Chapter 2

25.1K 601 15
                                    

HALOS mangiyak-iyak na si Hanah sa kahahanap ng bracelet niya kung saan niya yun naiwala. Pero hindi talaga niya alam kung saan siya magsisimulang maghanap.

"Hey! Anong nangyari sa'yo?"

Biglang napaigtad si Hanah ng kalabitin siya ng kaibigan niya.

"Uhm! Yung bracelet ko kasing regalo pa ni Mommy sa'kin from Russia ay naiwala ko. Hindi ko alam kong saan ko naiwala kaya hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap." Ani Hanah sa kaibigan.

"Duh! Girl, wag mo nang asahang maibalik pa yun sa'yo, kung may nakakita na nun. Naku! Baka ibininta na yun. Ipagdasal muna lang na mabait ang nakapulot at ibalik niya sa'yo." Saad ng kaibigan ni Hanah.

"Tara na nga at baka malate tayo sa klase natin." Anang kaibigan niya sabay hila nito ng kamay ni Hanah. Kaya wala itong nagawa kundi ang magpatianod na lang.

NAKADAPANG natutulog si Brent ng biglang kumalabog ang pinto ng kanyang silid. Kaya papungas-pungas itong bumungon habang ang suot lang niya ay tanging boxer short. Agad nitong tinungo ang pinto at pinagbuksan ang tao sa labas. Halos mapanganga ito ng walang pasintabing pumasok sa kwarto niya ang mga kaibigan niya.

"What the hell are you doing here?" Anito ng mahimasmasan. Nakangisi naman itong binalingan ng mga kaibigan niya. "Where going somewhere?" Sagot ni Marco.

"Tst! Ayaw ko, bahala kayong pumunta sa somewhere na yan." Sagot nito na agad bumalik sa kama at nahiga. Kaya agad itong binato ni Sean ng unan.

"Gago, tumayo kana dyan. Pupunta tayo sa birthday ni Andrew. Maraming chicks dun." Saad ni Sean. Ngunit tiningnan lang ito ni Brent.

"Ang arte mo Arevalo, may dalaw ka ba?" Nakangising tanong ni Rainier.

"Gago, ano tingin mo sa'kin babae. Ngayon nga lang matutulog ang tao dahil sa kagaguhan ni Javier e." Anito kay Rainier sabay pukol niya ng tingin kay Sean na nakangisi lang.

Samantalang naiiling naman sina Aljhon at Edward na nakikinig sa mga ito. "Gago, tumayo kana dyan dahil baka mainip ang mga babae mo doon." Maya ay sabat ni Aljhon sa mga ito.

"Hayaan niyo at sa'kin na ang mga yun." Aniya naman ni Marco sabay kindat sa mga ito.

"Fvck! Mga gago talaga kayo. Lumabas nga kayo ng kwarto ko." Pagtataboy niya sa mga ito sabay tayo mula sa kama.

Bigla naman nagtawanan ang mga kaibigan niya bago siya iniwan ng mga ito. Kaya agad siyang pumasok ng banyo para maligo. Makalipas ang ilang minuto ay dali-dali siyang lumabas ng banyo matapus niyang maligo at agad na nagbihis. Matapus masiguro ni Brent na ayus na ang porma niya ay saka ito lumabas ng kanyang kwarto at hinanap ang mga kaibigan niya. Inabutan niya ang mga kaibigan na kinakausap ng mga ito ang ibon nila sa labas ng mansyon nila.

"Hey! Sino ang gwapo sa'min?" Ang natatawang tanong ni Sean sa ibon.

"Hindi kayo gwapo, hindi kayo gwapo. Mga babaero kayo." Anang ibon na kinakamot nila ng ulo.

"Hey. Pano mo nasabing babaero kami e hindi mo naman nakita?" Curious na tanong ni Rainier. "Dahil alam ko. Dahil alam ko." Anang ibon.

"Mga gago, tara na. Wag niyo kausapin yan at mababaliw lang kayo." Ani Brent sa mga ito.

"Mga gago, lumayas na kayo. Mambababae na naman kayo." Sigaw ng ibon sa kanila.

"Manahimik kang ibon ka kung ayaw mong itapon kita." Pagbabanta ni Brent sa ibon. "Behave na po ako, boss." Sagot pa ng ibon kay Brent.

Tawanan ang mga kaibigan ni Brent habang paalis sila. Kanya-kanya sila ng sakay ng mga kotse nilang pinaharurut patungo sa tahanan ng mga Martinez. At dahil hindi rin naman kalayuan ito ay kaya agad din silang nakarating. Pagdating nila ay nandoon na ang lahat ng QUADRO-X at mukhang sila na lang ang hinihintay ng mga ito.

I'm Waiting For Your Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon