Doon ko rin napagtanto kung gaano talaga kabusilak ang puso ni Persephone. Mahal niya si Hades pero kaya niyang maghintay para rito.

Lumunok ako at ibubuka na sana ang bibig ko para magtanong pa nang marinig namin ang boses ni Poseidon. Pareho kami ni Hades na napatingin sa pinanggagalingan ng boses.

"Guys! Look at this!", sabi ni Poseidon na papasok na isang kuwarto na ang pinto ay isang pulang kurtina.

Tumingin sa amin si Zeus at ginalaw ang kanyang ulo, inaanyaya kaming sumunod. Naglakad kami ni Hades papunta doon.

***

Pagpasok namin ay mga upuan, isang lumang projector na nakatapat sa pader ang sumalubong sa amin. Si Poseidon ay nakaupo na sa isa sa mga upuan na parang batang manunuod ng IMAX. Nagkatinginan kaming tatlo nila Hades at Zeus.

"Ano ito?", tanong ko.

"Obvious ba? Ang theater room. Ano kaya ang nasa projector na ito?", lumapit si Zeus sa may projector. "At may film ito. Umupo kayo."

"Wow, may pa-sine si Daedalus.", bulong ko.

Tumabi kami ni Hades kay Poseidon na nakatitig na sa board. Ilang segundo pa ay nakarinig kami ng tunog na parang kahoy na nasusunog at may liwanag na lumabas mula sa projector at tumama ito sa may board. Nakarinig kami ng tunog ng trumpeta, marahil score ng pelikula. Lumapit na rin si Zeus sa amin at umupo.

Matagal ding blanko lang ang nasa pader hangga't sa may mga sulat na lumabas dito. FOR ICARUS, MY SON.

Nanlaki ang mata ko. "Icarus? Iyong sagot sa riddle?"

"Shh!", pagsaway ni Poseidon.

Ang sumunod na lumabas ay isang napalabong video ng dalawang tao. Para akong nanunuod ng 1920's na pelikula na nalublob sa tubig. Hindi kinalaunan ay umayon din ang paningin ko sa pinapanood namin. Kita ko dito ay isang matandang lalake, makapal ang buhok at balbas nito at gula-gulanit ang chiton. Ngunit pansin mo ang matipuno niyang katawan. Kasama niya ang isang batang mahaba din ang buhok na nakasuot ng mala-sakong damit na napakalaki para sa kanya. Tinutulungan niya ang matanda sa isang mesa, may kinakalikot sila na kung ano — may ginagawa sila sa loob ng isang madilim na kuwarto.

"Si Daedalus at Icarus.", rinig kong sabi ni Zeus.

Nanlaki ulit ang mata ko pero hindi na ako nagsalita dahil baka sawayin ulit ako ni Poseidon.

Nagpatuloy ang pinapanood namin. Ang sunod na lumabas mula sa projector ay may isang lalakeng pumasok sa loob ng kuwarto kung nasaan si Daedalus at Icarus. Ang lalake ay may edad na, mahaba ang itim na buhok at ang kanyang balbas ay nakatirintas. Ang suot niyang robe ay kulay gold na may animo'y mga mamahaling bato na iba-iba ang kulay. At may korona siya. Sa likod niya ay dalawang guardiya — nasabi kong guardiya dahil sa suot nilang armor at hawak nilang mga spears.

Naglakad ang lalakeng naka-korona papalapit kila Daedalus at Icarus na napahawak naman sa isa't isa at napaurong.

HINDI KO KAYO SASAKTAN. Lumabas ang mga salitang iyan na parang subtitles, pero walang boses.

ANO PA BA ANG GUSTO MO, MINOS!, nagsalita si Daedalus at tulad ng una ay wala itong boses ngunit mga letra lamang ang lumabas.

Napangiti si Minos, isang mapaglarong ngiti. ANG TAWAGIN MO AKONG HARI! ALAM KO DAEDALUS NA MARAMI KA NANG NAGAWA PARA SA AKIN, TUNAY NA PINASAYA MO AKO SA MGA IMBENSYON MO PERO..., naglakad lakad si Minos, pabalik balik ng direksyon na animo'y kunyaring may pinagiisipan. MAYROON PA AKONG ISANG BAGAY NA GUSTO KO GAWIN MO.

ANO NAMAN ITO?, tanong ni Daedalus, mahigpit pa rin ang pagyakap kay Icarus.

ISANG LABYRINTH!

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book Vحيث تعيش القصص. اكتشف الآن