"Baks, hindi mo pa nasabi?"gulat na gulat na tanong nito sa kanya.

Tumango naman siya.

"Wait naiihi ako"paalam sa kanya ni Kyla.

"Kuha lang ako ng tubig baks"paalam naman sakanya ni Carla.

Nagtataka naman niyang tiningnan ang mga kaibigan niya na paalis na ng dressing room. May gusto sana siyang itanong sa mga ito pero ang bilis naman kasing umalis ng mga ito.

Naiwan siyang mag-isa sa dressing room, hindi naman siya marunong magmake up kaya wala siyang magawa. Kaya nagcellphone nalang siya.

"Issay"

Nagulat siya sa boses na tumawag sa kanya.

Nang lingunin niya ito nakita niya si Malik buhat buhat nito si Duke at hawak naman niya sa kabilang kamay nito si King.

Laking gulat niya nang makita ang mag-aama niya sa ganoong itsura.

Matagal na niyang pangarap makita ang mga ito na magkakasama.

Pero hindi naman sa ganitong kaaga.

Hindi siya prepared.

"Malik"kinakabahan na tawag niya sa binata.

Seryoso itong nakatingin sa kanya.

Alam na ba niya?

Dahan dahan siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa tatlo.

Nang makalapit siya doon lang niya nakitang umiiyak pala ang bunso niya. kaya naman kinuha niya it okay Malik.

"Baby what's wrong?"nag-aalalang tanong niya sa anak niya.

"He slipped mom, he didn't notice the wet floor while we are walking"ang panganay niya ang sumagot.

"Shh.. Duke baby stop crying. Mommy is here"pagpapatahan niya sa anak niya.

"We'll talk latter Issay"mahinang turan sa kanya ni Malik.

Nang tingnan niya ito mataman lang itong nakatitig sa kanila ng anak niya.

Para siyang natakot sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.

"O-okay"sagot niya dito.

"Hey, buddy see you around"baling naman ni Malik sa panganay niyang anak bago ito umalis sa harapan niya.

Pagkaalis nito siya namang dating nila Kyla na humahangos.

"Girl, galing si Malik dito?"tanong nito.

Parang galing sa pagtakbo ang mga ito, hingal na hingal ang mga ito.

"Oo"mahinang sagot niya sa mga ito.

Bumalik na siya sa pagkakaupo siya sa tapat ng malaking salamin.

Pinapatahan niya ang anak niya.

"Stop crying Duke you are a big man now."saway ni King sa kapatid nito.

Kinuha ni Kyla si Duke sa kanya para masimulan na ni Carla ang pag-aayos sa kanya. Dahil may isang oras nalang magsisimula na ang photoshoots niya.

Kaya kahit umiiyak ang anak niya wala naman siyang nagawa kundi ang ipagpatuloy ang trabaho niya.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Playboy Boss Where stories live. Discover now