"Kami po ng anak niyo." Diretso kong sabi. Ni minsan hindi ako kumurap ng sabihin ko yun.

Habang ang ama niya ay mas naging seryoso lalo. Ang talim ng tingin nito at parang susuntukin na ako kung hindi lang siya hinawakan ng asawa niya.

"Kailan ka pa naging tomboy Mika?" Sumbat nito sa anak habang ang talim ng tingin sa kanya. "At ito ba ang sabi mong may masamang nangyari sayo? Magkasama lang pala kayo at nagpapakasaya habang kami ay nag-aalala kasi akala namin napaano kana? Kailan ka pa natutong magsinungaling? Dahil sa kanya?" Sabi nito na habang humahaba ang sinasabi niya, lumalakas din ang boses niya. Dinuro pa ako nito habang boses niya lang ang maririnig sa paligid.

At dahil sa lakas non, hindi napigilan ni Mika magtakip ng tenga dahil hindi niya pa nga nakokontrol ang lakas ng pandinig niya. Bago pa sa kanya yun kaya naman mahihirapan siya mag-adjust.

"Hon, baka atakihin ka. Huminahon ka nga." Sabi ng asawa nito at inalalayan siyang maupo. Habang ako ay yakap si Mika na nasasaktan na ang pandinig. Tinago ko na rin ang mukha niya kasi nagbabago na din ang kulay ng mata niya.

"Bakit mo sa amin nagawa to Mika? Sa babae pa talaga? Siya lang ang ipapalit mo kay Kiefer?" Sabi pa ng ama nito na puno ng lason ang mga salita niya. Nasasaktan ako, pero mas nasasaktan si Mika. Kaya naman siya muna ang uunahin ko, ang mahal ko.

"Huminahon po kayo Sir." Si tita na ang nagsalita. "At hindi po kasalanan ang namamagitan sa kanila kung soulmate naman sila." Sabi pa nito na kinataka ng iba kasama namin habang ang ama nito ay hindi parin natitinag. Ang ina niya ay walang bakas ng galit kundi mas pag-aalala ang nandoon.

"At hindi po nag sinungaling si ate Aly. May masama po talagang nangyari kay ate Mika pero mahirap pong ipaliwanag sa inyo. Baka sabihin niyo pang baliw kami." Sabi naman ng inosenteng Sky. Kahit naman kasi maasar to, hindi ka nito iiwan sa ere kung may mangyari mang masama. "At tulad po ng sabi ni mom, hindi po kasalanan ang magmahal ng kapwa babae. Kasi po, dalawa din po ang nanay ko. At kahit minsan, hindi ko naramdamang may kulang sa pagkatao ko." Nakangiti nitong sabi na kinangiti din ng mama ni Mika. Pero ang ama niya ay seryoso parin.

"Hindi ako papayag." Tumayo na ito. "Umuwi na tayo Mika." Matigas nitong sabi at tumingin kay Mika na nakatago parin sa dibdib ko.

"Hindi po siya pwedeng ilayo sa akin. May masama pong mangyayari." Mahinahon kong sabi.

"At ano naman yun?" At matalim nito akong tiningnan. "Hindi ikaw ang magdedesisyon sa bagay na yun. Ako ang ama, kaya sa akin siya sasama." Lumapit ito para hawakan si Mika para kaladkarin sana. Pero...

"Wag mo tangkaing gawin yan. Kung gusto niyo pang mabuhay." Isa pang boses ang dumagundong na parang kulod sa buong kabahayan.

"Lo/lolo/ama." Sabay-sabay naming sabi nila tita at Sky ng makita kong sino ang nasa pintuan.

Nakatayo ito doon. May katandaan na si lolo, pero hindi naman kita yun sa tikas niya. Lalo na may dumaloy ding dugo ng bampira sa ugat niya dahil sa huli niyang asawa na ina ni tita Sarah na pumanaw na dahil pinaslang.

Napalingon din ang lahat sa pintuan kung saan nanggaling ang boses, napalaki ang mga mata nilang lahat ng makilala kung sino ang nagsalita.

Hindi na kataka-taka na nakilala nila ito. Isang kilalang tao si Lolo sa business world kaya halos lahat ay kilala siya. Maliban na lang kung taga bundok ka.

"Sir William." Sabi ng ama ni Mika.

Tango lang ang sinagot ni lolo dito at lumapit sa amin. Yumakap at humalik ang mag-ina kay lolo. Ngumiti lang ito ng kaunti at tumingin sa akin.

Lumawak ang ngiti nito pagkakita sa akin. Tama nga talaga siya. Sa kanya ako nagmana ng pagkaseryoso, pero sumobra lang ang sa akin.

"Apo." At lumapit na ito at niyakap kami ni Mika na hanggang ngayon ay nakayakap parin sa akin. Medyo nanigas pa si Mika na kinatawa ni lolo. "Okey lang apo." Bulong nito sa amin at kumalas na.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum