Hindi talaga siya tatantanan ng mga anak niya hanggang hindi siya pumapayag sa gusto ng mga ito.

"Isama mo na kasi Girl"ani Kyla ng matapos siya nito ayusan ng buhok.

"Pano natin isasama ang mga bagets. Pano kung no bagets allowed sa party na un. Sinong mag-uuwi sa kanila. Ikaw?"sagot naman ni Carla kay Kyla.

Inirapan ito ni Kyla, bago ito lumapit sa gown niya at inayos ito.

"Keber na Baks, pwede ka ng magbihis. Kami naman ang magpapaganda."sabi ni Carla sa kanya.

Tumayo na siya at nilapitan ang mga anak niya.

"King , Duke. I know you really want to with me in this party. But mommy don't know if it is allowed to bring babies in the party. Hope the two of you understand mommy tonight. Promise I will be here before you nap time."pakiusap niya sa mga anak niya.

Hindi naman nagsikibuan ang mga ito. mukha naman iniintindi ng mga ito ang sinabi niya.

"You are not allowed to date"bilin naman ng panganay niya.

"Okay, I will.."sang-ayon naman niya sa mga anak niya.

"You can call daddy now, daddy can date you mommy if we are not allowed there"mahinang turan naman ng bunso niya.

Alam kasi ng mga anak niya na nasa Pilipinas ang ama ng mga nito. Hindi lang kilala ng mga ito si Malik. Kasi hindi niya pa nababanggit sa mga ito maski pangalan ng ama ng mga ito.

"Yeah, call daddy now mommy. He can be your date tonight, he is not a baby anymore"pagpayag naman ng panganay niya.

Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ng anak niya.

Kung pwede nga lang niyang gawin iyon ginawa na niya.

Kaso ayaw niyang makausap pa ang lalaking iyon.

Hanggang ngayon kasi galit pa din siya dito.

"Okay, I'll try."sang-ayon nalang niya sa mga anak ng matapos na ang usapan nilang mag-iina.

Hindi naman na nagsalita ang mga ito at bumaba na ang mga ito sa kama at nag-unahan na ang mga ito papunta sa sala.

"Girl, mukhang nagsisimula na silang maghanap ng tatay nila"bulong sa kanya ni Kyla ng makalabas na ang mga anak niya.

"I don't know, hindi ko alam kung anong gagawin kong pagpapakilala sa mga anak k okay Malik."nalilitong sagot niya.

"Tsaka na yang pagda-drama. Baka malate pa tayo sa party"pagtataray ni Carla sa kanila.

May sundo sa kanila sa hotel nila. Ang nakakapagtaka lang hiwa-hiwalay pa sila ng sundo ng mga kaibigan niya. Sa isang venue lang naman sila pupunta.

"Wow ha... bakit sayo limo... kami kotse lang?"bulong sa kanya ni Carla.

"Inggit ka naman"biro naman ni Kyla dito.

Hindi na siya sumagot sa bangayan ng mga kaibigan niya. Baka kasi humaba lang ang pagtatalo nilang mga kaibigan niya.

Sumakay na lang sila sa mga sasakyan na sumundo sa kanila.

Hindi na siya nagsalita pa ng makaalis na sila sa hotel kung saan sila nags-stay.

Tumingin nalang siya sa labas ng sasakyan para malibang siya. Ang alam niya kasi sa building ng LM corp gaganapin ang Christmas gatherings ng company. Nakarating na siya sa building na iyon kahapon ng makipag-meeting siya sa photographer at iba pang makakatrabaho niya sa gagawin niyang commercial at mga photoshoots para sa kompanya.

Ilang minuto na silang nagbibyahe pero hindi pa nila nararating ang nasabing building. Wala naman siyang matanong dahil hindi niya makita ang driver at may nakatakip sa pagitan ng driver at sa kanya.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon