She feels so helpless, bakit nagawa sa kanya ito ni Malik.

Ang akala niya mahal siya nito.

Ang akala niya hindi siya nito lolokohin.

Ang akala niya siya lang ang babaeng mahal nio.

Mali pala siya ng akala.

Isang malaking kalokohan lang ang lahat.

Sino nga lang ba siya compared sa mga babaeng nail-link kay Malik. Wala lang naman siya, mahirap lang siya. Wala pang nararating sa buhay, hindi nga alam kung saan siya talaga nanggaling.

"Bakit?.....Malik bakit mo nagawa sakin 'to?"umiiyak na tanong niya sa sarili niya.

Kaya pala hanggang ngayon wala pa din balak si Malik na ipakilala siya sa mga magulang nito. Kasi kasal na pala ito sa ibang babae.

Kinalma niya ang sarili niya at nag-ayos ng sarili niya. Nang makapagbihis na siya ay agad siyang lumabas ng kwarto deretso sa pinto palabas ng unit ng condo ni Malik. Hindi na nga niya nagawang lumingon pa, para man lang silipin ang babaeng sinasabi na asawa ni Malik.

Sobrang nahihirapan talaga siya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta.

Pumara siya ng taxi at dali daling sumasakay.

"Saan tayo Miss?"tanong sa kanya ng Taxi driver.

Sinabi niya ang address ng apartment nila.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating din siya sa bahay nila.

"Ate?"gulat na tawag sa kanya ng bunso nila.

"Anong nangyari sayo anak?"nag-aalala namang tanong sa kanya ng ina ng salubungin siya.

Hindi na niya namalayan na umiiyak na pala kaya naman nag-aalala ang kanyang ina at mga kapatid sa kanya.

"Nay"umiiyak na tawag niya sa ina.

Ito nalang ang naiisip niyang kakampi niya ng mga oras na ito. umiiyak na yumakap siya sa ina.

"Tahana anak, ano bang nangyari sayo. Nag-away na naman ba kayo ni Malik?"tanong sa kanya ng ina.

Umiling lang siya sa tanong ng ina. Hindi pa niya kayang ikwento ang nangyari sa kanya. Napakadami pang gumugulo sa isip niya. hihintayin na lang niya si Malik na puntahan niya sa bahay nila para ito ang magpaliwanag.

Dapat pa din naman siyang maghintay ng paliwanag ni Malik sa lahat.

Kahit naman galit siya kay Malik hindi pa din niya kayang lubusan na magalit sa lalaki.

Sobrang mahal niya ito.

"Tumahan ka na at may naghahanap sayo anak."masuyong hinaplos ng kanyang ina ang mukha niya.

Nilingon niya ang sinasabi nitong bisita sa likod ng kanyang ina.

Nakita niya ang isang may edad na lalaki na mukhang amerkano. Base na din sa itsura nito. Blond and buhok na medyo may gray hair na din, matangkad at sobrang puti nito. At nang makita niya ang mata nito bigla siyang kinabahan.

Blue eyes.

Kagaya ng mga mata niya.

"Avery"tawag nito sa hindi niya kilalang tao.

Tiningnan lang niya ito ng matagal. Hindi pa man ito nagpapakilala sa kanya alam na niyang posibleng ang tunay niyang ama ito.

Hindi naman kasi maitatanggi na halos magkamukha silang dalawa.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now