Nami's POV
Heto na naman. Papasok na naman ako sa KLASE namin. Ang klaseng pinangarap ko noon.
Ang klaseng pinagsikapan kong abutin, ang klaseng bumuhay sa katawang lupa ko, Ang klaseng akala mo'y napakaaktibo ngunit napakatahimik pala. Ang klaseng nagpabago sa akin. Sa AMIN.
"Oh, Nami, long time no see ah." sumalubong kaagad sakin ang isa kong kaklase. Yung mga tingin niya..., nakakaakit talaga.
"Ah, oo nga eh." Nakayuko lang akong dumiretso sa desk ko. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin mahulaan kung ano ba talagang meron sa klase na 'to at napakadilim at napakabigat ng aura na bumabalot dito. Mapapayuko ka nalang bigla sa matatalim na tingin ng bawat isa. Karamihan sa amin ay tahimik lang at dahil doon ka talaga mas kikilabutan sa kanila. Parang may mga alam sila na hindi ko alam. Kakalipat ko lang dito last year nung 2nd year kami eh.
Akala ko pa naman sobrang saya dito dahil nga tinitingala sa katalinuhan, kagandahan, at kagalingan nila sa iba't ibang larangan. Isang malaking pagkakamali. Pero wala eh, kailangan ko tapusin and sekondarya dito sa section na 'to para makuha ako sa magandang unibersidad at kung papalarin ay makapag-aral ng libre.
***
"Good Morning Class." Dumating na yung adviser namin.
"Good morning Sir."
"Siguro naman kilala niyo na ang isa't isa noh? So hindi na kailangan magpakilala pa."
"Yes sir." sabay sabay na sabi namin. Ayan nanaman sila, pag nasa harap ng ibang tao akala mo mga anghel. Sobrang mga aktibo,
"Okay, then we will start the CLASS right now."
At ayun na nga, nagsimula na ang klase, hanggang sa may pumapasok pa na mga teachers, napakasayang tignan ng mga kaklase ko, lahat sila taas ng taas ng kamay upang magrecite, lahat sila nakangiti. Marami pa akong gustong malaman tungkol 30 studyante sa kung ano o sino ba talaga sila.
"Tulala ka nanaman diyan Nami."
"Huh? Ah.. paseensya na." Tapos na pala ang klase at nagllinis nalang ang isa kong classmate dito sa room. Ewan ko ba, palagi nalang siya ang naglilinis dito.
"Mukang ang lalim ng iniisip mo ah. Gusto mo ba ng makakausap?" Hindi ko alam ang dahilan pero biglang gumaan ang loob ko sa kanya. Unang kita ko palang kasi sa kanya gusto ko na syang kaibiganin kaso natatakot ako. At sa tingin ko, siya ang pinakamapagkakatiwalaan sa kanilang lahat.
Si CLARISSE SANTOS, siya ang pinakamaganda sa aming KLASE at hindi maikakailang siya rin ang pinakapalakaibigan at mapang-akit na mukha. Sa kaniyang kinikilos, may gusto lang siyang mapaglabasan ng sikreto at sama ng loob kaya nananahimik lang siya. Para sakanya, gusto na niyang lumipat ng school pero hindi niya magawa.
"Ah.. may gusto lang kasi akong malaman."
"Oh sige. Ano ba yun ?"
"Bakit ganyan ang mga kaklase natin, napakatahimik,nakapoker face at nagtitinginan lang pag wala ang teacher at pag may teacher naman, napakaactive at laging nakangiti. Bakit ganun?"
"Ah. ayun ba yung tanung mo? Sabihin nalang natin na, ayaw nilang makita ng ibang tao kung sino talaga sila, na dapat ang KLASE lang ng 'to ang makakaalam."
"Eh bakit ako, hindi ko naman alam eh."
"Siguro, hindi pa nila naisip na dapat mo na yun malaman. Ibig sabihin LIGTAS ka pa sa ngayon."
Nakakatakot yung pananalita ni Clarisse. Kinilabutan ako dun sa huli niyang sinabi. Siguro dapat hindi ko na yun aalamin.Pero kailangan ko rin naman malaman dahil I'm Part of the CLASS. Gusto ko man silang maging close pero napakailap nila.
"Ah si-sige Clarisse ah. Una na ko sayo , baka hinahanap nako sa bahay eh."
Nagsinungaling ako sa kanya, sa totoo lang wala naman pakialam sakin ung mga tao sa bahay namin eh, WALA SILANG KWENTA.
"Sige Nami, mag-iingat ka. Bye!!" Sabay wave nag kamay niya at winave ko rin yung akin. Yung ngiti niya, nakakaait talaga lalo na ang mala Anghel niyang muka.
Lumabas nako sa gate ng school at dumiretso sa bahay.
Clarisse's POV
Tsk. kawawa naman si Nami, wala siyang kaalam alam sa nangyari. Dapat hindi niya yun malaman. Hindi, Ayoko siyang madamay, lalo na't magaan ang loob ko sa kaniya. Kailangan niyang mag-ingat sa kaniya, sa kanila, pero kahit ako, hindi ko alam kung sino siya, sila.
"Oh Clarisse, sabi na nga ba't nandito ka parin eh. Sabay ka na samin."
"Si-sige. Saan ba kayo galing ?" Ngumisi siya sa sinabi ko
"Sa sementeryo."
____________________________________________
YOU ARE READING
This Class is Hell (On Going)
Teen FictionSa klaseng ito, mararanasan ang tunay na kasinungalingan. Tunay na kababalaghan. At malalaman ang mga tunay na nilang pagkatao.
