Chapter 9. "True or False?"

43 1 2
                                    

chapter 9. "True or False?"

Author:   The picture of Nathan Kress at the right :) He's King!

Andy’s POV

Sabi ni  Daryll ihahatid niya nalang daw ako. Pumayag na din ako dahil gusto ko rin ung presence niya sa paligid.

Habang nag lalakad pauwi..

"Dea, thank you ah"

"Para saan?"

"Sa buong araw.  Dahil sayo nagkaroon ako ng kaibigan."

"Dahil lang ba doon? Sus! Wala yun. Ayoko naman kasi na ako may mag kaibigan tapos ikaw wala diba?"

"Ikaw, kaibigan naman kita ah."

"I mean ung kaibigan na pag wala ako, nandyan. At isa pa the more the merrier. Masaya pag maraming kaibigan"

"Pero mahirap mawalan," (napatingin ako sa kanya) "ung mawalan ka nag kahit isang kaibigan." pagtuloy niya.

"Oo nga eh. Pakiramdam mo may kulang na sayo."

"Kaya ikaw wag kang mag sasawa saakin ah. Alam kong boring ako kasama, pero wag kang magsasawang maging kaibigan ko."   ano bang sinasabi niya? O__o

"Ang ibig kong sabihin. Ikaw lang ang pinaka tinuturing kong kaibigan, kaya ayoko na mag babago tayo. At sana hindi ka maiilang saakin"

"Daryll, una sa lahat, hindi ka boring kasama, pangalawa, hindi ka nakakasawa, third, madali ka pakisamahan, tignan mo, sandali mo pa lang nakikilala sila Kirby, pero close na kayo agad.  Kung alam lang ng mga tao na ganyan ka, for sure marami ka nang kaibigan."

Napangiti siya “Salamat ulit ah”.

Napapadpad kami sa playground...

"Uhmm Daryll, bakit wala kang gaanung kaibigan?"

Natahimik siya sandali at umupo sa may bench sa ilalim ng puno kung saan ako umupo nung isang araw.

"Dati kasi may kaibigan ako,"

"Asan na siya?"

"Wala na.. "

"Bakit? Anung ngayari sa kanya?"

"Napatay ko siya."   O___________O?

Napaatras ako ng konti, natakot ako sa sinabi niya.Aat sobrang seryoso ng mukha niya.  "Pero maniwala ka hindi ko ginusto yun.  Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari, di na sana ako lumapit pa sa kanya."

Hindi na ko makapag salita, hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

Nakapatay? siya?

imposible...

"Araw araw umaasa ako na kahit hindi mangyayari, babalik siya." Nakita ko ang mga nangingilad na luha sa mag mata niya. Naawa ako sakanya. “Kaya ayoko na makipagkaibigan, natakot akong baka makasakit ulit ako”

Hindi,

Hindi ako dapat matakot sakanya.

Lumapit ulit ako sakanya.

"Ramdam kong nagsasabi ka ng totoo Daryll. Naniniwala ako sayo, at alam ko na hindi mo sinasadya ung nangyari."

He looked at me staight to my eyes, nakikita ko sa mga mata niya ung sadness.. sadness siguro dahil sa kaibigan niya. Pero...nung ngumiti siya sakin, napalitan ng happiness ung sadness sa mata niya. Nakikita ko rin sa ngiti niya, ung ngiti na, masaya, masayang masaya.

Ngumiti na rin ako sakanya.

"Alam kong hindi mo sinasadya ung nangyari, wag kang mag alala, magkikita ulit kayo."

"Alam ko...... alam ko" tapos naglakad ulit kami..

Habang nag lalakad, wala ni isa samin ang nag sasalita.

Pero naramdanan ko nalang ung kamay niya na humawak sa kamay ko.

Napatingin ako sa kamay namin na mag kaholding hands. At napangiti ako.. malaking ngiti..

Nakaramdam ako ng kaligayan na never ko pang naramdaman.

Ganun lang kami habang naglalakad pauwi saamin.

Nung medyo malapit na kami...

"Dea, dito na ko ah.." tapos lumiko siya sa isang eskinita, pinanood ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Gusto ko pa sanang sumama at habulin siya dahil gusto kong makita ang bahay nila pero naisip ko rin si mama, baka hinahanap niya na ako.

Pag uwi ko, Kinamusta ako ni mama.

Habang nag didinner, kinuwento ko kay mama ang tungkol sa mga naging kaibigan ko at pati na rin ang tungkol kay Daryll.

Nung narinig ni mama ang pangalan ni Daryll biglang nag bago ang expression ng mukha niya. parang.. galit?

"Anak, sinong Daryll? Anong apilido niya."

"Darwin Gabriel D. Lavarez po ang buong niyang pangalan. Bakit mama?"

Doon na tuluyang nag bago ang expression ng mukha niya. And this time sure ako galit siya. Minsan ko lang makitang galit si mama usually kapag may kausap siya sa phone about bussiness at kapag may nawawalang documents about bussiness. Ang hindi ko maintindihan bakit siya galit ngayon.?

Ilang segundo ding tahimik si mama, hanggang sa nag salita siya muli.

"Anak layuan mo siya."

"Po? Ma, ano bang problema?" naguguluhan na ako.

"Mamamatay tao sila ng pamilya niya Andrea! Hindi ka dapat nakikipag kaibigan sa kanila!" nakita kong nanglisik ang mga mata ni mama at parang tutulo ang luha niya.

Naalala ko ung sinabi ni daryll kanina,

"Napatay ko siya."    hindi ako makapaniwala.. mabait si Daryll at hindi siya mamamatay tao.

"Ma, hindi ko kayo maintindihan?"

"Pinatay nang mga magulang niya ang lolo mo Andrea. Dahil sa pera," doon na tuluyang nahulog ang luha ni mama "Anak gusto nilang pabagsakin ang negosyo natin dahil kalaban nila tayo."  wala akong na aalala sa tungkol sa pagkawala ni Lolo dahil ang sabi ni mama sobrang bata pa lamang ako ng mamatay si Lolo

Nag sikip ang dibdib ko sa sinabi ni mama. Ayokong maniwala sa kanya pero ramdam kong totoo ang mga sinasabi niya.

"Sinadya nilang sagasaan ang lolo mo para bumagasak ang negosyo natin. mamamatay tao sila" she said between her sobs.. naawa ako kay mama...

Naiyak na din ako sa mga narinig ko, naawa ako kay mama dahil ayoko rin mawalan ng papa.  

Noong gabi na, bago ako matulog chinieck ko ang phone ko.

Mayroon ako 1txt mesg.

from:09*********

"Hi Dea :) si Daryll to.. Sweet dreams good night :*"

Rereplyan ko sana siya kaso... bigla kong naalala ang sinabi ni mama,

 Kaylangan ko siyang layuan..para rin yun sa proteksyon ko.,.

Pilit kong kinontra ang mga naring ko mula kay mama. pero si Daryll na rin mismo nag sabi na nakapatay siya.. parang sa isang iglap lahat ng kaligayahan ko nawala.

At parang napalitan ng....

Galit? Tama ba ang nararamdaman ko?

If we ever meet again...Where stories live. Discover now