Chapter 9

43 0 0
                                    

Narating na rin ng dalaga ang mansyon ng mga Escobar at nagtungo siya sa tagong lagusan patungo sa likod ng mansyon, iyun ang sinabi ni totoy sa kanya na pwede niyang daanan para makapasok sa loob.
   
Maasahan ka talaga totoy. Napapangiting bulong niya habang binabagtas ang lagusan patungo sa loob ng mansyon. Sumilip muna siya bago lumabas ng mapagtanto niyang walang kalaban ay umahon na siya at ang una niyang hinanap ay kung saan nila inilagay ang kaibigan niya. May mga kuwarto doon, pinipihit niya pero nakalock ang mga iyun, napangiti siya ng pag pihit niya ng seradura ay bumukas iyun at nakita niya si mabel, kalunus-lunos ang itsura nito bugbog sarado at talagang pinahirapan ng husto. Maluha-luha siya habang lumalapit sa kaibigan n nakatali ang kamay habang nakalambitin. Nagmulat ito ng mata at nagulat ito.

Cecilia, bakit nandito ka?

Mga walanghiya sila, pagbabayaran nila ng mga buhay nila ang ginawa nila sayo, isinusumpa ko! Galit na sabi niya at umiyak na rin ito ng makita siya nito. Hindi na nag- aksaya pa ng panahon ang dalaga at kinalagan na niya ang kaibigan dahil itatakas na niya ito doon pero bago pa niya maitakas ang kaibigan ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Jayson at ang mga alipores nito na de armas.

Magaling, magaling, magaling! Sinasabi ko na nga ba at hindi mo matitiis ang iyong kaibigan.

Hayup ka talaga?!

Ah ganun! Matapang ka pa rin kahit nasukol na kita? Anito at isang malakas na sampal ang ibinigay ni jayson kay cecilia at bumagsak sila ni mabel sa sahig.

Aahhhh,! angal niya dahil sa sampal na natamo niya buhat sa lalaking walang kasing sama.

Pasensya na po guys, konti lang yung update ko medyo busy lang ako eh!

       

Sinakop mo ng lahat ang puso koWhere stories live. Discover now