Chapter 22

18.5K 512 23
                                    

Warning: Rated SPG

NANG maghiwa-hiwalay ang magkakaibigan ay agad bumalik si Brent sa bahay nila Aljhon. At dahil nandoon din ang asawa ni Marco, Rainier at Sean ay sabay-sabay silang bumalik doon.

"Daddy." Sigaw ng kambal nila Aljhon ng makita siya ng mga ito. "Daddy, tabi ni tita ninang hindi na tiya aalis ulit para hindi magmukhang Gorilla si tito ninong." Sumbong ni Axel kay Aljhon na kinangisi ng mga ito.

"Thats good, para magmukhang tao na si tito ninong niyo." Ani Aljhon na kinailing ni Brent.

"Luko ka talaga bro, kung ano-ano ang itinuturo mo dito sa mga anak mo." Ani Brent sabay buhat niya kay Alex at ginulo ang buhok nito.

"Daddy, tabi ni tita ninang gusto niya ng saging. Tapos hindi tiya ibinili ni manang kati nakalimutan niya daw. Tapos tabi ni tita ninang Hilda wag na daw tiya magpabili ng saging kati meron naman saging si tito ninong." Kwento ni Axel na kinahagalpak ni Sean at Rainier ng tawa.

"Axel bad yun. Diba bawal makinig sa usapan ng matanda sabi ni Mommy." Sita naman ni Alex kay Axel na biglang nagtakip ng bibig.

"That's my boy." Napangiting ani Brent kay Alex.

"Oh! Hali na kayo at handa na ang mesa." Boses ni Weng. Kaya agad silang dumulog sa hapag kainan. Dahil sa naging busy sila ay nakalimutan nilang hapon na pala at oras na ng dinner.

MATAPOS magdinner nila Brent sa bahay nila Aljhon ay agad din silang nagpaalam ni Hanah sa mga ito para umuwi. Hindi rin naman nagtagal ang byahe nila ay maayos nilang narating ang bahay ng magulang ni Brent.

"Honey, bakit marami ata ang bantay dito sa labas ng gate?" Takang tanong ni Hanah sa nobyo.

"Pinadala iyan dito ng daddy ni Andrew for safety. Nakatakas kasi ang utak sa pagpatay ng parents mo at ang nagtakang ipakidnap ka." Paliwanag nito. "I see." Anito sabay pulupot niya ng isang kamay sa baywang ni Brent.

"Hi Mom. Dad. Good evening po." Bati ni Hanah sa magulang ni Brent na inabutan nila sa malaking sala.

"Good evening too, iha." Ganti ng ina ni Brent. "Kumain na ba kayo? Kung hindi pa ay sabihin niyo lang kay manang ng maipaghanda niya kayo ng dinner. Kumain na kasi kami ng dad niyo sa labas." Anang ginang.

"Kumain na kami, Mom, sa bahay nila Vergara." Sagot naman ni Brent.

"Kumusta ang lakad niyo kanina iho?" Pag-iiba ng ama ni Brent ng usapan. Napabuntong hininga naman si Brent bago nito sinagot ang tanong ng kanyang ama. "Ayun. Nahuli na po iyong hepe na nagtakip ng kaso, Dad. Pero iyong utak ng pagkamatay nila tito at tita ay nakatakas sa kapulisan. Natunugan siguro kaya nakatakas." Anito sa ama.

"Darating din ang araw na mahuli iyon iho. Kahit gaano pa kaigi ang pagtatago niya ay magkakamali parin iyon para lumantad." Anang kanyang ama.

"I know Dad. Ang buong clan ay kumikilos rin sa paghahanap sa kanya. At sinisiguro naming mabubulok siya sa kulungan." Anitong seryoso ang mukha.

"Sige Dad, Mom mauna na po kami sa taas. I feel tired today." Ani Brent sabay tayo at inilahad ang kamay kay Hanah. "Go ahead iho. Aakyat na rin kami ng daddy niyo." Sagot ng kanyang ina.

"Good night Mom. Dad." Ani Hanah sa mag-asawa bago siya nagpatianod kay Brent paakyat sa kwarto nila ng nobyo.

Nang marating nila ang kwarto ni Brent ay agad iyon inilock ni Brent ang pinto na kinataas ng kilay ng nobya. Nahuhulaan na kasi niya ang iniisip nito.

"Akala ko ba e pagud ka?" Taas kilay niyang tanong kay Brent na ngumiti lang ng pilyo. "Ibang usapan na iyon honey. At isa pa ay maghapon kitang hindi naikikiss." Pilyo nitong aniya sabay kabig niya ng baywang ni Hanah.

I'm Waiting For Your Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon