisipan niyang yayain ang binata kaya kinontak niya ito pero ring lang ng ring ang phone nito kaya siya na ang pumunta sa opisina nito pero nang makarating siya doon ay ang personal secretary nito ang kanyang nakausap.

Hi, ang sir mo nandyan ba? Tanong ni susie sa babae.

I'm sorry ma'am nasa conference room po si sir ngayon. Tugon nito.

Ah, ganun ba! Okay, sige pakibigay mo na lang itong letter ko sa sir mo. Ani susie.

Okay po ma'am. Tugon nito. Nagpaalam na ang dalaga dito. Mainit na mainit naman ang ulo ni Carlos Miguel ng lumabas ng conference room kasabay nito si oliver, ang kanyang business partner, ng tumapat sila kay Maureen ay ibinigay nito ang sulat at iniabot naman niya iyun sa binata na tinanggap naman ng huli pero di iyun napagtuunan ng pansin ng binata dahil sa inis nito.

Carlos Miguel hindi lang sila ang mga investors na di sumang-ayon sa kagustuhan mo, bakit di mo na lang kasi tanggapin ang gusto nila. Sabi ni oliver.

Oliver ako pa rin ang boss dito at ako lang ang puwedeng magdesisyon kung ano ang makakabuti sa kompanyang ito, naiintindihan mo. Galit na sabi ni Carlos Miguel at umupo sa swivel chair niya at inilapag ang sobre na nawala sa isip niya.

What a pride! Naiiling na sambit ni oliver at umupo sa kabilang silya.

What did you say?

Nothing pare! I gotta go, iaassist ko lang muna ang mga iyun baka mapakiusapan ko pa. Panapos ni oliver dahil ayaw na niyang makipagtalo pa kay Carlos Miguel dahil mapride kasi ang kaibigan niya, ng mawala sa paningin niya si oliver ay nagwala siya at ibinalibag ang lahat ng bagay na nasa kanyang mesa kasama ang sulat ni susie.

Shit, shit. Galit na sigaw ni Carlos Miguel at biglang lumabas ng kanyang opisina dahil parang sinisilaban siya sa loob.

Sir where are you going? Agad na tanong ni Maureen pagkakita sa amo niya.

Cancel all my appointments today, I'm going out. Tugon ng binata at sumakay na ng elevator, napailing na lamang si Maureen at sinilip ang private office ng kanyang guwapong boss, napailing na naman ito ng makita ang opisina nito para na namang dinaanan ng bagyo sa sobrang kalat.

Hay naku! Si sir Carlos Miguel Sanvictores talaga, kung hindi lang kayo guwapo, matagal na akong nagresign!huh!. Ani Maureen habang pinupulot ang mga papeles na nagkalat sa sahig. Humantong ang binata sa isang class na class na bar at doon ay nagpakalasing siya, Samantala, naghahanda na si susie sa dinner date nila ng kababata at di nga niya alam kung ano ang gagawin niya kapag nagkaharap na sila. Wala na rin si Cecilia ng dumating siya sa kanyang condo, nag-iwan na lang ito ng maikling note sa refrigerator, nag-ayos talaga siya ng gabing iyun. Nasa restaurant na siya at hinihintay ang kababata, panay na nga rin ang tingin niya sa kanyang relong pambisig pero magdadalawang oras na siya doon ay ni anino ni Carlos Miguel ay di niya nakita kaya nanlulumo na lang siyang umalis sa lugar na iyun at napaiyak na lang siya habang nagmamaneho pabalik ng sariling condo at doon ay ibinuhos niya ang sama ng loob.

Magkapatid nga kayong dalawa at pareho lang kayo ni Luis Daniel na walang kwenta. Sabi niya at nag-iiiyak siya ng nag-iiyak habang tungga-tungga niya ang isang bote ng alak na binili niya sa nadaanan niyang department store kanina ng pauwi na siya. Si Carlos Miguel naman ay lasing na ng gabing iyun at mabuti ay nakuha pa niyang magmaneho ng kotse pauwi ng kanyang condo at sa malas ay hindi pa niya mabuksan-buksan ang susian ng condo niya dahil sa kalasingan niya pero di rin nagtagal ay nakapasok na rin  siya sa loob at agad na nakatulog, tanghali na ng magising ang binata at pumasok pa rin siya sa opisina at hinarap na niya ang mga papeles na nasa kanyang table at nahagip ng paningin niya ang pink na papel, kanya itong binasa at ganun na lamang ang kanyang panlulumo ng mabasa iyun.

      Carlos Miguel,
              Can we meet at the shangrila hotel tonight, I hope na darating ka! Aasahan ko ang dinner date natin.

                                          It's me,
                                           Susie

Oh my god! Kagabi ito ah? Mau can you go to my office right now! I need to talk to you. Tawag niya sa kanyang personal secretary at agad naman itong pumasok sa private office ng kanyang binatang amo at halata na naman ang pagkaaburido nito.

Sir, bakit po?
       
Who give this letter?

Susie legaspi sir.

Why didn't you tell me?

Sinabi ko sa inyo kahapon sir, kaya lang mainit ulo niyo eh!

You may go now! Pagtataboy na ng binata sa babae nang mag-isa na lang siya ay di niya napigilang mapaluha dahil nakaligtaan niya ang babaeng napakaimportante sa buhay niya, hindi na rin niya makontak ang number ni Susie at hinanap niya ito pero di na ito nagpakita pa sa kanya. Si Susie naman ay pinanindigan niya na talaga na wag ng magpakita pa kay Carlos Miguel dahil binalewala lang nito ang pagkakataong sana ay ibibigay sa kababata, Nang makagraduate na ng business course si Cecilia ay di pa ito nakontento at pumasok siya ng PMA at nagtraining dahil sa isang bagay na gusto niyang makalimutan, ang taong matagal na niyang minamahal na si Carlos Miguel pero hindi ganun kadaling makalimot dahil habang tumatagal na di niya ito nakikita ay lalo lang niya itong namimiss. Nang matapos ang kanyang training ay nag-apply siya sa NBI at agad din naman siyang natanggap.
      
Please vote and comments.

Sinakop mo ng lahat ang puso koحيث تعيش القصص. اكتشف الآن