Chapter 27

26.1K 671 34
                                    

THE FINALE CHAPTER
(Warning:RATED SPG)
.
.
.
LUMIPAS ang mga taon na nanatiling matatag ang pagsasama nila Brent at Hanah. Hindi man perfect ang marriage life nila pero ang pagmamahalan nila ay walang kupas. Nabiyayaan din sila ng dalawang supling. Ng makita noon ni Brent kung paano nahirapan si Hanah sa panganganak sa kambal nila ay nagpasya siyang hindi na bubuntisin muli ang asawa. Tama na ang dalawa dahil ayaw niyang mahirapan muling manganak si Hanah.

"Oy! Ano yan?" Boses na muntik ng ikalaglag ni Belle sa kinauupoan niya. "Clyde, give it back my phone." Pasigaw nitong aniya kay Clyde.

"Ahah! Lumalablife tayo sister." Tudyo ni Clyde sa kapatid. "Ugh! Bweset ka talaga. Give it back my phone." Sabay abot nito ng phone. At dahil matangkad si Clyde kay Belle ay hindi niya ito maabot.

"Dadddyyyyyy." Tili ni Belle ng muntik itong mahulog sa couch. Ngunit maagap naman si Clyde at nahawakan niya agad ito.

"Ano naman ang pinagtatalunan niyo?" Tanong ni Brent sa mga anak niya ng nagbabangayan na naman. Walang araw na hindi nagbabangayan ang mga ito. Daig pa nila ang aso't pusa. Pilyo kasi si Clyde at lagi nitong inaasar si Arabelle.

"Daddy meron na pong boyfriend ang unica hija niyo." Sumbong ni Clyde kay Brent. Bigla naman nanlaki ang mata ng ginoo.

"Sino ang boyfriend mo Princess. I need to know about him?" Tila ma-autoridad na tanong ni Brent sa anak niyang babae.

Naiiling namang lumapit si Hanah sa kanyang mag-ama. Mula ng magkaisip ang mga anak nila ay mas lalong naging over protective si Brent sa mga ito. Lalo na sa prensisa nila.

"Mommy, si Daddy oh! Tatakutin na naman nila ni Clyde kapag nalaman nila kung sino ang manliligaw ko. Gaya nung isa kung manliligaw e ayon inaway niya ako. Kasi tinakot ni Clyde." Nakanguso nitong sumbong kay Hanah.

"At naglasing ka sa ACH." Nakangising ani Clyde. "I hate you." Sagot naman dito ni Belle.

"Oh! Tama na yang bangayan niyo. Lunch is ready." Ang naiiling na ani Hanah sa mga ito. Halos mag-unahan naman si Clyde at Belle sa pagtungo sa hapag kainan.

"Saan ba nagmana ang dalawang iyan?" Tanong ni Hanah kay Brent. "I don't know honey, pareho tayong walang kapatid." Sagot naman ni Brent sa asawa sabay akay niya dito para dundan ang mga anak nila.

"That's mine." Nakasimangot na ani Belle kay Clyde at mas lalong nanlaki ang mata nito ng isahing subo lang ni Clyde ang pagkaing nasa plato ni Belle ng kunin niya ito. "You eat it." Sigaw nito kay Clyde.

"Kayong dalawa, tumigil nga kayo. Hindi na kayo bata para umastang bata. At bakit niyo pinagtatalunan yang pagkain e meron naman. Sumasakit ang ulo ko sa inyong magkapatid." Sita ni Hanah sa dalawa.

"Son, tigilan mo ang kapatid mo. Wag niyo pasakitin ang ulo ng mommy niyo. Makinig kayo sa kanya. Kung alam niyo lang ang hirap ng mommy niyo mula ng ipagbuntis niya kayo hanggat maisilang niya kayo. Ang pagiging ina ay hindi madali dahil mahirap. Kaya wag kayong mag-away magkapatid, tigilan niyo yan. Hindi niyo alam na maswerte kayo at naging dalawa kayo. Tingnan niyo kami ng mommy niyo. Walang matatawag na kapatid. Mabuti na lang at mayroon mga kaibigang mabubuti ang kalooban." Pangaral ni Brent sa mga anak nila.

"I'm sorry, Mom." Panabay ni Clyde at Belle. "Your forgeven and your dad is right. Dapat ay hindi kayo nag-aaway kundi dapat ay magkasundo kayo sa mga bagay-bagay. Magkapatid kayo kaya dapat ay nagtutulongan kayong dalawa." Ani Hanah sa kambal. Agad naman tumalima ang dalawa sa tinuran ng mag-asawang Brent at Hanah.

Matapus nilang mananghalian ay tila nagkasundo na nga ang kambal nila. Hindi na kasi nagsisigawan ang dalawa at hindi na inaasar ni Clyde si Belle.

I'm Waiting For Your Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon