Hinawakan niya yung microphone. "Ladies and gentlemen. I welcome you to the humble gathering of my beloved brother and to his beautiful wife."

Humble. Kay Hunter lang ata nauuso ang humble daw na salusalong ito.

"My special thanks to those of you who made this evening possible."

Inangat ng mga bisita ang kanilang hawak na kopita bilang tanda ng kanilang pagsang-ayon at pagsaludo sa anumang sinasabi ni Hunter.

A bottle of champagne suddenly popped open and the party was away but for us it's just beginning.

Dumausdos ang kamay niya sa aking kamay. Hinawakan niya iyon ng mahigpit at tinungo namin ang center stage. Nalilito man, nagpatianod na lamang ako sa kanyang kagustuhan. In this crowd of people with our fingers locked like a life ruft, there was like only me and him.

Nang makarating na kami sa center stage nakatingin sa amin ang bagong kasal at base sa kanilang pagkakangisi mukhang may nalalaman sila sa kung ano man ang nagaganap ngayon. Nang tingnan ko rin sina Xander, same expression din sila gaya ng kila Lennox which mean na maging sila ay may nalalaman din. Kung gayon doon ko narealize na ako lang ata ang mangmang at walang kaide-ideya sa nangyayari.

Iginiya ni Hunter ang paningin sa crowd. "I have a final announcement to tell..."

Sinalubong ko ang paningin niya ng sulyapan niya ako.

Hinalikan niya ang pisngi ko. "Thanks for being supportive."

Napa-atras ako dahil sa kabiglaan. Para talaga siyang ahas na bigla na lang nanunuklaw. Narinig ko pa ang tawanan ng mga tao sa harapan namin.

Mukhang may utang na eksplenasyong kailangang bayaran si Hunter sa akin. Tiningnan ko lang siya subalit bago pa ako makapagsalita pumitik si Hunter at nagsimula ng kumanta si Chrome. Umere ang malamig at masamyong awitin nito. Saka muling bumaling sa mga tao sa harapan.

"I'm sorry for the interruption. Alam kong mali ang nakawin ko ang napaka-importanteng araw na ito ng aking kapatid kaya naman hinihingi ko ang pagkakataong ito kay Lennox upang ilahad ang aking pinal na anunsyo kung okay lang ba na gamitin ko ang gabing ito?"

Nakangiting sumigaw si Lennox. "Go for it, brother!"

Nagsipalakpakan naman naman sina Xander.

"Nandito ako ngayon with a person who's dear to my heart. A person who's new to my life. Ang babaeng bumago sa akin. Ang babaeng bumaluktot sa aking mga prinsipyo. The girl who caused me to see things through a different perspective."

Iyong tipong tila ba bumagal ang takbo ng oras ng magsalita siya. Habang ang kaba ay patuloy na kumakalat sa aking katawan, isang ideya ang luminaw sa aking sistema. Ngayon ko nauunawaan ang nangyayari. Am I too slow to notice it all along?

Naiilang akong napangiti ng magsipalakpakan at maghiyawan ang mga bisita roon. I keep my eyes on Hunter the entire time. Alam ko na ang nangyayari ngayon and this time lalo akong kinakabahan.

Humakbang pa siya palapit sa akin. Nahinto tuloy ang mga bagay na gumugulo sa aking utak. I stared anxiously to those dark kitty eyes of him. Ang mga matang tila hinihipnotismo ang aking mga mata upang manatiling nakatitig lamang roon.

Inalis ni Hunter ang kwintas niya saka dumapo ang daliri sa aking leeg upang iangat ang kwintas ko.

"Anong ginagawa mo?", Kinakabahang tanong ko.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now