Chapter 11 "Regret"

52 1 2
                                    

Chapter 11 "Regret"

Daryll's POV

Hindi ko maipaliwanag pero ang saya saya ko, habang naglalakad kami nang magkahawak pa, kahit walang nagsasalita, namdam ko ang ligaya sa pagitan naming dalawa. Ramadam ko rin ang pagkasabik sa kanya.

Nung medyo malapit na sa bahay nila, nagpaalam na ako, "Dea, dito na ko ah.." lumiko ako sa eskinita at tinahak pa ang mas mahabang pasikot sikot para makuwi. Kung short cut kasi, dadaan at dadaan ako sa bahay nila, at ayokong makita ako ng mama niya.

Bakit? Kasi baka pag hiwalayin niya kami, dahil nga doon sa nangyari sa lolo ni Dea.

Pag uwi ko at hanggang sa bago makatulog, siya parin ang laman ng isip ko. Kaya di ko na napighilan, nag text ako sa kanya:

"Hi Dea :) si Daryll to.. Sweet dreams good night :*"

Halos buong gabi akong hindi nakatulog sa kakahintay kung mag rereply siya. At hanggang sa alas dose na at wala parin, nakatulog na ako.

Pagising ko, hawak hawak ko ang cellphone pero wala parin siyang reply.

Bakit naman kaya?

Baka naman wala lang load. ^___^!     Ikaw naman Daryll oh, kung ano anong pinagiisipisip mo...

Pero bakit parang may kung anong pakiramdam ang bumalot sa katawan ko, lalo na sa isip ko. Hindi ko nalang pinansin. Baka sabik lang ako masyado kaya Dea :)

Nag bihis na ako at nag handa para pumasok.. wala akong kasama sa bahay, tanging ko lang. Sila mama at papa laging busy sa opisina, wala din kaming yaya dahil... wala lang. Ayaw namin eh. ano pang saysay ng kapangyarihan at karangyaan mo kung sarili mong bahay kakailanganan mo ng katulong? Diba? See the logic??

Pag dating ko sa school nakita ko agad si Dea, napapalibutan siya ng maiingay na SMG (*anu bayan! ang panget ng pangalan ng grupo nila -__-#"*)

Pero napansin kong parang ang seryoso ni Dea at para bang may malalim na iniisip. Lalapitan ko na sana siya pero bago ko magawa yun, napatingin na siya sa direction ko. Nginitian ko lang siya habang nag lalakad palapit, pero..

Bigla siyang tumayo at akmang lalabas ng classroom. Nakangiti parin ako sa kanya pero di niya ako pinapansin. Derederetso lang siya sa pag labas.

Gusto ko sana siyang sundan para itanung kung may problema siya pero baka mas lalo siyang mailang saakin kaya pinili ko nalang umupo sa upuan ko at nag isip.

Kung ano anung iDea ang pumasok sa isip ko.

Natakot ba siya sa sinabi ko kahapon? Na napatay ko ung kaibigan ko? Actually di ko naman sinasadyang yun ang word na gamitin ko, yun lang talaga ung term na pumpasok sa isip ko tuwing naalala ko kung bakit kami nawalay sa isa't isa. Pero ang totoo wala talaga ako napatay. Good boy ako nohh> :)

Maya maya.. lumapit saakin si Kirby at sinabing, "C'mon bro, don't kill your self with curiousity, Kausapin mo siya kung may problema man. Alam kong nahihirapan ka ng maghula dyan eh. Dudugo na yang labing kagat mo sa sa sobrang lalim mo magisip. "

Nagets ko naman agad ung point ni Kirby. "Tara sundan natin?" dagadag pa niya. Nag nod lang ako at tumayo na.. akmang lalabas na kami ng room ng may mga random noises kaming narinig mula sa labas.

"DAAAAAAAARYYYYYYYYYLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLL!!!!" sigaw ni jessie. "*pant pant*" lumapit sa kanya si Eros at hinimas ung likod niya. "Daryll, si Andi..." pag papatuloy niya.

If we ever meet again...Where stories live. Discover now