"Ahhh... bababa po manong"at nahihiyang inabot ditto ang bayad niya.

Buti nalang nakapagpalit na siya ng pera kaya may panggastos na siya.

Dahan dahan siyang pumasok sa building wala pa din namang masyadong pinagbago sa building na ito. Kung ano ang iniwan niya ito noong anim na taon ganoon pa din.

"Ma'am Issay"tawag sa kanya ng guard.

Nang lingunin niya ito, ito pa din ang guard noong ditto pa siya nakatira.

"Manong Bong"masayang sinalubong niya ito.

"Naku Ma'am Issay mas lalo kayong gumanda"bati sa kanya nito.

"Naku naman Manong Bong, binobola niyo pa ako."nakangiting sagot niya.

"Buti naman Ma'am andito na kayo. Alam niyo bang palaging maiinit ang ulo ni sir Malik simula nung umalis kayo"pagko-kwento nito.

"Dito pa din ba siya nakatira Manong?"alangan na tanong niya ditto.

"Oo naman ma'am"masiglang sagot nito.

Nagkwento pa ito ng konti bago siya tuluyang umakyat sa unit ni Malik.

Nang nasa elevator na siya bigla naman siyang kinabahan. Hindi pa din kasi niya alam kung pano niya kakausapin ang binata.

"Kaya mo yan Issay"pagbibigay niya ng lakas ng loob sa sarili niya.

Ting.

Hindi man lang niya napansin na nakarating na siya sa floor ni Malik sa sobrang kaba niya.

Naglakad na siya papunta sa unit ni Malik. Buti nalang walang tao sa hall way papunta sa unit ni Malik.

Nang nasa tapat na siya ng unit niya nanlalamig ang kamay niya sa sobrang kaba niya.

Nagdoor bell na siya.

Nakailang pindot na siya sa door bell pero wala naman nagbubukas sa kanya.

Baka nasa office niya. bulong niya sa isip niya.

Aalis na siya sana siya ng bumukas ang unit ni Malik.

Paglingon niya isang babae ang nagbukas nito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.

Napataas ang kilay niya ng makita ang itsura ng babae. Nakatapis lang kasi ito ng tuwalya at mukhang kakaligo lang nito.

"Who are you?"maarteng tanong pa nito sa kanya.

Tinaasan lang niya ito ng kilay.

Kung kanina kaba ang nararamdaman niya, ngayon inis naman ang kanyang nararamdaman para kay Malik.

Playboy pa din. Hindi man lang siya nagbago.

"Hey!!!"tawag sa kanya nito.

Tinalikuran na kasi niya ito ng hindi na sinagot pa ang tanong nito. Sobrang naiinis na kasi siya. Pinuntahan kasi niya si Malik par asana makipag-ayos at para na din sabihin na may anak sila. Pero ano naman itong nadatnan niya, may babaeng kasama ito.

Well hindi naman siya pinanganak kahapon para hindi alam kung anong nagyari sa loob ng unit ni Malik.

Asa ka naman kasing hihintayin ka pa niya, sino ka ba naman sa buhay niya. naisip niya habang naglalakad palayo.

"Hey!!!"tawag ulit sa kanya ng babae.

Nakairap na nilingon niya ito.

"Wear something decent when you are about to open a door"naiinis na sagot niya ditto.

Hindi na niya hintay pang magsalita ito at nagmamadali na siyang nagpunta sa elevator.

Nanggigigil pa siya ng makasakay na siya sa elevator.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now