Choice 03: She's my Ex

33 3 2
                                    

Tyler's POV

"Really? Dude congrats! Hahahaha" Henz said after he heard that Tyron is our section's escort, "Pero teka pano nangyari yun? Hindi ka ba nagcomplain or something?"

"Hindi kasi siya makatutol kasi mismong adviser na namin yung nagsabi na kami yung nominated as escort. Then nanalo si Tyron" pagpapaliwanag ko naman

"Oww" sabi nalang niya

"That girl" sabi ni Tyron habang nakatingin lang sa malayo, "She'll pay for this" dugtong pa nito

Yeah that girl. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. I can't help myself but stare at her, i mean she's damn pretty! Pero hindi nun mababago ang pagtingin ko sa kaniya. Galit ako sa kaniya, sobra pa nga eh ikaw ba naman yung iwanan sa ere. Itinaas niya ko eh.. Itinaas ng sobrang taas pero sa huli binitawan niya ako kahit na alam niyang masasaktan ako iniwan ng wala man lang sinabi na kahit ano, ni hindi niya tinapos ang kung anomang meron kami basta bigla na lang siyang nawala... Nawala ng parang bula.

Hinanap ko siya, sa bahay nila, sa school, sa mga lugar na pingauntahan niya pero iisang sagot lang ang naririnig ko sa mga pinagtatanungan ko sa kaniya at yun ay "wala na siya dito". Lumipas ang isang linggo, I received a text message, unknown number saying "This will be my last message to you. Sorry for the moment I left without saying anything.. Without even saying goodbye. Sorry for making you love me. You know how much I love you but I have to do this, kailangan kitang pakawalan. Hindi dahil sa hindi na kita mahal kundi dahil kailangan talaga. Wag muna sana akong hintayin pa kasi hindi na ko babalik pa. Kalimutan muna ako gaya ng ginagawa kong paglimot sayo. I love you, Goodbye... TL" Hindi man siya nagpakilala alam kong siya yun. Siya lang naman yung tumatawag sakin na TL. Ako daw kasi ang TL niya.. Ang TyLer ng buhay niya at ang True Love niya. Ako naman itong sobrang kinilig nung sinabi niya yun. Ang corny diba? Bata pa kasi kami nun, walang pakialam sa baduy na salita.

Nagka GFs na ko 1 month after she left me or should I say pinaglaruan ko lang yung feelings nung mga girls na yun, pinagsabay sabay ko sila wala akong pakialam kung masaktan sila. That's my revenge. Hindi man sa kaniya at least sa kapwa babae niya. Feeling ko kasi pinaglaruan niya lang yung feelings ko at pinaglaruan niya lang ako.

Pero hindi ko mapigilan na matuwa sa kaniya kanina, pano ba naman hindi niya malaman kung anong gagawin at sasabihin niya.

I admit it.. Until now she never fail to make me smile, kahit na sa mga simpleng bagay na iyon.

Natauhan ako sa biglang paghagis ng unan sa mukha ko ni Henz "Hoy Wilson! Alam ko yang ngiting aso mong yan, sino na naman yung malas na babaeng balak mo na namang biktimahin?"

"Tanga! Killer smile yun hindi ngiting aso, bobo ka talagang hinayupak ka!" binato ko sa kaniya pabalik yung unan na ibinato niya sakin kanina ngunit naiwasan niya ito.

"Ikaw ang bobo! Ang tagal na nung iwan ka ng ex mo pero hanggang ngayon apektado ka pa rin sa kaniya!" nagseryoso naman siya, "Tigilan mo na yung pagiging babaero mo, wag mong hintaying dumating yang karma mo"

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong nainis sa sinabi niyang iyon, "Tanga ka talaga! Hindi mo alam kung anong sinasabi mo, palibhasa hindi mo naranasan yung naranasan ko!"

"Concern lang ako sayo Wilson, andaming babaeng nagkakagusto sayo pero dahil lang sa iniwan ka ng babae nagkaganyan ka na? Gumising ka nga!"

Nagkuyom yung kamao ko. Gusto ko siyang suntukin pero bigla na lang pumagitna si Tyron sa amin.

Destiny's ChoiceWhere stories live. Discover now