Chapter 34: Surprise Her

Magsimula sa umpisa
                                    

Agad ko naman nang ginawa yung pinapagawa niya, ang daming paperbags dito. Nang tanggalin ko yung laman ng isang paperbag, nagulat ako sa laman. Isang stufftoy. Sinilip ko na yung ibang paperbags at ganun din ang laman kungdi stufftoy, teddybears.

Bigla kong naalala yung nakita ko sila Harold at Norm sa mall, siguro isa rin yun sa mga time na bumibili si Norm ng stuff toy para kay ate Daryl. Siguro ito yung mga stufftoy na binibili niya habang wala si ate Daryl, siguro ito yung way niya para ipakita kung gaano niya kamahal si ate Daryl.

Nasasaktan na naman ako.

Ipinapalibot ko na yung mga stufftoy sa backyard nila, at kasabay nun yung pagkirot sa dibdib ko. Bigla akong napatingin sa pink bear na hawak ko, may nakaukit sa tummy niya na 'Louise'. Hinawakan ko yung tummy ng teddybear at naghahangad kung kailan kaya magiging 'Kelly' 'to, ang sarap palang maranasan yung pagmamahal ni Norm. Ang sweet niya, hindi mo aakalain na ang misteryoso at tahimik na kagaya niya ay ganito mabaliw sa pag-ibig.

“Wag kang ngumuso diyan mukha kang pato.” napatingin agad ako kung sino yung nagsalita. Si Harold pala. Tinutulungan niya na akong mag-lagay ng mga stufftoy. Naalala ko bigla yung gagawin ko sa kanya.

“Harold, salamat.” nakita kong kumunot ang kanyang noo at ang malalalim niyang tingin.

“Para saan?”

“Doon sa pagdamay sa akin, salamat talaga.” hindi na siya sumagot, di ko alam kung sincere ba ako sa pagpapasalamat sa kanya eh. Tinuloy lang niya yung ginagawa niya na para bang di niya ako narinig.

“Harold, sorry din. Sorry sa lahat ng ginawa ko sa'yo. Sana magsimula ulit tayo sa simula. Hi! Ako nga pala si Kelly, at ikaw?” nilahad ko ang mga kamay ko at nakangiti na parang baliw. Nakangiti pa rin ako at naghihintay na kamayan niya ang mga nakalahad kong kamay pero tinititigan lang niya ako. Kaya nangalay na rin ako sa kakangiti at sa kamay kong kanina pa nakalahad.

“Di ba, gusto mong mag-sorry ako? Eh bakit parang ayaw mo?! Ang gulo mo naman eh! Simula't sapul yun yung gusto mong marinig sa'kin diba? Yung sorry at apology ko? Gusto mo bang lumuhod ako?”

“Kelly,” sa pagtawag niya ng pangalan ko agad akong huminahon.

“Kung anong meron sa atin ngayon, pinanghahawakan ko yun. Huwag kang humingi sa'kin ng tawad dahil nagbago ang pananaw mo sa akin. Alam kong nadadala ka lang ng emosyon mo ngayon pero mas gusto ko yung pagiging ikaw, yung matapang at lumalaban. Sana yang karakter mong iyon, sana gamitin mo para di ka masaktan. At tsaka di ko gugustuhing maging kaibigan ka.” at dali-dali siyang naglakad at lumayo sa'kin.

Bakit?! Gusto ko rin ba siyang maging kaibigan? Kapaaaaaaaal talaga! Ayokong magkaroon ng ugly monster! Hmp. Pero gumaan kahit papaano yung nararamdaman kong sakit. Siguro kasama sa sistema ko ang pagkainis kay Harold at dahil dun gumagaan ang loob ko kapag naiinis ako sa kanya. Tama siya, kailangan kong ipakita ngayon yung tapang na itinatago ko sa sarili ko.

**

Ang simpleng backyard nila Norm ay naging mala-enchanted dala ng lights na nakapalibot sa mga halaman kasama na rin yung teddybears na nakapalibot sa backyard. Ang hinihintay na lang ay si ate Daryl.

Masisiyahan siguro siya kapag nakita niya 'to. Mas lalong mahuhulog ang loob niya kay Norm kapag nakita niya ang efforts at sweetness na ipinapakita ni Norm sa kanya. Bagay na bagay sila.

Nag-go signal si Jake na parating na si ate Daryl. Kaya agad kaming nanahimik at hinihintay siya rito sa backyard.

Narinig na namin ang tunog ng mga heels na papunta rito.

“Khate, bakit may pa piring-piring ka ng nalalaman? Pag ako nasubsob, di na kita papadalhan ng mga damit na dinesign ko. Seryoso ako.”

“Ate Da, manahimik ka nga. Malapit na tayo.” nakatayo na ngayon sila sa harap namin. Naghintay muna si Khate ng ilang minuto bago tinanggal ang piring kay ate Daryl.

It All Started With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon