Chapter 4

12.7K 218 13
                                    

BAKIT ba kasi hindi niya nakayang pigilan ang sarili niya? Sa isang buong araw, iba't ibang emosyon ang naramdaman niya; libog, tuwa, galit at lungkot.


Una, libog, kasi hindi niya talaga maipaliwanag kung bakit sa tuwing makikita niya si Kate ay nag-iinit na kaagad siya at nakaka-gago lang 'di ba? All in all, libog niya talaga ang may kasalanan kung bakit nagawa niya iyon kay Kate. Siguradong galit na galit ito sa kanya.

Pangalawa, tuwa, kasi nakadate niya si Kate and he enjoyed it so much. Ang saya nitong kausap pero mukhang hindi na iyon mauulit at dahil iyon sa kagaguhang ginawa niya.

Pangatlo, galit, kasi galit na galit siya sa sarili niya, putangina! Sinong lalaki ang hindi magagalit sa sarili kung muntik na nitong marape ang babaeng unti-unti ng lumalalim ang nararamdaman nito dahil sa libog na iyon?

At panghuli, sobrang nalulungkot siya sa ideya na baka hindi na siya pansinin ni Kate dahil sa nagawa niya. Kung kailan nararamdaman na niyang unti-unti ng nabubuo ang pagmamahal niya kay Kate na hinahadlangan ng tadhana dati ay tsaka pa mangyayari ang mga ganitong bagay. How unfair can destiny be? Bakit sa bawat romance o love story ay laging may ganitong pangyayari? Akala niya dati ay sa palabas lang nangyayari ang mga ganitong eksena pero pati rin pala sa totoong buhay ay posibleng mangyari ito.

Kailangan niyang humingi ng tawad kay Kate dahil sa mga kagaguhang nagawa niya pero natatakot siya na baka hindi siya nito pansinin. Natatakot siya na baka iwasan na siya na nito dahil sa takot nito na baka ulitin niya ang ginawa niya rito. Lalaki siya at nasa lahi nila ang problema sa biglaang pagtaas ng libog sa katawan. Paano ba siya hihingi ng tawad?

"Anong gusto mong kainin, babe?" Tanong niya kay Kate nang makapasok na sila sa loob ng McDo. Saglit itong napatigil na tila ba nag-iisip ng gusto nitong kainin.

"Ikaw, I mean, ikaw na bahala." Bigla itong namula sa sariling sinabi nito at pati siya ay namula rin, tangina! Sh*t! Junjun, kalma lang, naiipit ka na at masakit sa pakiramdam.

"S-sige, o-order n-na a-ko." Nauutal niyang sabi pero hindi rin siya nakaalis, bagkus ay tumitig lamang siya kay Kate. Ano bang klaseng mahika ang ginamit ni Kate sa kanya kanina at lagi na lang siyang nagkakaganito simula nang halikan niya ito dahil sa dare?

"Zyonaell! Bumili ka na, nagugutom na ako." She said with a sad face and damn, ang cute nito tignan. He wants to do her right here and right now pero hindi pwede, he respects her kaya titiisin niya ang nararamdaman niyang pagnanasa kay Kate. Kalma ka lang kalibugan, 'wag muna ngayon.

"Ako na nga lang bibili!" Nakasimangot nitong sabi na tuluyang nagpabalik sa kanya sa katinuan at umiwas sa pagtitig kay Kate.

"Umupo ka lang d'yan, sorry. Ako na ang bibili." He smiled at her and immediately fell in line para maka-order na, gutom na rin kasi siya. Twenty minutes already passed before he received his order for the two of them.

ImpulsiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon