Chapter 9 [Smitten]

Magsimula sa umpisa
                                    

Napangiti ako. Nung mga nakaraang araw kasi halos si Kyle na yung nakakasama ko dahil mag-kagroup kami. Syempre, kinikilig ako. Aba, sino bang hindi kikiligin kung laging kasama ang crush niya? haha.

"Hey, Yumi?" Tumingala ako at nakita ko yung director namin. "Ubos na daw yung white, red, blue at green na paints. Eto yung contribution." Tapos may inabot siya sakin pera. "Pakibili okay?" Tapos naglakad na siyang palayo.

Here we go again. -__-

Sabi sa inyo nagseselos siya eh. Member ng fans club ni Kyle? Psh.

"Haay.. Sige, uhh.. alis muna ako." Pagpapaalam ko kay Kyle.

"Samahan kita."

"Pero Prince Kyle may scenes pa tayo na kailangang ipractice." Singit nung director namin. Akala ko umalis na 'to? =.=

"I think I need a break."

"Huh? A-ah.." Sumulyap sakin yung director. "S-sige Prince Kyle."


"Tara.." At lumabas kami ng kwartong yun habang nakatingin samin lahat ng kagroup namin.

 Bumaba kami sa may parking lot at huminto sa tapat ng isang kotse. Pinagbukas ako ni Kyle na pintuan. Sige naaa. Siya na gentleman. :">

Si Kyle ang nagdrive papuntang mall. Grabeee. Ang cool talaga nung pagsagot niya kanina sa director namin. Sobrang kalmado niya. Kung si Kurt sigruro yun, naku nagwala na yun.

"Nandito na tayo."

Nagpark na si Kyle tapos bumaba na kami. 

"Woah. Ba't ang daming tao?"

"Mall show." sagot ni Kyle sabay turo dun sa isa sa mga poster na nakadikit sa paligid ng mall. May mall show yung isang sikat na banda kaya ang dami dami tuloy tao.

Pumasok na kami sa mall pero sobra talagang daming tao at siksikan at tulukan pa.

"Kyle?" WAHH. Nawawala si Kyle! Asan na yun. Huhu. Ang dami daming tao.

"AHH!" M-ma-may a-ano.. M-may humahawak sa legs ko! Lumingon ako at nakitang may lalaking mukhang manyakis na nakangiting aso sakin.

"Manyakis ka!"  Pero dahil sobrang siksikan nga yung mga tao, kahit itulak ko siya hindi pa rin siya napapalayo. "L-layuan m-mo ko!" 

"Ahihihi. Pwede ba wag ka nang pakipot, miss.. Hindi naman nila tayo napapansin eh."

Sasampalin ko na sana yung lalaki kaso may biglang umakbay sakin."Nandito ka lang pala." 

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon