Choice 04: Sister code

15 2 0
                                    

I knew it. Alam ko na mangyayari itong araw na ito, ang araw na pinaka kinakatakutan ko, ang araw na malaman nila ang totoo.

Namilog ang kanilang nga matang nakatingin sakin na para bang hinihintay nila ang aking sasabihin. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa table namin. Wala ni isa ang gustong magsalita---

"S-shay.... I-is it true" toink meron pala, si Kath ang nag lakas ng loob na magsalita

I smiled at them and nodded, "excuse me lang, may nakalimutan yata ako sa locker ko..." pagpapaalam ko, woah! What an excuse! panis leche kahit kailan talaga ang tanga tanga ko sa pagpapalusot.

Tinatawag ako ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila nilingunan. Hindi ko sila kayang harapin ngayon, masyado pang magulo yung isip ko, feeling ko anytime sasabog na yung puso at utak ko. Ano ba itong nangyayari sakin? Ang pangit naman ng salubong ng pasukan sakin.

I was about to cry at pilit ko lang itong pinipigilan, nakayuko ako habang naglalakad nang may biglang humarang sa dinadaanan ko dahilan ng pag tama ng ulo ko sa dibdib niya, he's obviously a boy and when I looked at him... Damn! It's Tyler. May lahi ba siyang kabayo? Ang bilis ah, hindi ko namamalayan nasa harapan ko na pala siya.

"Let's talk" seryoso niyang pagkakasabi

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad, ako naman itong huminto sa paglalakad, anong akala niya susundan ko siya? tsk manigas siya! Saglit lang ay nilingunan niya ko at napahinto, napansin niya sigurong hindi ko siya sinusundan, leche nakakapangilabot talaga yung tingin niya.

"Susunod ka ba o susunod" seryoso pa rin yung mukha niya

Naglakad siya ulit pero pabalik na kung saan ako nakatayo. Huminto siyang muli sa harapan ko, "Baka naman gusto mo dito tayo mag usap?" tumingin siya sa paligid namin, "tingnan mo oh, nakatingin sila satin at mukha ring pinapakinggan tayo... Gusto mo bang marinig nila yung pag uusapan natin?" napatingin ako sa tinutukoy niya at shit! Nakatingin nga sila sa amin, wahh! Nakalimutan ko famous nga pala sila dito bwiset naman!

Bumalik sa kaniya ang tingin ko at pinagtaasan ito ng kilay, "Sino bang nagsabi na makikipag usap ako sayo? Kung gusto mo ng kausap... Kausapin mo yang sarili mo!" sabi ko sabay irap

Paalis na ko ng bigla niyang higitan ang kamay ko, "Makikipag usap ka sakin sa ayaw at sa gusto mo"

"Ano ba bitiwan mo nga ako!" nagpupumiglas ako sa pag kakahawak niya pero bwiset napakalakas niya

Oops napalakas yung pagkakasabi ko nun, at nagsimula ng magbulungan ang mga estudyante sa paligid namin, "Okay fine... Sasama ako sayo, makikipag usap ako sayo, bitawan mo lang ako"

"Nope, I will hold your hand whenever I want to. Hindi ako katulad ng iba diyan na agad na lang bumibitaw"

Shoot! Natamaan ako sa sinabi niya. Nanahimik na lang ako habang naglalakad kami papunta sa school garden, dun daw kami mag uusap.

Nakarating din kami agad sa school garden. Thanks God walang katao tao dito, Iwas na rin sa chismis. Natunaw na nga kami kanina sa tinginan ng mga tao, malamang sa malamang trending kami sa school nito.

Katahimikan... Nakakabinging katahimikan... Sheeze ano bang balak nitong kumag na to? Makipag kompitensiya sa patahimikan?

"Oww 'come on Tyler, you know we're not in a good situation, I mean we're not okay since--"

"Bakit nga ba Shay... Bakit nga ba hindi na tayo okay ngayon?"

Nagkatitigan kaming dalawa, kulang na lang ay magkatunawan kami rito, damn! Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya, kung meron kang makikita sa mga mata niya yun ay lungkot... And I hate it! Sa lahat ng ayaw ko, yun yung nakikita kong malungkot yung mga taong mahahalaga sakin, yung nakikita ko siyang malungkot.

Destiny's ChoiceWhere stories live. Discover now